555

241 10 1
                                    


M


Hindi ito yung kumpletuna ni Nadine o yung sardinas ni Maine. Wala itong kinalaman sa kumpanya o brand o pagkain nila.

Sabi nila swerte daw yan sa casino. Di ba sa slot machine (basta yung may umiikot na tatlong wheels at nakakaubos ng pera) pag 555 yung lumabas, jackpot! Swerte mo.

Baka nga nakajackpot ako. Di ko lang sure kung swerte o malas. Five, limang taon ang pagitan ng edad namin. Di naman issue yon.

Pero limang taon narin mula nung huli kaming nagkita o nagusap. Yun ang issue.

Five squared is twenty five. Five times five diba? Simple math lang yan.
Madami kaming twenty five dati. Yung twenty five pesos na napanalunan sa Deal or No Deal. Pero baka wala nang nakakaalala nun.

Twenty five ako, nung iwan ko siya. Birthday niya pa yun eh. Malamang yun naalala niya. Happy Birthday diba?

Sabi nila siya yung ungrateful. Na siya yung iniwan nalang kung anong meron kami basta-basta. Siya yung nakitang may bagong loveteam, may bagong show, siya yung mukhang masaya.

Dun ko napatunayang isa talaga siyang magaling na artista.

Lagi kaming magkausap kahit na noon pang magkasama kami. Lalo na nung naghiwalay na. Gabi-gabi siyang humihiling na sana matapos na, nakikita at nababasa niya kase kahit sabihin kong wag na. Tigas talaga ng ulo niya.

Ako talaga yung masama. Ako yung nang-iwan, yung napagod. Di nagreply. Umiwas. Ako yung taong umalis ng di nagsasabi kung bakit at kung kelan babalik. O babalik pa ba.

Limang buwan. Tsaka niya lang naintindihan. Limang buwan mula ng pag-alis ko saka lang niya ko tinigilan. Tsaka niya tinanggap ang masakit na katotohanan.

Wala na yung nangakong MANANATILI sa tabi niya.

Wala na yung nagmamahal sakanya ng walang PERO.

Wala na AKO.

Lima. Limang segundo ko siyang niyakap. Di ko sigurado kung siya ba o ako ang unang bumitaw. Para kaming nagkasala. Limang segundo lang naman.

Limang segundo ng kahinaan.

Limang segundo ng mahal parin kita, patawad kung umalis akong bigla. Di ko kayang magpaalam pa sayo. At sa oras na magusap tayo ay mapapauwi ako.

Limang segundo lang. Pero limang mahahalagang bagay na ang nangyari sa loob ng limang oras.
▪Una, may kumalat na litrato ng aming limang segundo.
▪Pangalawa, nag usap kami na pang walang nangyari. Hindi nagkasakitan. Hindi nag iwanan.
▪Pangatlo, nabuhay ang mga panggulo. Este pangulo ng kumpanya. Patay. Patay nalang sana sila.
▪Pang-apat, nabulabog ang mundo.

Dahil ang panglima, pinapasok ko siya sa bago kong mundo.

"I don't think she's coming bro." Nakatambay parin ako sa may kurtina, sinisilip kung dumating na siya.

"Trust me Sean, she will." Tinapik nalang ako ni Sean sa balikat at umalis. Bakit ba hindi nalang ako nasanay na palaging bakante ang upuang yun?

Void.

Blankong espasyo sa puso ko na siya lang ang makakapuno.

"Hann, ready?"

Oo nagpalit ako ng pangalan. Ayokong magpahanap. Hann, mula sa Jhann. Inalis ko yung J, iniwan ko sa Pilipinas. Iba si Hann kay Marlo.

Name's Hann Galman and this is my stage.

-- -- --

Author's note!

Yay for Marlo's POV. Odiba, hugot king talaga. All will be explained in due time syempre.

In case di niyo napansin, I don't write whose POV is whose. Para masaya haha. Pero pag si Janella, english. Tagalog si Marlo. Taglish pag third person okie?

Yun, salamat sa pagbabasa. 555 words din tong chapter.

OursWhere stories live. Discover now