bombilya

99 7 0
                                    


M

Pwedeng LED or incandescent. Pwede ring fluorescent. Basta yan yung ilaw, yung may "ting" pag nakaisip ka ng magandang ideya?

Hindi nga lang ako sure kung maganda ba o hindi tong ideyang to.

Titigan mo ba naman ang ilaw habang nakahiga sa kama? Parang timang, oo. Wag niyo kong tanungin kung bored ako, kasi hindi.

May iniisip lang.

Oo na. Siya.

Janella.

Akalain niyo yun ha, umalis na ko't lahat-lahat, pinilit ko siyang kalimutan, pero ano? Wala talagang epekto.

Ang problema ngayon, gusto kong alamin yung buhay niya nung wala ako.

Kinutuban ako sa sinabi ni Tita Gidget sa ospital. Madami siyang nakaloveteam at nilaban pa sa AlDub. Eh anong nangyari sa iba?

-

Curiosity kills the cat.

Wala namang masama kung aalamin ko ang estado ng showbiz mula nung umalis ako diba?

'Janella Salvador : Taylor Swift ng Pilipinas'

Wow Taylor. Dahil ba kasing galing niya kumanta?

-

*beep beep

Alas-dose na pala. Jusko ilang oras na pala kong nagbabasa dito.

Pero hindi parin ako makapaniwala.

Totoo ba to Janella? Andaya mo.

Sa totoo lang, mula noon pang umalis ako, never akong nagkagirl friend. Sige date lang. Pero hindi nagiging kami. Siguro kase wala naman sa akin ang puso ko nun.

Nandun kay Janella.

Na walang ibang ginawa sa limang taon kundi hayaan ang puso niyang magpatalon-talon sa iba't-ibang kamay. Kada bagong loveteam niya, nagiging sila in real life.

Yung totoo? Andaya eh.

Naalala niyo pa ba dati, sinabi ko gusto ko siya? Inamin ko yun sa interview, pinakita ko sa social media, at higit sa lahat pinaramdam ko sakanya.

Seryoso ako nun sakanya. Never naman kase akong nagjoke sa panliligaw, hindi ako yung lalaking tinatratong laro ang pagibig.

Nagpaalam ako kay Tita Jenine. Nako grabe yung kaba ko nun ha. Nagkabutil-butil pawis ko pero okay naman. Pumayag naman siya kahit 17 palang si Jea.

Kaya lang, wala.

Hindi naman basted na basted talaga. Hindi rin friendzone. Ano, uhm, parang MU na getting to know pero kala mo traffic sa edsa sa sobrang bagal ng usad? Ganun.

Naiintindihan ko naman kase siya eh. Gusto niyang magfocus sa work, sa pagaartista. Gusto niyang sumikat, make a difference.

Tapos ngayon malalaman ko na pagalis ko kaliwa't-kanan ang naging mga lalaki sa buhay niya? Aba teka bakit ganun diba?

Ako yung naghirap na naghintay sakanya. Ako yung nauna sa pila. Ako pa nga yung nagpaalam pa mismo sa nanay niya. Hinarap ko yun lahat tas ano? Wala?

Somehow makes me glad I left.

Kase kung nandito ko sa Pilipinas tas ganun mangyayari, hindi ko kakayanin ang sakit.

Ngayon palang na nalalaman kong nangyari pala to para akong bumbilyang napundi. Yung nawalan na ko ng rason na sumindi?

Hinang-hina na yung ilaw ko. Patay sindi na siya.

Hindi naman sa hindi ko tanggap na kaya niyang gawin to ha, tanggap na tanggap ko actually. Naisip kong pwedeng mangyari to.

Yun nga lang, magkaiba ang pagtanggap ng isip sa pagtanggap ng puso.

Kelan ba kase magkakasundo yang dalawang yan?

Sa isip ko, okay lang. Alam niyang pwedeng mangyari. Possibility. Probability. Math yan. Naaral ko din yan nung high school. Yung chances kung kelan lalabas yung six pag niroll yung dice. Or kung ano yung mabubunot mong baraha sa deck. Ganun, may formula yan. Isosolve mo nalang.

Pero yung puso kase, walang sinusunod na formula yan. Walang pinapakinggang rason yan. Magustuhan, magustuhan. Ang puso ang tunay na pabebe, walang makakapigil. Tsaka eto ha, pansinin niyo. Pag hinati mo yung puso sa dalawa, diba parang tenga mo na? Ang puso kase natin, magkadikit na tenga. Kaya ayun, walang naririnig kahit namamaos na yung isip kakasigaw.

Hindi parin tanggap ng puso ko na kaya niyang magmahal ng iba. Paano nga naman niya matatanggap, hindi niya kase kaya yun.

-

Tumayo muna ko para uminom ng tubig. Kalma Marlo. Hinga.

Anong plano
mo ngayon?

Plano?

Ikaw na ang
kaloveteam.
Ibig sabihin,
may chance na
maging kayo.
In real life.

Ok-aay.

Ibig sabihin din,
iiwan ka niya pag
wala na yung love
team niyo. Diba?

Si Janella? Parang
di naman niya gagawin
yung ganun sakin.

Saka ako yung may
atraso sakanya diba?
Ako yung nangiwan.

Ako yung dapat na
pinaghihigantihan.

AY SHT. Baka nga paghigantihan ako. Kaya siya pumayag dito sa loveteam na to para ipamukha sakin yung iniwan ko. Tapos ano? Papaasahin mo ko ulit?

Mahal kita Janella. Noon pa man at hanggang ngayon.

Kaibahan lang, ngayon, mahal kita PERO.

Ayoko nang masaktan ulit. Ayoko na yung nangyari satin dati. Kung balak mo kong saktan, well, uunahan na kita.

I ain't labeled as a 'heartbreaker' back in the States for nothing.


A/N. Ganyan talaga pag umiibig~ MINSAN NATATANGA. HAHA. Makaassume kase to, parang ewan. Sarap batukan eh no?

Anyways, goodluck sa first solo concert Marlo! I feel kind of a disgrace as a fan kase di ako nakapunta. Pero support! In spirit hehe.

OursWhere stories live. Discover now