chapter 2

51.9K 850 20
                                    

"Krystel! " naramdaman ko ang pagtapik ni Olivia sa balikat ko. Nabaling ang atensyon ko sa kanila.

"Ha? " nagkatinginan sila.

"Pasensya na" napayuko nalang ako.

"Ok ka lang ba talaga? " tanong ni Erah tumingin ako sa kanila at umiling.

"Hi-hindi" sagot ko, hindi talaga ako OK dahil hanggang ngayon di parin mawala sa isip ko ang nangyare ng gabing yun niyakap ako ni Olivia.

"Sorry krystel" napaiyak na ako ilang araw at gabing paulit ulit bumabalik sakin ang gabing yun alam na din nila ang nangyare. Hindi ko naman magawang ilihim yun sa kanila nakita nila akong umiiyak non at hindi ko kayang maglihim sa kanila.

"Im so sorry, hindi dapat kita pinainom! " di ako sumagot iyak lang ako ng iyak. Gusto kong manumbat pero sino ang susumbatan ko? Sila? Wala naman silang ginawang masama hindi nila ginusto ang nangyare sakin.
Tahimik lang ako habang patuloy ang pagtulo ng luha ko sa pisngi.

_

Nasa field kami nakaupo at nanonoud ng mga nagpapraktis pero wala don ang atensyon ko, nanatili lang akong nakaupo ni hindi ko kinakausap si Kaye na nasa tabi ko lang.

"Krystel tara sa locker " aya ni kaye napansin ko na wala sina Via at Erah kahit wala akong kukunin sumama nalang ako. Nang makarating kami sumandal lang ako sa locker at pumikit.

"Krystel" minulat ko ang mata ng tawagin ako ni Olivia. napatayo ako ng tuwid ng may mahagilap ang mata ko,napahawak ako sa braso ni kaye ng makita kong kasama nya si Bryan, bigla nakaramdam ako ng galit sa kanya oo si Bryan! Si Bryan ang gumahasa sakin na kahit anong pagmamakaawa ko hindi sya nakinig.

"Krystel pwede ba tayong mag usap? " Umahon ang galit sa dibdib ko at may gana pa talaga syang makipag usap sakin pagkatapos ng ginawa nya.

"No! Wag kang lalapit sakin!" Sigaw ko, hinawakan ako ni kaye.

"Calm down krystel,gusto nya lang makipag usap" si Olivia umiling ako.

"Ayoko! " umiyak na ko hanggat maari ayoko syang makita at lalong ayokong makausap.

"Krystel hindi matatapos ang problema hanggat di mo sya kakausapin" mahinahong sabe ni kaye. Napatingin ako Kay Bryan na nakayuko, siguro nga tama sya kailangan naming mag usap. Unti unti nyang inalis ang kamay ko na nakahawak sa kanya tumango sila bago umalis, kinuyom ko ang kamao ko lumapit ako sa kanya pinagsusuntok ko sya.

"Walang hiya ka! Ang kapal ng mukha na gawin yun sakin! " sigaw ko, hindi sya umilag sa suntok at kalmot ko sa kanya. Nanatili lang syang nakatayo tinanggap lahat ng pananakit ko.

" hayop ka! Sinira mo ang buhay ko! " patuloy lang sa pag agos ang luha ko tumigil ako sa pagsuntok sa kanya.

"Wala naman akong kasalanan sayo ahh! " halos mapaos na ako kakasigaw sa kanya tumingin sya sakin.

"Im so sorry krystel hindi ko sinasadya" mas lalo akong nakaramdam ng galit sa sinabe nya.

"Sinadya mo yun!ilang beses akong nagmakaawa sayo pero dika nakinig!" Sa sobrang galit na nararamdaman ko kinalmot ko ang mukha nya nasusuklam ako sa kanya.

" sinadya mo yun ehh! Sinadya mo! " napaupo ako sa sahig at iyak ng iyak.

"I'm so sorry lasing na lasing at diko napigilan ang sarili ko" pinunasan ko ang luha ko tumayo ako walang kwenta ang pag uusap nato lumakad ako.

"Krystel sandali! " hinawakan nya ang kamay ko.

"Bitawan mo ko! Nandidiri ako sayo! " nakatingin lang sya sakin kita sa mata nya ang sakit bagay lang yan sa kanya.

"Wag na wag kang lalapit sakin! nasusuklam ako sayo! " iniwan ko sya don,pinunasan ko ang luha ko pero patuloy lang sa pag agos ang luha ko.

Paano nako ngayon? Pati sarili ko pinandidirihan ko na,ano bang naging kasalanan ko ang nangyare to sakin?

Nagtungo ako sa likod ng buiding,napasandig ako sa pader. Gusto ko syang saktan o kahit patayin bakit nya yun nagawa sakin? Pero kahit na Anong gawin ko hindi na maibabalik ang dati,sirang sira na ako.

_
"Krystel ano bang nangyayare Sayo?" Nakatingin ako kay mama,nakakunot ang noo nito habang nakatingin sakin ganun din si papa.

"Ate kanina kapa tinatanong ni mama"

"A-ano ho yun?"

"Ano bang nangyayare sayo? Ilang linggo na kitang napapansin na ganyan wala ka lagi sa sarili at laging tulala" napalunok ako.

"Wala ho to ma,medyo stress lang ho Kase sa school" sagot ko,napayuko ako ng hindi nito inaalis ang tingin sakin.

"Siguraduhin mo lang na sa eskwela yan wag mo kaming biguin ng papa mo" kinabahan ako pero hindi na ako sumagot.

"Tama na yan sige na ituloy nyo na ang pagkain" nagpatuloy kami sa pagkain kahit hindi ako tumitingin sa kanila ramdam ko ang tingin nila sakin lalo na si mama. Minadali ko nalang ang pagkain pagkatapos ay nagtungo ako sa sariling kwarto.

Napaupo ako sa kama,sumasakit na ang ulo ko sa kung ano man ang dapat kong gawin. Hindi ko pwedeng sabihin kina mama ang nangyare sakin tiwala silang hindi ako magloloko o kahit gumawa ng ikakagalit nila,pero paano na ito ngayon hindi ako natatakot na saktan nila mas natatakot akong pahintuin nila ako sa pag aaral at ayokong mangyare yun marami pa akong pangarap at ayokong masira yun.
Ayokong danasin ang hirap hindi ko man kailan man pinangarap na maghirap sa buhay.

Kasalanan ito ng walang hiyang Bryan na yun ehh. Kasalanan nya ang lahat ng nangyayareng ito sa sakin. Hinding hindi ko sya mapapatawad sa ginawa nya sakin. Naramdaman ko nalang ang luha ko sa pisngi, iyak nalang ang nagagawa ko sa lahat ng nangyare,nasabunot ko ang sariling buhok.


ONE NIGHT WITH MR.MONTEROYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon