KRYSTEL
"Wait lang Brylle" hinawakan ko ang pisngi nya kung saan nagkalat ang kinakain nitong Ice cream ganun din kay Beatrice pinanoud ko sila gumuhit ang ngiti saabi ko nang pagmasdan ang dalawa. Kaninang pumayag sila agad ko silang pinasyal at binilhan ng mga magustuhan nila. Napansin ko na kamukhang kamukha ni Brylle ang ama nito ganun din si Beatrice medyo maliit nga lang ito at maputi kesa sa kambal nito. Inayos ko ang nagusot na damit ni Beatrice ng may magsalita.
"Hi!" Napalingon kami sa bumati. Agad akong napatayo ng makita ang nakangiti nitong mukha.
"Hello Adrian! "
"Kanina pa kayo dito? " sabay tingin nya sa kambal.
"Aahh medyo nagpapahinga lang kami" umupo sya sa tabi ko.
"Hi twins" ginulo nito ang buhok ng kambal tahimik naming pinanoud ang dalawa.
"Mabuti at pumayag ang dalawa" sambit nito ngumiti ako sa kanya.
" Yes. Mas makakasama ko sila ngayon ng matagal without their Daddy" tumango ito. Ito na siguro ang mahabang oras na nakasama nya ang kambal na wala si Bryan sa paligid, kapag nakikita nya kase ang lalaki mas nangingibabaw ang galit nya rito.
"Mommy! " inabot ni beatrice ang kamay nya na nanlalagkit pinunasan ko ito.
"Hindi pa din yan matatanggal krystel " tumingin ako sa kay Adrian.
"Samahan ko na muna sya sa restroom para makapaghugas" prisinta nito hinawakan nito ang kamay ng bata.
"Naku wag na" tanggi ko. Nakakahiya ako dapat ang mag aasikaso sa mga bata.
"Sasamahan ko na sya., let's go Beatrice" Tumingin sa kanya ang bata saka ito sumama hindi ko na pinigilan pa, napangiti nalang ako habang papaalis na sila. Tumingin ako sa gawi ni Brylle nanlaki ang mata ko ng diko sya makita lumingon ako sa paligid.
"Brylle? " bigla akong kinabahan. Nagpalinga linga ako sa paligid pero wala akong makita. No hindi pwede.
"Brylle where are you?! " tawag ko nanlamig ang kamay ko ng hindi sya sumagot naglakad lakad ako habang tinatawag sya nagtanong tanong na rin ako sa mga taong naroroon hanggang sa makarating ako sa dulo.
"Brylle! " sigaw ko ng matanaw sya tumakbo ako papalapit sa kanya hinuhugasan nito ang kamay sa fountain. Nagtatakang tumingin sya sakin.
"Brylle" niyakap ko sya ng mahigpit sobrang kaba ang naramdaman ko hindi ko alam ang gagawin ko sakaling diko sya makita.
"Why mommy?"
"Pinakaba mo ako baby bigla ka nalang nawala" nakayuko lang sya habang hawak ang maliit at basa nyang kamay, hinaplos ko ang mukha nya at niyakap ulit.
Thanks God.
Baka kung ano na ang nangyare kung hindi ko sya nakita. Marahan kong pinunasan ang kamay nya wala itong imik kakargahin ko sana sya ng umiwas ito.
"Lakad lang ako mommy" nahugot ko ang hininga sa sinabe nya hinawakan ko ang kamay nya. Tahimik kaming naglakad pabalik sa kinaroroonan namin kanina.
"Asan si Daddy?" tanong nito habang naglalakad kami. Napabuntung hininga ako gusto kung mainis ako yung kasama nila pero ang Ama nila ang laging nasa mga isip ng dalawa.
"Nasa work baby, stop asking him ok hes fine" seryoso itong umupo ito sa bench. Humarap ako sa kanya at lumuhod inangat ko ang mukha nya.
"Dont be sad uuwi din naman tayo, ayaw mo bang makasama ngayon ang mommy?" nanatili itong tahimik. Hinagkan ko ang pisngi nya at umupo sa tabi nya. Ramdam kong mas gusto nitong makasama ang ama kesa sa akin at hindi ko mapigilan masaktan. Napakalayo na ng loob nila sa akin.
"Mommy!" sigaw ni Beatrice patakbo itong lumapit sa amin habang may bitbit na cotton candy nakasunod naman rito si Adrian may dala ring dalawang cotton candy sinalubong ko sya ng ngiti.
"Where did you get that?" tanong ko sa kanya ngumiti sya ng matamis bago tumingin sa kay Adrian.
" Bili nya Mommy" tinuro nito ang binata na papalapit na sa kanila. Kinuha nito ang isang cotton candy at lumapit sa kapatid.
"Kuya here!"
Inabot naman sakin ni Adrian ang isa oang cotton candy.
"thank you" sambit nya rito.
"Youre always welcome, hati tayo ahh" natawa ako sa sinabe nya saka tumango.
Comments or reactions???
Type u lang, thanks sa mga nagbabasa :)
BINABASA MO ANG
ONE NIGHT WITH MR.MONTEROYO
RomanceIsang pagkakamaling kinamuhian sya. Isang pagkakamaling nagbunga. Isang pagkakamaling hindi nya pinagsisihan. ©️2016