BRYAN
Pinagmasdan ko ang mahimbing na natutulog na si Krystel, nagbuga ako ng hangin sobrang kaba ang naramdaman ko kanina ng makita ang dugo sa hita nya hindi ko alam kung anong gagawin ko kung tuluyang nawala samin ang baby at kasalanan ko kapag nangyare iyon.
Napangiwi ako ng mahawakan ang gilid ng labi ko na pumutok kanina sa pakikipagsuntukan sa Adrian na yun, nakuyom ko ang kamay ko alam kong ayaw ni Krystel sa bata pero bakit kailangan pang ganun ang gawin nila?
Inis na inis ako sa lalaking yun hinayaan kong magkasama sila ni Krystel pero hindi ako papayag na pati sarili naming anak idadamay nya.Napatingin ako ng bumukas ang pinto, napatayo ako ng mga magulang ni Krystel ang pumasok agad na nilapitan ako ng papa nya at kinwelyuhan ako. Masama ang tingin na binigay nya sakin.
"Anong nangyare sa kanya? "
"Sorry ho-" di ko na natapos ang sasabihin ko ng itulak nya ako napaupo ako sa sofa.
"Walang kwenta! Nilagay mo sa kapahamakan ang anak at apo ko! " napayuko ako.
"Pasensya na ho" hingi ko ng paumanhin, alam kong mula sa umpisa palang ayaw na nila sakin dahil sa nagawa ko kay krystel.
"Wala ka man lang bang biniling pagkain sa kanya?" Galit na tanong ng mama nya. Hindi na ako nakabili ng pagkain dahil ayokong iwanan ang mag ina ko
"Pasensya na ho, bibili nalang ho ako" di sya sumagot sumulyap ako Kay krsytel na mahimbing pang natutulog mabuti. Naabutan ko si Adrian na nakatayo sa labas ng pinto agad na nag init ang dugo ko sa kanya.
"Anong ginagawa mo rito?''
''Gusto kong makita si Krystel'' sasagot pa sana ako ng bumukas ang pinto.
'' Pumasok kana ihoj'' boses ng Mama ni Krystel nagkatitigan muna kami bago nya ako nilagpasan, nakuyom ko ang kamay ko.
__
Pabalik na ako sa kwarto ni Krystel ng makitang kong palabas ng buliding ang mga magulang nito sinadya kong magtagal sa labas pinahupa ko muna ang inis ko sa lalaking yun ayokong maulit ang nagyare kanina.
Pagbukas ko ng pinto sumalubong ang tingin nila sakin."Ihoj! " lumapit si mama sakin,kumunot ang noo nito ng makit ako hinawakan nya ang gilid ng labi ko.
" what happen? Binugbug kaba? " umiling ako napatingin ako Kay Adrian na binabalatan ng mansanas si krystel.
"Wala to mom" nilapag ko sa mesa ang mga binili ko, nakatingin lang ako kay krystel na naghihintay matapos sa pagbabalat ng apple si Adrian, hindi ba dapat ako ang gumagawa nyan? Dahil ako ang asawa, umalis lang ako ito pa ang maabutan ko. Nakuyom ko ang kamao ko ang kapal din ng lalaking to na magpakita.
"Ihoj halika muna gagamutin ko yang sugat mo" lumapit sakin si mama at ginaya ako palabas ng kwarto.
"No mom ako nalang po"
"Ako nalang iho" hinawakan ko ang kamay nya.
"Ako nalang ho paki bantayan nyo nalang po ang mag ina ko" ayaw nya pa sanang pumayag pero wala na syang magawa. Nag iwan muna ako ng tingin bago tuluyang lumabas.
"Bryan anak ano ba talaga ang nangyare?''
''Mom"
"muntik ng malaglag yung bata ihoj'' nakaramdam ako ng konsensya baka dahil sakin tuluyan pang syang mawala.
"im sorry mom" hinawakan nya ang pisngi ko, niyakap ko sya ang bigat bigat sa pakiramdam, gusto kong bumawi kay Krystel pero parang pinagkakaitan ako, wala akong magawa kundi dumistansya.
"Ok magpahinga kana muna" kumalas ako sa pagkakayakap, pumasok ulit sya sa kwarto, sumandig ako sa pader, gusto ko silang bantayan pero baka makagawa naman ako ng gulo dahil andon si Adrian nakita ko rin sa mukha ni krystel ang saya na andon ang lalaking yun na ok lang kahit wala ako.
KRYSTEL
''Maraming salamat'' sambit ko ng iabot ni Adrian ang binalatan nyang mansanas, matapos ng nangyare kanina heto ako ngayon sa hospital dahil sa kagagawan ni Bryan. Muntik ng mawala ang baby dahil sa kanya.
''Pasensya kana sa nangyare kanina''
''its ok, kasalanan ko din naman hinayaan kita'' sabay kaming napatingin sa babaeng pumasok ang nanay ni Bryan lumapit sya sa amin.
''Excuse me'' hindi kami sumagot tumingin ito kay Adrian bago muling nagsalita.
''pwede mo ba muna kamin iwan?'' tanong nito sa lalaki tumingin muna sya sakin bago sumagot.
''sige ho,labas muna ako Krystel'' tumango lang lumabas si Adrian ng kwarto kinagat ko ang mansanas hinintay ko syang magsalita.
''Dahil ba sa lalaking yun?'' tumingin ako sa kanya tinutukoy nito si Adrian.
''wala ho syang kasalanan'' bumuntung hininga ito.
''Alam kong malaki ang kasalanan ng anak ko sayo pero pakiusap lang wag mo naman sanang insultuhin ang anak ko'' nanatiling tikom ang bibig ko.
''Bumabawi sya sa kasalanan nya sayo makita mo sana yon'' pagkatapos nitong sabihin yun, nagtungo ito sa sofa, umiwas ako ng tingin ng mahuli nya akong nakatingin sa kanya.
Bumabawi? eh sa ginagawa nya mas lalo pa nitong dinadagdagan ang kasalan nya sa akin. Ano ba ang dapat kong makita? yung panghihimasok ng lalaking yun sa gusto kong gawin? kahit anak pa nya ang dinadala ko hindi pa rin magbabago ang tingin ko sa kanya sya ang may kasalanan kung bakit nasa mahirap akong sitwasyom ngayon.
Ilang minuto na ang lumipas na hindi na nya ako kinausap hindi na rin pumasok pa muli si Adrian, nilapag ko anf mansanas na kanina ay kinakain ko nawalan ako bigla ng gana na kumain. Bumukas ang pinto nag aalalang mukha nila Kaye ang bumungad.
''Kamusta na? ang baby ok lang ba?'' tanong ni Erah niyakap nya ako.
''ok na ako pati ang baby'' sagot ko.
''Naku! buti nalang mag nininang pa kami ehh!'' ngumiti lang ako tumingin ako sa ginang na tahimik sa sofa. Muling bumukas ang pinto pumasok si olivia.
''Tita!'' lumapit ito sa ginang pinagmasdan ko lang sila habang nagkakamustahan, ilang sandali pa lumapit sakin si Olivia.
''Ok ka lang ba?'' tanong nito.
''ok lang ako, salamat sa pagpunta nyo'' niyakap nya ako, kaya hindi ko matagalan ang magalit sa kanila dahil sa pinapakita nila. Napakabait nila sa akin parang mga kapatid ko sila na laging nag aalala at nag aalaga sakin.
Hindi din sila nagtagal at umalis muli kaming naiwan ng mama ni Bryan hindi na ito muling umimik mula ng dumating sila Olivia, hinayaan ko nalang sya muli akong nahiga kung galit sya sakin wala akong magagawa kung hindi dahil sa anak nya hindi naman ako magkakaganito.Thanks sa mga nagbabasa :)
BINABASA MO ANG
ONE NIGHT WITH MR.MONTEROYO
RomanceIsang pagkakamaling kinamuhian sya. Isang pagkakamaling nagbunga. Isang pagkakamaling hindi nya pinagsisihan. ©️2016