KRYSTEL
"Hi!" Bati ni Adrian,kita sa mata nya ang saya andito kami ngayon sa restaurant kung san palagi nya akong dinadala.
"Umupo kana Adrian,hindi rin naman ako magtatagal" umupo naman sya,di nawala ang ngiti nya.
"Ano ba yun? Mukhang seryoso ahh na-"
"Hindi ko na itutuloy ang annulment" putol ko sa sinasabi nya,unti unting naalis ang ngiti nya.
"What? Baka nabibigla ka lang mabuti pang kumain na muna tayo"
"No seryoso ako adrian,sorry pero ayoko na saka tigilan na natin to,ito na din ang huli nating pagkikita" tinanggal ko ang bracelate na sout ko na regalo nya nong nakaraang taon.
"Salamat sa mga tulong,but im sorry" hindi ko na hinintay na magsalita pa sya,sinukbit ko ang bag ko saka lumabas ng restaurant.
Nasa parking lot na ako, bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse ng may humawak sa kamay ko."Adrian?" Walang emosyon ang mukha nya.
"Bakit?kulang pa ba ang mga ginawa ko? krystel mahal kita!" Binawi ko ang kamay ko sa kanya.
"Sorry Adrian may pamilya na ako"
"Pamilya? Diba ayaw mo naman sa kanila? Diba ayaw mong nakikita sila lalo na si Bryan!" Galit nyang sigaw, magsasalita na sana ako ng bigla nya akong halikan,tinulak ko sya pero hinawakan nya ang kamay ko.Hinayaan ko sya hindi ako nagresponse sa halik nya, hanggang sa naramdaman kong unti unti syang tumigil at lumayo binitiwan nya ang kamay ko.
"Ngayon Alam mo na tumigil kana may pamilya na ako" tumingin sya sakin.
"Pero ako mahal kita! Diba mahal mo din ako? Tayo nalang krystel" inalog nya ang balikat ko,umiiling ako.
"Adrian.., Oo andyan ka palagi,lagi kang nasa tabi ko pag may problema ako lagi mo akong sinasamahan sa lahat at nagpapasalamat ako don,minahal kita pero bilang isang kaibigan lang" napabitaw sya nakikita ko sa mata nya ang sakit umiwas sya ng tingin.
"Sorry adrian alam kong masakit pero mas nakakabuting tigilan na natin ang pagkikitang ito" tumingin sya sakin.
"Dahil ba sa kanya?"
"Oo at dahil din sa mga anak ko mahal na mahal ko sila lalo na ang tatay nila" tuluyan ng nalaglag ang luha masakit man pero kailangan kong sabihin sa kanya.
"Aalis na ako" binuksan ko ang pinto at dali daling sumakay,Pinaandar ko ang kotse sinilip ko sya sa side mirror nakita ko syang napaluhod, naawa man ako pero kailangan nyang matanggap, binalik ko ang tingin sa kalsada.
Sa una mahirap tanggapin na mahal ko na pala si Bryan dahil puro galit at pagkamuhi ang ginawa ko. Nang makita ko ang anak namin na nahihirapan nang dahil sakin narealize ko na hindi dapat sila makaranas ng sira ang pamilya mahal ko sila lalo na ang tatay nila na kailangan kong bawiin.
"Mommy look my drawing!" Lumapit si beatrice mabuti nalang at gumaling na sya kasalukuyan kaming nasa kwarto nila.Tumabi sya sakin pinakita nya ang papel tinuro nya isa isa ang apat na Tao na magkakahawak kamay sa drawing nya.
"Me, kuya, mommy and daddy!"
"Galing naman ng baby ko" niyakap ko sya.
"Mommy kailan uuwi si daddy?" Tanong nya.
"Soon baby,wag kanang malungkot ok?" Tumayo sya at bumalik sa kinauupuan nya kanina,wag kayong mag alala babalik din si daddy.
"Tama na yan mga anak and I to na tayo!" Saway ko, pinatay ko ang andar ng kotse.
"Ouch!"daing ni beatrice nilingon ko sila sa backseat.
"Anong nangyare?"
"Sorry!" Hinipan hipan ni brylle ang braso ng kapatid.
"Mommy si kuya!" Naiiyakna sumbong nya.
"Sorry na beatrice" bumaba ako ng kotse binuksan ko ang pinto sa backseat hinarap ko sila.
"Di naman yun sinasadya ni kuya"
"Tama si mommy saka malikot ka kase"
"Oooopps tama na brylle,remember nyo ba si Dracula?" Sabay silang tumango.
"Ako yun! Aarrgghhh!!!!" Panakot ko sa kanila.
"Aaaah mommy!" Natawa ako sa reaksyon nila mabilis silang lumabas ng kotse.
"Lets go beatrice!" Magkawak kamay silang pumasok sa bahay kinuha ko ang bag nila saka sinara ang pinto.
"Ang ganda po!"rinig ko pagkapasok ng bahay napakunot noo ako may kausap ang kambal? Nilapag ko sa sofa ang bag ng dalawa,papasok na sana ako ng kusina nang marinig ko ang tawa ng lalaki palabas ng kusina.
"Nagustuhan mo ba baby?" Tumibok ng mabilis ang puso ko ng marinig ko ang boses.Nang tuluyan na silang nakalabas napasinghap ako andito na nga sya!.
"Bryan" lumingon sya sa direksyon ko ngumiti ako.
"Mommy oh pasalubong ni daddy" si Beatrice hawak ang isang Manika,magsasalita na ulit sana ako ng may lumabas.
"Brylle wait hindi pa tapos!" Tawag ng babae sa anak ko habang tumatakbo,huminto sya sa tabi ni Bryan tumingin sakin nawala ang ngiti ko.Anong ibig sabihin nito? Tumingin ako kay Bryan pero umiwas sya bigla parang may bumara sa lalamunan ko.
"Oh hi krystel!" Bati ng bruhang si Sophia. Lumunok ako kahit masakit.
"A-andito kana pala"
"Yeah kararating lang namin" kinagat ko ang labi ko para pigilan ang luha ko, ibig sabihin magkasama sila ni Sophia!.
"Ga-ganun ba? Sige a-akyat muna ako sa taas" kinuha ko ang bag at dali daling umalis sa harap nila. Pagtapak ko sa hagdan tuluyan ng nalaglag ang luha ko, nagmadali akong pumasok sa kwarto ko pagkasara ko ng pinto sunod sunod ang pagtulo ng luha ko napasandig ako sa likod ng pinto.
Huli na ba ako?sila na ba talaga? Parang tinutusok ang puso ko sa sakit, bakit kung kailan na narealize ko na mahal ko sya saka naman naging ganito? Napaupo ako sa sahig,ito na ba ang karma ko? Sa lahat ng pananakit na ginawa ko sa kanya ito na ba?.Kahit masakit...
Enjoy :))
BINABASA MO ANG
ONE NIGHT WITH MR.MONTEROYO
RomanceIsang pagkakamaling kinamuhian sya. Isang pagkakamaling nagbunga. Isang pagkakamaling hindi nya pinagsisihan. ©️2016