"You may now kiss the bride"
Nagkatinginan kami ni bryan walang expression ang mukha ko na tumingin sa kanya. Kasal na kami dahil kahit anong tutol ko mga magulang parin namin ang nasunod. Masamang masama ang loob ko sa kanila ni hindi nila kayang pakinggan kung ano ang gusto ko, kaya kung hindi magpakasal sa kanya pero oras na ginawa ko yun itatakwil ako ni mama at yun ang ayokong mangyare ayokong tuluyan malayo sa kanila.
Dinikit nya ang pisngi nya sa pisngi ko gusto ko sanang umiwas pero lahat ng tingin nila nasa amin nagpalakpakan ang mga tao na dumalo. Oo gusto kong makasal pero hindi sa ganitong paraan at lalong hindi sa lalaking hindi ko naman mahal. Hindi ko magawang ngumiti sa harap nila kasal na ako pero hindi ako masaya napasulyap ako kay Adrian na dumalo din nakaramdam ako ng lungkot ngumiti ako sa kanya ng pilit.
Ang lalaking gusto ko nakatanaw lang sakin habang ikinakasal ako sa iba, marahil wala syang gusto sakin pero ayoko pa ring makasal kay Bryan, gusto ko ulit umiyak at magwala ang bigat sa pakiramdam lahat sila masaya para sakin pero hindi ako.
Hinawakan ni Bryan ang kamay ko na agad kong binawi nawala ang ngiti nya sa ginawa ko.'' wala ka paring karapatang hawakan ako'' akmang iiwan ko na sya ng nagsilapitan sina Olivia.
''Congrats picture taking muna tayo'' sabat ni Kaye. Pilit ang ngiting ibinigay ko sa bawat litratong kinukuhanan nila.
"Congrats Krystel'' napalingon ako kay Adrian ngumiti ako sa kanya.
"picture tayo'' nagpicture kaming dalawa alam kong nakatingin sa amin si Bryan pero wala akong pakialam. Ngayon pa lang ipaparamdam ko na sa kanya kung anong hirap ang pinagdaanan ko.Pagkatapos naming magpicture inaya ko si Adrian na makihalubilo sa ibang bisita iniwan ko si Bryan.
BRYAN POV
"Congrats bro!'' tinakpik ni Rico ang balikat ko ganun din si Ken at Jasper.
"salamat''
''hanep ka pre kasal kana!''
"teka nasaan ba yung bride na asawa mo na?'' tanong ni Ken. Lumikot ang mata ko hinanap din ng mga mata nila si Krystel.
''pare seryoso?'' tanong ni Rico pareho kaming napatingin kay Krystel na kasama si Adrian masayang nag uusap ang dalawa.
''parang iba to ahh''
''wala yan'' sagot ko sa kanila alam ko kung anong tinutukoy nila, hindi naman lingid samin na gusto ni Krystel ang lalaking yun. Ayoko namang pigilan sya paglapit sa lalaki ayokong madagdagan pa ang galit nya.
''yaan nyo na magkaibigan naman sila ehh picture muna tayo para sa tropa nating may asawa na!'' kinuha ni Ken ang cellphone nito, kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko sa pang aasar nila. Inilibot ko ang paningin magkasama pa rin silang dalawa kita sa mata ni Krystel na masaya iton kapag kasama ang lalaki napabuntung hininga nalang ako.
--
Nilapag ko ang gamit at sinara ang pinto pagkatapos ng kasal dumeretso kami sa bahay na regalo ng mommy nya simple lang at maaliwalas tingnan. Pinili ko ang kwarto sa dulo ayokong pati sa kwarto magkasama kami. Pagod na hiniga ko ang sarili sa malambot na kama hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyare kasal na ako sa lalaki pang kinamumuhian ko na ni minsan hindi sumagi sa isip ko na sya ang makakasama ko sa iisang bubong.
Hindi na ako lumabas hanggang sa sumapit ang gabi may narinig akong katok mula sa pinto pero hindi ko ito pinansin hanggang sa makatulog ako."Kumain kana nagluto na ako" napatingin ako kay Bryan na naghahain sa mesa linggo ngayon wala kaming pasok hindi ko sya sinagot binuksan ko ang ref kumuha ako ng malamig na tubig.
"Kagabe kapa walang kain baka mapano na yang baby" tiningnan ko sya ng masama.
"Busog ako tsaka kakain ako kung kailan ko gusto! Wag mo kong pangunahan! " tinalikuran ko sya.
"Krystel! " diko sya pinansin dumeretso ako sa kwarto ko, nakakainis sya araw araw nalang lagi nya akong pinangungunahan sa mga gusto ko kinuha ko ang cellphone ko. Hindi ako papayag na pati buhay ko hahawakan nya.
[Kailan ka magpapacheck up?]
Text ni Adrian napangiti ako agad akong nagreply.[Next week pa.]
Hinawakan ko ang tyan ko, 3 months na ang baby ko halata na din ang tyan ko.
[Ahh ganun ba,ano nga pala gender nya?]
[hindi ko pa alam]
Hindi ko pa alam ayokong magpa ultrasound dahil gusto ko sa mismong paglabas nya malalaman ko kung boy o girl sya.Madami pa kaming napag usapan hanggang sa makaramdam ako ng gutom, hindi ko na sya nireplayan. Binuksan ko ang pinto bumungad ang tray ng pagkain sigurado akong si Bryan ang naglagay nito tumingin ako sa paligid tahimik wala ata sya kinuha ko ang tray at dinala ko sa kusina mukhang kanina nya pa ito nilagay malamig na kase binasa ko ang nakaipit na papel.
Kumain kana please wag kang magpalipas ng gutom nakakasama yan sa baby
Pagkabasa ko agad kong nilamukos at tinapon ang papel tumingin ako kung anong ibang makakain at nag init nalang ako.
--
"kamusta ang buhay may asawa?'' nakangiting tanong ni Kaye.''pwede ba ayoko syang pag usapan'' kinagat ko ang donut na dala ni Erah na para lang talaga sa akin.
''ganun pa rin ba?'' tanong ni Olivia. Alam ko kung ano tinutukoy nya.
''ganun at hindi ganun kadali magpatawad'' sagot ko. Mas lalong nadagdagan ang galit ko kay Bryan mula nong ikasal kami may ilang estudyante na ang nagsasalita sa likod ko ng masama yungkol sa akin, wala akong ginagawa sa kanila ni hindi nila alam ang boung storya pero kung makapagsalita sila parang alam na nila lahat tao nga naman oo.
''someday mapapatawad mo din yun''
''hindi at kahit kailan hindi sumagi sa isip ko na mapapatawad ko pa sya'' hindi na sila kumibo inabala nalang ang mga sarili sa kani kanilang mga cellphone. Ni minsan hindi sumagi na kaya ko syang patawarin sa twing nakikita ko sya mas lalo lang akong nagagalit hindi dapat sya ang kasama at asawa ko ngayon kung hindi dahil sa kawalang hiyaan nya.
BINABASA MO ANG
ONE NIGHT WITH MR.MONTEROYO
RomansIsang pagkakamaling kinamuhian sya. Isang pagkakamaling nagbunga. Isang pagkakamaling hindi nya pinagsisihan. ©️2016