chapter ten

30.3K 528 6
                                    

BRYAN

"Anong nangyare dyan sa labi mo?'' tanong ni Rico,kumuha ako ng isang beer tinungga ko ito nagkatinginan silang tatlo inis na nilapag ko ang bote.

"Oh easy lang! " tinapik nya ang balikat ko umupo ako sa sofa. Pagkaalis ko ng Hospital agad akong dumeretso sa Condo nya eksakto namang nandito si Ken at Jasper. Hindi ko na magawang linisin ang sugat ko kanina.

"Balita ko nasa hospital  mag ina mo? " si Kenneth di ako sumagot  kasalanan ko naman kase kung bakit nasa hospital sila ngayon. Muli kong tinungga ang natitirang laman ng bote.

"Bakit anong nangyare? "

"Kalanan ko naman kase ang nangyare'' kung hindi ko sana sinuntok ang lalaking yun wala sana sa hospital si Krystel ngayon.

'' Eh sino nga sumuntok nyan tol?'' muling tanong ni Rico.

''Si Adrian'' simple kong sagot, hindi ko nalang sasabihin sa kanila ang nangyare, pag iinitan din nila ang lalaking yun.

"Tsk! Bantayan mo ng mabuti yang asawa mo, baka makuha yan" napatingin ako kay Rico.

"What do you mean? " takang tanong ko.

" tol! imulat mo yang mata mo hindi ka mahal ni Krystel diba?  At alam mo naman kung sino talaga ang gusto nya" humigpit ang hawak ko sa baso, alam ko yun simula't sapul ang lalaking yun na talaga ang gusto ni Krystel.

Minsan pa nga kapag nasa bahay sila ni Olivia habang naroroon ako si Adrian lang ang bukang bibig nila kung paano sya kiligin sa twing babanggitin ang pangalan ng lalaking yun. Lihim ko syang pinagmamasdan sa malayo alam kong hindi nya ako pansin wala akong lakas ng loob ng lapitan sya lalo na at may iba na itong gusto.
Pinilit kong maging pormal sa harap nya kahit gusto ko ng lapitan sya at sabihin na may gusto ako sa kanya mula ng makita ko syang magtungo sa bahay ni Olivia hindi ko alam pero parang tumigil ang mundo ko.

Ang baduy lang lalaki ako pero nakaramdam ako ng ganun sa kanya.Lagi ko na rin syang nakikita at nakakasabay, kaya nong birthday ni Olivia nagpapasalamat ako non na nagkatabi na umupo hindi nya gustong uminom ng gabing yun at yun din ang gusto ko pero mapilit sila Olivia ayoko din namang sawayin sya at baka asarin pa ako. Kita ko sa mata nya ng gabing yun ang kislap ng pilitin din sya ni Adrian, gusto ko syang hilahin at ilayo ng gabing yun inis na inis ako kay Adrian, hindi ko namalayan na nalalasing na ako at ang gabing yun ang hindi ko inaasahan.

Kung minsan napapaisip ako paano kung hindi nangyare yun sa amin? mapapansin nya na kaya ako ng tuluyan? Alam kong mali ang nagawa ko pero masaya ako at kasama ko sya na asawa ko na sya at magkakaroon pa kami ng anak. Kinamumuhian man nya ako ngayon hindi ako titigil hanggat hindi nya ako napapatawad.




    KRYSTEL

Araw at buwan ang lumipas ngayon malaki na ang tyan ko at kabuwanan ko marahan kong hinimas ang kalakihan kong tyan naramdaman ko ang pagsipa nya napangiti ako.

Bumukas ang pinto nawala ang ngiti ko ng pumasok si Bryan, diko sya pinansin  binuksan ko ang t.v at nanoud hanggang ngayon  wala paring pagbabago kung paano ko sya patunguhan alam kong ginagampanan nya ang pagiging asawa  pero wala talaga akong  madamang awa sa kanya kundi galit at pagkamuhi.
Hindi na din ako nakakapasok sa school baka kase anumang oras manganak na ako, nag paexcuse nalang ako sa mga subjevt teacher ko.

"Nabili ko na ang mga kailangan mo at ng baby  pakicheck nalang kung may kulang" nanatili lang akong nakatutok sa t.v.

"Krystel" 

"Pwede ba! Wag kang istorbo!  Kung nabili mo na lahat edi OK! " inis kong sabe,napatiim bagang lang ito.

''Sabihin mo nalang kung may kulang pa'' lumakad ito patungo sa kusina
napahawak ako sa tyan ko na biglang humapdi, umayos ako ng upo pero mas lalong lumalala napangiwi ako sa sakit tiningnan ko ang pintong pinasukan nya.

"B-bryan" tawag ko, nakagat ko ang labi ko ng tumindi ang sakit.

''aaaaahhhhh!'' sigaw ko, napatakbo mula sa loob ng kusina.

" K-krsytel Ba-bakit? " taranta itong lumapit sakin.

"Ang sakit ng tyan ko manganganak na ata ako " napahawak ako sa braso nya  sa sobrang sakit.

"Ha!? " hindi nito malaman kung saan ako hahawakan, muli akong napasigaw sa sakit na lalo nitong ikinataranta.

"Aaray! dalhin mo na ako sa hospital" daing ko  binuhat nya ako ako palabas saka isinakay sa kotse napapikit ako sa sakit.




__

"Kamukha ni daddy oh! "  unti unti kong minulat  ang mata ko, una kong nakita si Bryan na karga ang anak namin, pati si Olivia kita sa mata nila ang saya lalo na kay Bryan na abot hanggang tenga ang ngiti. Lahat sila masaya nandito silang lahat.


"Ang swerte mo krystel!  Dalawa talaga sila" si erah. Ngumiti ako kambal ang iniluwal ko isang baby boy at isang baby girl. Naging mahirap ang pagluwal ko sa panganay ko na lalaki kabaliktaran naman sa kambal nito, laking gulat ko kanina na hindi pala nag iisa ang anak ko kaya pala may kalakihan ang tyan ko.

"Baby ito na si mommy" tinabi sakin ni Olivia ang baby girl ko,napangiti ako ng makita ang munti nyang mukha, hindi ko lubos maisip na kung tinuloy ko pala noon ang binabalak ko dalawang anghel ang pinatay ko. Nakaramdam ako ng konsensya patawarin sana Nya ako sa mga binalk ko noon sa dalawang anghel na ito.

''Ang cute naman ng apo ko kamukha mo sya ihoj'' wika ng ina ni Bryan lalong lumapad ang ngiti nito at hindi maalis ang tingin sa baby,

''Talaga mom?''

''yes ihoj at siguradong pinagbiyak kayo na bunga kapag lumaki ito'' hinawakan ko ang munting kamay ng baby girl ko, masaya ako na lumabas sila ng maayos at malusog pa.
Dumating ang mga kaibigan ni Bryan binati ng mga ito ang lalaki ngumiti lang ako sa kanila kahit diko sila kilala minsan ko lang silang nakita noong kasal namin. Hindi din nagtagal nag siuwian na din sila maliban kay Bryan ayaw nya akong iwan kahit na binabantayan ng isang nurse ang mga bata.Hindi ko nalang sya pinansin masakit pa ang boung katawan o at gusto ko ng mahabang pahinga.








Thanks sa mga nagbabasa :)

ONE NIGHT WITH MR.MONTEROYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon