BRYAN
"Celine wala ba akong appointment ngayon?" Tanong ko sa secretary ko.
"Wala sir"
"Sige aalis ako kaw na Bahala dito" lumabas ako ng building,tumingin ako sa relo maaga pa pero gusto ko nang umuwi excited na akong makita ang mag iina ko.
"Bryan" napahinto ako.
"Sophia please wag dito" hinawakan nya ang kamay ko naiiyak sya.
"Please bryan mahal kita! Tayo nalang iwan mo na si krystel" nilayo ko ang kamay ko.
"Sophia wake up!wag mo ng bilugin pa ang ulo ko alam ko na ang lahat dahil sayo muntik ng masira ang pamilya ko!" Lumayo sya ayokong magalit sa kanya pero sa pinapakita nya hindi ko maiwasan.
Nalaman ko na mula sa kapatid nya na gusto nyang ipapirma ang annulment papers kay krystel na hindi ko alam."Pero bryan mahal kita!"
"No hindi mo ko mahal kasakiman yan sophia!akala ko kaibigan kita pero ikaw din pala ang dahilan kung bakit muntik na kaming maghiwalay" iyak lang sya ng iyak hinayaan ko lang sya.
"May pamilya na ako at kahit na anong gawin mo sila parin ang pipiliin ko" saka ko sya iniwan,sumakay ako sa kotse naawa ako sa kanya pero hindi ko na kayang lumapit pa sa kanya.
KRYSTEL
"Mommy sumipa sya!" Tuwang tuwa na sambit ni Beatrice natawa nalang ako kasalukuyan akong nakaupo sa sofa habang nakadapa si Beatrice nakatapat ang mukha nya sa tyan ko,may kasunod na ang kambal ko.
"Can't wait to see you baby" kausap ni Beatrice.
"Me too ate" pinaliit ko ang boses ko.
"Ito na order ng baby girl ko !" Sigaw ng asawa ko na lumabas ng kusina agad na umupo si Beatrice.
"Iniinggit nyo naman ako eh!" Nilapag nya ang dala nya na tray umupi sya sa tabi ko saka hinagkan ang pisngi ko.
"Pwede ka naman pero tikim lang" sumandig ako sa balikat nya.
"Subuan mo ko" natawa sya hinaplos nya ang malaki ko ng tyan.
"Sure ikaw pa" kumuha sya ng kunting ice cream saka sinubo sakin nginitian ko sya tinotoo nga nya gigil na hinagkan nya ang pisngi ko.
"Daddy"sabay kaming napalingon kay Beatrice,kagat nya ang kutsara nagkalat sa pisngi nya ang ice cream ngumisi pa sya pareho kaming napangiwi.
"Baby naman naglambingan lang kami ni mommy nagkaganyan kana" pinunasan nya ang pisngi nito.
"Mommy! Daddy looook!!!!" Sinundan namin ng tingin ang magsisisgaw na si brylle,hingal na huminto sya sa harap namin.
"Mommy daddy oh!" Hawak ang isang papel pinakita nya ang pininta nyang larawan.
"Ang galing naman ng baby ko!"
"Thank you mommy!"
"Sa susunod baby wag kanang magdamit ha? Dahil mas madami pang nalalagay sa damit mo kesa sa kinulay mo hahaha" nagtawanan kami tumabi sakin si brylle.
"Pano ba yan daddy alam mo na ang gagawin mo sa makukulit nato" pinagpipisil ko ang pisngi nila.
"Ano pa nga ba" hindi na naalis ang ngiti ko.Salamat at nagkaroon ako ng ganitong kakakulit na mga anak at poging asawa na matakaw sa ice cream.
Thank you po sa lahat ng nag abang palagi ng update ko kahit puro maiikli.
Thank you dahil tiniis nyo tong basahin hahaha.
Thank you sa mga voters.
Napaiyak ko ba kayo? Sarry hahaha sadyang yan ang takbo ng story.
Thank you po sa inyo.
Till next new story po ulit. :))Impaktako _17
BINABASA MO ANG
ONE NIGHT WITH MR.MONTEROYO
RomanceIsang pagkakamaling kinamuhian sya. Isang pagkakamaling nagbunga. Isang pagkakamaling hindi nya pinagsisihan. ©️2016