Napahinto ako sa pinto ng kusina ng maabutan ko silang abala sa paglalagay ng pagkain sa mga baunan, maaga akong nagising para lutuan sana sila pero naunahan na nila ako gusto kong bumawi sa dalawang bata.
"Daddy damihan mo din sakin'' tinig ni Beatrice nakatunghay ito sa ama habang naglalagay ng pagkain napatingin sila sakin lumapit ako sa ref kumuha ako ng tubig nakatalikod ako sa kanila. First day pala nila ngayon sa school.
"Let's go" tumingin ako sa pinto ng tumakbo ang dalawa naiwan si Bryan.
''Hihintayin ka namin sa labas'' umiling ako.
''wag na''
''First day nila ngayon sa eskwelahan''
''Maaga pa akong papasok'' tinalikuran ko sya naghanap ako ng pwedeng kakainin sa ref, narinig ko ang pagbuntung hininga nito.
"Kumain kana nagluto na ako, aalis na kami ng mga bata" pagkasabe nya agad syang umalis.Bakit ang bait nya? Dahil ba para mapatawad ko sya? tumawa ako ng pagak nagkakamali sya napatingin ako sa pintuan kung saan nakatayo ang kambal lumapit ako sa kanila at lumuhod para magkapantay ang mga mukha namin.
"May nakalimutan ba kayo baby?" Nagkatinginan sila kumunot ang noo ko tila nagtuturuan sila kung sino ang mauuna na magsalita.
"Tell me hindi magagalit si mommy " halata sa mukha nila na naiilang sila at kinakabahan ngumiti ako sa kanila nagulat ako ng sabay silang humalik sa magkabila kong pisngi.
"Bye mommy " paalam nila. Di agad ako nakagalaw nabigla ako sa ginawa nila kahit kailan hindi ko nagawa sa kanila na halikan sila bago umalis, pero sila? Nag iba ang pakiramdam ko. Ni minsan ay hindi ko yun nagawa kinakasya ko nalang ang sarili sa pagsulyap bago ako umalis ramdam ko ang pagtulo ng luha ko anong nangyayare sa akin at bakit ko lang napansin ang mga yun?
__
"Hi! " kahit dina ako lumingon kilala ko na ang boses nya, napangiti ako inayos ko muna ang pagkakasalansan ng mga folder bago humarap sa kanya."Tapos na duty mo? " si Adrian tumango ako inayos ko ang bag ko habang nakatingin sya sakin.
"hatid na kita"
"Wag na dadaanan ko ang kambal " kinuha ko ang susi sa bag ko hindi ko man sila naihatid sa first day school nila gusto kong ako naman ang sumundo.
"Samahan nalang kita para makita ko din sila"
"Sure ka?'' paninigurado ko, at kahit alam ko na ang magiging sagot nya tinanong ko parin sya.
''Kailan ba ako hindi naging sure sayo?'' nagkibitbalikat lang ako kinuha ko ang bag ko.
"Ok" Naglakad kami palabas ng building pareho kami ng pinapasukang kompanya Executive manager ito ng kompanya kaya minsan hindi maiwasang may mga galit sa kanya dahil madalas silang makitang dalawa na akala ng iba nagpapalakas sya para mapromote.
Hindi sya iniwan ni Adrian kahit nong manganak sya sinamahan sya sa lahat pati na ang paghahanap ng trabaho ng makagraduate sila ito din ang tumulong kaya laking pasasalamat nya sa lalaki naging sandigan nya at naging mabuting kaibigan sa kanya.Sumakay sila ng kotse at ito pa ang nagdrive.Pagkarating namin sa school natanaw ko ang dalawa na kalalabas palang ng gate kumakaway sa mga kaklase nila na pauwi na din, hawak kamay silang nakatayo sa gilid, tinanggal ko ang seatbelt at lumabas.
"Brylle! Beatrice! " lumingon sila sa gawi namin ni Adrian lumapit kami sa kanila.
"Hi brylle, Beatrice " bati ni Adrian.
"Hello po" si Beatrice, di naman kumibo si Brylle.
"Where's daddy? " sa halip ay tanong ng bata.
"Nasa work pa,tara uwi na tayo"hinawakan ko sila sa kamay at sabay na nagtungo sa sasakyan.
''Baka po dating si Daddy'' si Beatrice kinarga ko sya.
''Busy ang Daddy nyo kaya kami na muna ni Tito Adrian saka pupunta tayo sa mall kakain at maglalaro kayo'' tila hindi ito kumbinsido sa sinabe ko hindi ito umimik.
''Wow may star pala kayo pareho ni kuya ang gagaling talaga ng baby ko'' hinagkan ko ang pisngi nya wala parin silang kibo.
''Lets go na itetreat ko kayo'' aya ni Adrian hinawakan nito ang kamay ni Brylle habang karga ko naman si Beatrice patungo sa sasakyan.
''Mommy i want a new pencil'' daing ni Beatrice ng isakay ko sa likod kinabit ko ang seatbelt.
''Sure baby what about you kuya Brylle'' umiling lang ito ngumiti ako sa kanya bago ko sinara ang pinto sumakay ako sa unahan.
''Daan muna tayo sa isang fastfood'' sambit ko kay Adrian.
''Yes ma'am'' natawa lang ako sa kanya para tuloy namin syang driver ng mga bata. Sinilip ko ang dalawa abala si Beatrice sa paglalaro sa bag nito habang ang kuya naman nito ay nakatingin lang sa sapatos nito.
"Brylle what do you want? Bibilhin ni Mommy" tanong ko sa kanya. Marahan lang itong umiling sumingit naman si Beatrice.
"Mommy i want a color and pencil"
"Sure baby bibilhin yun ni Mommy" tiningnan ko si Brylle wala parin itong kibo binaling ko ang tingin sa labas. Hindi ko kabisado ang ugali ng dalawa lalo na si Brylle madalas itong tahimik kapag kasama ako hindi ko alam kung paano mapapalapit sa kanya.
__
"Thank you sa paghatid" kararating lang namin sa bahay galing sa Mall hindi na muna ako bumaba nagpasalamat muna ako kay Adrian. Inabutan kami ng gabi pagkatapos kasi naming kumain namasyal muna bago umuwi."Your always welcome" hinawakan nya ang kamay ko ngumiti ako sa kanya pasimpleng binawe ko ang kamay ko bumaba kami pareho ng sasakyan kinarga ko si Beatrice na nakatulog na, bumaba naman si brylle at nauna nang pumasok.
''Tulungan na kita'' umiling ako.
''Wag na umuwi kana at gabi na salamat ulit''
''Sige next time ulit''
"Sige ingat ka" pero imbes na pumasok sa sasakyan lumapit sya sakin nabigla ako sa ginawa nya hinagkan nya ako sa pisngi.
"Adrian"
"Good night " Dina ako sumagot hanggang sa umalis sya biglang sumagi sa isip ko ang gabi rin na kung saan hinalikan nya rin ako sa pisngi napangiti ako pumasok na ako sa loob ng mawala sa paningin ko ang sasakyan nya.
"Ginabi kayo? " bungad ni Bryan.
"Pinasyal ko ang mga bata" malamig kong sagot.
"Na kasama ang lalaking yun? "
"Bakit may problema ba? " tinaasan ko sya ng isang kilay, naalimpungatan si Beatrice na karga ko.
"Daddy" inabot nya ang kamay ni Bryan, agad na nagpakuha lumuwag ang yakap ko sa kanya.
"Sorry baby nagising kapa" tiningnan ko lang sila saka lumapit.
"Beatrice halika na hatid na kita sa room mo" yumakap sya sa leeg ni Bryan.
"No si daddy lang" mahina nyang sagot.
"Halika na" Hindi na ito sumagot nakapulupot na ang braso nito sa ama wala na akong nagawa, aalis na sana ako ng magsalita si Bryan.
''Salamat'' bigkas nito bago umalis kumunot ang noo ko. Salamat saan? tiningnan ko si Brylle na sumunod din sa ama nya napabuga ako ng hangin. Hindi ko sya maintindihan laging nagpapasalamat sa mga bagay na ginawa ko sa mga bata. Ano ba ang akala nya sa sakin? wala akong pakialam sa kambal? o talagang iniinsulto nya ako?.
Comments or any reactions?? Type nyo lang :)
BINABASA MO ANG
ONE NIGHT WITH MR.MONTEROYO
RomanceIsang pagkakamaling kinamuhian sya. Isang pagkakamaling nagbunga. Isang pagkakamaling hindi nya pinagsisihan. ©️2016