Chapter fifteen

27.1K 552 43
                                    

KRYSTEL

"Kailan ba ang uwi ni Kaye? " tanong ko kina erah at Olivia andito kami ngayon sa bahay ni erah. Linggo at walang pasok napagpasyahan namin na magbonding muna ilang buwan na rin kaming hindi masyadong nagkakausap.

"Next week daw" si Olivia kasalukuyang nasa HongKong si Kaye halos dalawang taon itong nanatili sa ibang bansa simula ng magkipaghiwalay ang boyfriend nito 2 years ago masyado nasaktan si Kaye kaya umalis muna ito.

"Buti naman uuwi na sya" uminom ako ng juice pinanoud ko ang kambal na kalaro ng anak ni Erah dalawang taon lang ang agwat ng kambal.

"Ang bilis ng panahon ang lalaki na nila" si Erah na pinapanoud din ang mga bata, tama sya parang kelan lang dati nag aaral at naglalakwatsa lang kami pero ngayon may sarili na kaming pamilya ni Erah si Olivia at Kaye naman nananatiling single.

"Aryan! " tawag ni Erah sa anak nya, agad naman itong lumapit. Napatitig ako sa mukha ng bata habang lumalaki ito lalong nagiging kamukha ng ama na ni minsan hindi na nagpakita. Single mom si Erah ang gagong nakabuntis dito hindi na nagpakita pa.

"Yes mommy? "

"Halika muna pupunasan ko yang pawis mo "tumingin naman ako sa kambal ko na papalapit.

"Tita tubig po" nawala ang ngiti ko ng huminto sila sa harap ni Olivia akala ko pa naman sa akin sila dederetso.

"Here" inabot nya ang tubig kay Brylle pinunasan naman nya ang pawis ni Beatrice bigla sumikip ang dibdib ko pakiramdam ko tuloy naging etsapwera ako bigla.

"Aryan don na muna kayo sa room mo magplay ha? "

"Yes mommy lesh go " aya nito sa kambal na agad namang sumunod uminom ulit ako ng juice para mawala ang bara sa lalamunan ko.

"Mukhang malayo ang loob sayo ng kambal" si Erah, di ako sumagot totoo naman kase.

"Nakwento sakin ni tita na nasigawan mo sila totoo ba? "

"Hindi ko naman sinasadya"

"Hanggang ngayon ba di mo parin napapatawad si Bryan? " tumingin ako kay Olivia.

"Sa tingin mo ba ganun kadali na mapatawad sya? Hindi Olivia. "

"Oo alam ko hindi ganun kadali pero five years na ang nakalipas malalaki na sila, saka kung may galit kapa sa kanya wag mong idamay ang mga bata" di ako sumagot ganyan ang sinasabe ni Bryan hindi ko naman dinadamay ang mga nagkataon lang na mainit ang ulo ko hinawakan ni Erah ang kamay ko.

"Lumalaki na sila krystel, wag mong hayaang malayo ang loob nila sayo.., dahil ikaw din ang masasaktan sa huli" dahil sa galit at pagkasuklam ko kay Bryan nadadamay sila, ang kambal ko na wala namang kasalanan. Humigpit ang hawak ko sa baso, naiinis ako sa sarili ko.
Tama sila hindi dapat sila idamay sa galit ko sa ama nila.



__

Agad akong bumaba ng sasakyan pagkarating ng bahay nag half day ako sa trabaho para makauwi hindi na ako nakapagpaalam kay Adrian sa sobrang pagmamadali dinaanan ko sila sa eskwelahan nila pero nakauwi na daw ang mga ito. Napangiti ako ng marinig ang boses ng dalawa ng tumatawa binuksan ko ang pinto agad kong nakita ang dalawa pero nawala ang ngiti ko ng makita ang isang babae na hawak ang manika ni Beatrice mukhang naglalaro ang mga ito, napatingin silang lahat sakin.

"mommy'' sambit ni Beatrice. Tumayo ang babae ngumiti sya sakin hindi ko magawang suklian.

''Who are you?'' tanong ko bago pa sya lumabas dumating si Bryan na mukhang kagagaling sa sarili nitong kwarto nagbubutones ito ng polo napatingin sya sa amin.

''Krystel napaaga ata ang uwi mo?'' Gulat na tanong nito hindi ko sya sinagot lumapit ito sa babae.

''Im Sophia close friend ako ng husband mo'' tinaasan ko sya ng isang kilay, at kailan pa nagkaroon ng close friend ang lalaking ito? at gulat na gulat pa sa pagdating ko ha. Dumaan ang katahimikan sa amin na binasag ni Bryan.

''Saktong sakto ang dating mo Krystel kumain na tayo Sophia dito kana mananghalian''

''Sige ba para makakwentuhan ko naman ang wife mo'' tumingin sakin ang babae na nakangiti tinitigan ko sya.

''Hindi ako kakain'' hindi ko inalis ang tingin sa babae nawala ang ngiti nito lumipat ang tingin  kay Bryan na nakatingin sakin, wala akong pakialam kung naging bastos ako sa kanya dahil hindi ko feel na kasabay silang kumain.

''Krystel-''

''Busog ako'' putol ko sa iba pa nyang sasabihin tinalikuran ko sila nagtungo ako sa sariling kwarto. Inis na hinagis ko ang bag sa kama umuwi nga ako ng maaga ito pa ang aabutan ko bwisit talaga!.

Ilang oras pa ang tinagal ng babaeng yun na talagang ikinainis ko ng sobra hindi ko magawang kunin ang atensyon ng kambal dahil tuwang tuwa ang mga ito habang kalaro ang babaeng at mas lalo akong nainis kay Bryan na imbes sawayin ang babae dahil nandito ako sa bahay hinayaan lang talaga tuwang tuwa pa ang bwisit eh ang OA naman magpatawa ng babaeng yun. Maghapon tuloy akong nakakulong sa kwarto at talagang wala pang balak umuwi ng babaeng yun kung hindi pa tinawagan ng kung sino man para umuwi ito hindi na ako nakalapit sa kambal sa sobrang pagod nakatulog na ang mga ito.
Para mabawasan ang inis ko nagbihis nalang ako at nag ayos ng sarili kakatext lang ni Adrian kung pwede daw kaming kumain sa labas agad akong pumayag para humupa ang inis ko sa babaeng yun at kay Bryan. Paglabas ko naabutan ko si Bryan na nililigpit ang mga laruan ng mga bata tumayo ito ng makita ako.

''Krystel saan ang punta mo?''

''Paki mo?''

''Gabi na'' inis na hinarap ko sya sirang sira na nga ang maghapon ko dadagdagan nya pa.

''Pwede ba tigilan mo nga yang pagkukuwareng concern ka sa akin hindi ka nakakatuwa!'' pabalibag na sinara ko ang pinto, pinadyak ko ang isang paa sa sobrang inis.













Reactions or comments..
Type nyo lang, thankie na din sa mga nag vovote at magvovote palang :)


ONE NIGHT WITH MR.MONTEROYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon