Chapter 2

14 1 0
                                    

Jace's POV

"Para kang baliw na ngumingiti ano bang meron diyan?" tumabi sa akin si Gelo habang sinilip ang hawak kong phone. By the way he's Angelo Bernal, boyfriend ni Jen Suarez na kaibigan ng babaeng. Ano nga bang pangalan nun?

"Kilala mo ba yung kaibigan ni Jen? Yung babaeng may bangs at masungit?" tanong ko sa kanya habang ibinulsa ko na ang phone

"Ah. Si Lara. Oh bakit?" pagtataka niya

"Wala" tipid na sagot ko at ngumiti lang ako

Iniwan ko na si Gelo at dumeretso na ako sa room ko. Naghanap ako ng bakanteng upuan at sakto namang meron sa likod. Naglakad na ako papunta doon at umupo na. Nakipag kwentuhan sa mga chicks este ka klase habang wala pa si proof

"Excuse me?" may nagsalitang babae sa likod ko pero hindi ko siya pinansin

"E-ehem!" linakasan niya ang boses niya "Excuse me but you're sitting at my chair" mahinahong pagpapatuloy niya kaya tumalikod na ako at tumingin sa kanya

"Your chair? Well sa pagkakaalam ko bago ka pa man linipat dito sa block na ito, ako na ang may ari nito" tinignan ko siya at nginitian. Hindi siya sumagot at para ba siyang nagtataka

"But since I'm a gentleman, there you go" tumayo ako at kinindatan siya. Sinamaan niya ako ng tingin at dahan dahan siyang umupo. Pinaalis ko yung naka upo sa isang tabi niya at umupo ako habang tinignan ko siya

"Anong ginawa mo?!" sinamaan niya ako ng tingin

"Umupo obviously. Hindi mo ba nakita?" nakangiting sagot ko sa kanya

"Dito ka na umupo at ako na ang maghahanap ng ibang mauupuan" sinamaan pa rin niya ako ng tingin habang tumayo na at kinuha ang bag niya at aalis na sana

"You're not going anywhere" nagulat siya noong hinawakan ko ang braso niya at pinabalik ko siya sa pag upo. Sasagot na sana siya ng biglang dumating ang mokong

"Buti naman at naisipan mo pang pumasok?" nginitian niya ako habang umupo siya sa tabi ni Lara. Nasa gitna namin si Lara at tinignan niya lang si Kent

"So what's in it to you?" sinamaan ko siya ng tingin

"Just making sure you still suck" kahit kailan talaga umiinit ang dugo ko sa kanya. Uupakan ko na sana siya ng biglang magsalita si Lara

"Pwede ba?! Sa labas ng room niyo nalang ituloy yang immaturity niyo? Makahanap na nga ng ibang mauupuan" sinamaan niya kami ng tingin habang tumayo ulit siya. Kukunin na sana niya ang bag niya at aalis

"Sit!" nagulat ako ng sabay kami ni Kent na nagsalita at sabay rin naming hinawakan sa braso si Lara at pina upo

Pinagpatuloy parin namin ni Kent ang pagtatalo at pinigilan ko ang tawa ko noong nakita ko si Lara na tinakpan  ang mukha niya ng hinahawakan niyang notes at pinatong ang mukha niya sa mesa

Natapos na rin lahat ng klase namin at sinubukan kong kausapin si Lara pero kahit anong gawin at sabihin ko sa kanya hindi niya ako pinapansin

"I need to tell you something" tumayo ako sa harap niya at tumigil naman siya habang tinignan niya ako

"Busy ako" tipid na sagot niya at nagpatuloy lang siya sa paglakad. Hinayaan ko na lang muna siyang makalayo at sinundan ko siya

Pumasok siya sa isang kainan at patuloy ko lang siyang sinundan. Nakasunod lang ako sa kanya pero bigla siyang nawala sa paningin ko sa dami ng tao sa loob. Hinanap ko siya at tumingin tingin ako sa paligid pero wala siya. Lumakad lang ako habang hinanap ko parin siya

"Ako bang hinahanap mo?" nagulat ako noong bigla siyang nakatayo na sa harap ko habang tinaasan niya ako ng kilay

"Ikaw? Hinahanap ko? Ba't naman kita hahanapin?" pinilit kong tumawa pero seryoso ang mukha niya. Nagmukha lang akong tanga habang pinilit kong tumawa sa harap niya

"Busy ako at wala akong time sa mga katulad mo" sinamaan niya ako ng tingin at umalis na. Tinignan ko lang siya at pumasok siya saglit sa isang room at lumabas din agad pero nakapagpalit na siya ng uniporme ng kainan. Hindi ko alam na nagtra-trabaho pala siya dito. Hindi ko na siya sinundan at kinulit kaya umalis na ako doon at umuwi na ako ng bahay

"Nay! I'm home!" sigaw ko habang linagay ko ang bag ko sa sofa

"Ay nandito na pala ang alaga ko. Kain na" nakangiting sagot niya habang lumapit siya sa akin

"Nay pwede bang hatid ko kayo sa inyo?"

"Ngayon na?" tanong niya

"Opo. Ngayon na" kinuha ko ang  phone sa bulsa ko. Tinignan ko ito at napangiti ako

Sumama naman si nay sa akin at hinatid ko siya sa kanila. Kwinentuhan ko siya sa mga nangyari sa school namin. Nagtawanan lang kami habang bumaba kami sa kotse ko at inakbayan ko siya. Nasa tapat na kami ng bahay nila at natigilan kami ni nay ng makita naming may nakatayo sa harap at para ba siyang natigilan sa gulat

"Ma! Ano ba naman yan. Opo alam ko pong mahirap mag isa, at tumandang walang kasama, at naiintindihan ko po kayo pero siya? Yang lalakeng yan?! E ka edad ko lang yan ma! Ma naman ano nalang ang sasabihin ng mga tsismosang kapitbahay natin!" nangingiyak na sabi niya habang tinignan niya kaming dalawa. Binitawan ko na ang pagkakaakbay ko kay nay at tinignan ko lang siya

"At ikaw naman! Eto ba?! Eto ba yung sasabihin mo kanina at sinundan mo pa ako ha?!" galit niyang sabi habang lumapit siya sa harapan ko. "At huwag na huwag mong sasabihin na kasalanan ko pa kase hindi ako nakinig sayo! Alam mo ikaw?! Nakakahiya ka!" sigaw niya sa harap ng mukha ko

Hindi na ako nagulat na mama niya ang nag alaga sa akin simula bata kase nakita ko yung picture nila ni nay sa cellphone ni Lara na nakalimutan niya sa office noon. Kung hindi ko pa nakita sa phone niya baka hindi ko pa malalamang siya pala yung anak ni nay. Bata pa lang kase ako siya na yung tumayong parang ina ko dahil hindi ako naasikaso ng mom and dad ko sa sobrang busy nila sa mga business namin

Nga pala sinabihan na ni nay si Lara na mali lahat ng iniisip niya at pinaliwanag na ako yung taong inalagaan niya mula pagkabata. Natawa nalang ako noong nakita ko ang mukha ni Lara na hiyang hiya. Umalis saglit si nay para maghanda raw ng meryenda kaya naiwan kaming dalawa ni Lara sa sala nila

"Hindi ko alam na ang wild pala ng imagination mo no?" Nakatayo lang kaming dalawa at tumawa naman ako habang lumapit ako sa harap niya

"Yang mukha mo kase hindi mapagkakatiwalaan" sinamaan niya lang ako ng tingin

"Sobrang pogi naman ng mukha ko para hindi pagkatiwalaan" Ngumiti ako at tinitigan ko siya

"Anong kinalaman ng pagka pogi mo sa ugali mo?!" sinamaan parin niya ako ng tingin

"Ah so inaamin mo na pogi ako?" tumawa ako habang mas linapitan ko siya

"Ah. Ang. Ang ibig kong sabihin, anong kinalaman ng hitsura mo sa ugali mo!" sigaw niya habang dahan dahan siyang lumakad paatras

"Give me your hand" nakangiting sagot ko habang tumayo nalang ako sa harap niya. Hindi siya nagsalita at nagtaka lang siya

"I said give me your hand. I'm going to give you something" Pagpapatuloy ko. Hindi niya ako sinagot at sinamaan niya ako ng tingin

"Okay. Looks like you don't need this anymore" Linabas ko ang phone sa bulsa ko at ngumiti ako

"Bakit nasayo yan?!" Nanlaki ang mga mata niya at dali dali siyang lumapit sa akin at kukunin na sana ang phone niya

"Na sayo lang pala ba't di mo sinabi!" sigaw niya habang pinilit niyang kunin ito sa akin pero linagay ko ito sa likuran ko

"I tried. Nakinig ka ba?" sagot ko sa kanya pero hindi na naman siya nakinig at pinilit parin niyang kunin ang phone na hawak ko sa likuran ko. Pinigilan ko siya pero hindi siya nagpapigil kaya ayun, natumba kaming dalawa sa sofa

Nakapatong siya sa akin at sa lakas ng pagkakatumba namin ay hindi sinasadyang nahalikan ko siya. Nagulat ako at siya nama'y nanlaki ang mga mata niya sa pagka gulat

Natigilan kami ng ilang segundo at walang gumalaw. Nagkatinginan lang kami at para bang tumigil ang mundo ko

All This Time  (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon