Chapter 12

6 0 0
                                        

Kent's POV

"Where have you been?" tanong ko kay Andrea habang nakangiti siyang pumasok sa bahay

"Well. I went out with Lara" sagot niya habang lumapit siya sa akin

"Lara? You went out with her? Without telling me?"

"Yes, why not? And why would I tell you? Do I need your permission?" natatawang sagot niya

"You should've atleast told me" sagot ko at tumawa lang siya. Dumeretso na siya sa kwarto niya at bigla namang tumunog ang cellphone ko

"Oo paalis na. Nandiyan na ba kayong lahat? Okay sige" sabi ko kay Benj na nasa kabilang linya. Binaba ko na ang cellphone ko at umalis na ako ng bahay

Pagdating ko doon, kompleto na ang buong barkada. Habang naglalakad ako papunta sa kanila, ang daming babaeng sumalubong sa akin. Inakbayan ko sila at nakipagkuwentuhan ng biglang inakbayan ako ni Benj at inilayo sa mga babae

"Bro tama na muna yan. May mas magandang babae dito na alam kong magugustuhan mo" nakangiting sabi ni Benj habang akbay parin niya ako. Naglakad na kami papunta sa buong barkada at pinaupo sa tabi niya. Natawa ako sa kanya habang hinintay ang sasabihin niya. "Nakikita mo ba yun?" tumingin siya sa dalawang babaeng nakatalikod na hindi kalayuan mula sa kinalalagyan namin

"Yan?" tumingin ako sa tinitignan niya at tumawa ako. "Bakit? Sino ba yan?" pagpapatuloy ko

"See for yourself" nagtaka ako sa sagot niya at napangiti. Tumayo ako at naglakad palapit sa kanila. Tumayo na ako sa harap nila at nagulat ako sa nakita ko

"Lara?" sabi ko at napatayo siya. "Kailan ka pa natutong pumunta sa ganitong lugar?" pagtataka ko

"Ha? Ah ano. Yinaya kasi ako ni ---" sagot niya at bigla namang nagsalita si Jen

"Ako. Yinaya ko siya. Bakit? Masama bang pumunta sa isang bar? Tsaka wala naman kaming ginagawang masama. Tignan mo nga, juice lang iniinom namin" tumayo si Jen habang kinuha ang baso ng juice at hinarap sa mukha ko

Wala naman akong sinasabing masama. Siguro nasabi ko lang yun kasi hindi ako sanay na nakikita si Lara sa ganitong lugar. Tsaka paano nalang kung may mambastos sa kanya dito?

"That's not what I meant. I just---" sagot ko at bigla namang sumulpot si Benj

"Hi girls. Mind if we join you?" nakangiting sabi niya at uupo na sana ng biglang

"No you can't" hinarang siya ni Gelo at sinamaan ng tingin

"I'm not asking you" sagot ni Benj at uupo na sana ulit ng bigla na namang

"Sinabi nang hindi pwede" sabi ni Jace habang siya naman ang humarang kay Benj at sinamaan niya ito ng tingin

Tumawa si Benj habang tinitigan niya si Jace. "Hindi kayo ang kinakausap ko"

"Mabuti pa umalis na kayo" sabi ni Gelo habang tinignan niya kaming dalawa ni Benj

"Ano bang problema niyo?" humarap ako kay Jace at Gelo at sinamaan ko rin sila ng tingin. Lumapit din ang dalawang mokong sa amin na akala mo kung sinong nagyayabang. Ngayon ay apat kaming nagharap harap habang tumayo sina Jen at Lara sa kanilang kinauupuan

"Kayo. Hindi ko masikmurang makita ang pagmumukha niyo" sabi ni Jace habang mas lumapit sa akin. Hindi ko napigilan ang sarili ko at sinapak ko siya. Hindi rin siya nagpatalo at nanuntok rin siya. Walang hiya 'tong mokong na ito dinudumihan ang mukha ko

"Ano ba! Tama na yan tumigil na nga kayo!" sigaw ni Lara habang pumagitna siya sa amin at pinatigil kami. Nasa gitna na namin si Lara at napatigil kaming lahat

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 02, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

All This Time  (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon