Jace's POV
Late akong nagising kaya nama'y dali dali na akong pumasok sa school. Sa pagod ko sa pagtakbo dumaan muna ako sa canteen para bumili ng tubig, pagkatapos ay dumeretso agad ako sa room kung saan nandun narin si Lara na nakaupo na
Umupo na ako sa tabi niya at tinignan ko siya pero nakatutok lang siya sa notes niya. Binuksan ko na ang tubig ko at iinomin ko na sana ng biglang umubo si Lara. Tinignan ko siya pero nakatutok na ulit siya sa notes niya. Iinom na sana ako ulit ng bigla siyang umubo ng malakas at sunod sunod
"Eto oh inumin mo" kahit uhaw na uhaw na ako, hindi ko na ito ininom at inalok ko nalang siya. Agad naman niya itong tinanggap at derederetso na niya itong ininom habang tinitigan ko lang siya
"Salamat" parang wala yata siya sa sarili niya ngayon at binalik pa ang bote na wala ng laman at hindi man lang niya ako tinignan
"Okay ka lang?" Tanong ko sa kanya
"Ha? Oo. Pagod lang siguro ako" sagot niya habang sinara niya ang notes niya at pinatong ang mukha niya sa armchair
"Pagod? Eh first period natin to at di pa nga nagsisimula e" hindi niya ako pinansin at nakapikit na ang mga mata niya. Seryoso ba siyang matutulog siya? Biglang dumating ang isa naming ka klase at sinabing may emergency meeting daw ang proof namin kaya nagsilabasan na ang mga ka klase namin. Napansin kong wala si Kent pero sakto naman kase wala naman si proof. Syempre hindi ako lumabas at umupo lang ako sa tabi ni Lara habang pinagmasdan ko ang maamo niyang mukha. Hindi ko narin siya ginising at hinayaan ko muna siya. Naisip ko kase na pinagsasabay niya pala ang trabaho at ang pag aaral niya kaya siguro pagod siya
Habang nakatitig ako sa kanya, hindi ko napigilan ang sarili ko na hawakan ang ulo niya at hinawi ko ang buhok niya. Dahan dahan niyang dinilat ang kanyang mga mata at tinignan niya ako
"Kanina ka pa diyan?" Mahinahong tanong niya
"Ah. Oo. Wala si proof kaya nagsilabasan na sila" sagot ko sa kanya
"Eh ba't nandito ka pa?" Tanong niya ulit habang nakapatong parin ang ulo niya sa armchair at tinignan niya lang ako
"Nakatulog ka e. Sinamahan na kita. Alangan namang iwan kita ditong mag isa" sagot ko. Inangat na niya ang ulo niya at bigla siyang umubo ng malakas
"Okay ka lang?" Tumayo ako at inalalayan ko siya
"Oo okay lang ako" kinuha na niya ang mga gamit niya at naglakad na palabas. Sumunod naman ako sa kanya at naglakad lang kami
"Dumaan pala ako sa bahay niyo kahapon" tumingin ako sa daan at naglakad lang kami
"Oo sinabi ni Gina" sagot niya habang naglakad lang kami
"Nasa school ka pa noon?" Tanong ko
"Ah hindi. Kasama ko si Kent" hindi niya ako tinignan at naglakad lang siya
"Bakit ano ba yung pinunta mo?" Tinignan na niya ako habang naglakad
"Ha? Ah. Wala. Napadaan lang" hindi ko siya tinignan at naglakad lang ako. "Nga pala may practice kami ng basketball, gusto mong manood?" Huminto ako at tinignan ko siya
"Lara! Lara Santos right?" Huminto rin si Lara at bigla namang dumating si Benj
"I'm Benj, kaibigan ni Kent. May practice siya ngayon at pinapasabing punta ka raw" ngumiti siya kay Lara
"Ah. Ha? Ngayon?" Tinignan niya si Benj at tumingin siya sa akin. Hindi ako nagsalita at hinintay ko ang sagot niya. "Sorry hindi ako pwede. May gagawin kami ni Jen, yung kaibigan ko" pagpapatuloy niya
