Chapter 10

16 0 0
                                    

Jace's POV

Bumaba na ako sa kotse ko at naglakad na papasok sa school ng biglang

"Jace!" sumigaw ang isang babae sa likuran ko. Liningon ko siya at dali dali siyang lumapit sa akin at tumayo sa harap ko. "I missed you!" sigaw niya habang hinalikan niya ang pisngi ko at masayang yinakap ako. Hindi ako gumalaw at hinayaan ko lang siya

"Anika?" kumawala na siya sa pagkakayakap sa akin at nakangiti siyang tumango. Tinignan ko siya, tumingin ako saglit sa paligid at ibinaling rin agad ang tingin ko sa kanya

"What? Hindi mo ba ako na miss?" nakangiti siyang tumayo sa harap ko at hinintay ang sagot ko. Napatigil ako saglit bago ako nakasagot

"Of course" tipid na sagot ko

"Of course what? Come on say it!" nakangiting sagot niya. Kahit kailan makulit talaga to

"Of course I missed you" ngumiti ako at yinakap niya akong muli. Tumayo lang ako at hinayaan ko siyang yakapin ako

Nakita ko si Lara at pupuntahan ko na sana siya ng bigla ko ring nakita si Kent

Magkasama sila at masayang masaya silang nagtatawanan. Ang sakit sa puso at mata na makita silang magkasama

Hindi ako nakagalaw at hindi ko namalayang yinakap ko na pala ng mahigpit si Anika

"Woah. I didn't expect you would miss me this much" kumawala na siya sa yakap namin at nginitian ako. Hindi ko siya tinignan at tumingin lang ako sa direksyon nina Lara at Kent kanina

"Is something wrong?" tanong niya habang tumingin sa likuran niya at ibinaling din agad ang tingin niya sa akin at nagtaka. Umiling ako at pinilit kong ngumiti sa kanya

"I'm going to class. See you around" nagpaalam na ako sa kanya at dumeretso na sa room namin. Nasa tapat na ako ng pintuan at nakita kong masayang nagkukuwentuhan sina Lara at Kent na tila hindi pa napuputol ang usapan mula ng makita ko silang magkasama sa hallway. Pumasok na ako at naglakad papunta sa upuan ko sa tabi ni Lara

"Oh, Jace!" masayang bati ni Lara. Parang ngayon lang to ha. Pero kahit ganun, hindi ako sumagot at kahit ngumiti man lang. Tinignan ko lang siya at umupo na ako habang sinuot ko sa magkabilang tenga ko ang earphones ko. Kita ko sa gilid ng mata ko na tinitigan niya ako at nagtaka

Hanggang natapos ang klase namin, hindi ko siya pinansin at hindi ako nagsalita. Kinuha ko na ang bag ko at lalakad na palayo ng biglang tumayo si Lara sa harapan ko at hinarang ang daanan ko. Tumingin ako kay Kent na nakatayo sa tabi ni Lara at binaling ko naman agad ang tingin ko kay Lara

Tumingin si Lara kay Kent at para bang isang tingin lang nila sa isa't isa ay nagkakaintindihan na. Lumabas na si Kent at naiwan kaming dalawa ni Lara. Hindi ako nagsalita at hinintay ko lang siyang magsalita

"Jace may--" napahinto siya saglit at napatingin sa sahig. Tinignan ko lang siya. Inangat niya ang ulo niya at tumingin ulit sa akin. "May problema ba?"

Tumayo lang ako habang nasa loob ng magkabilang bulsa ko ang mga kamay ko at pinipigilan ko ang sarili kong yakapin siya

"Gusto ko sanang malaman kung may problema ba? Para alam ko ang ginagawa ko. Hindi yung bigla ka nalang ---" hindi niya natapos ang sinasabi niya kasi may biglang pumasok na babae. Nagulat kaming dalawa ni Lara at napatingin sa babae

"Oh! Sorry. Am I interrupting something?" nagulat si Anika ng makita niya kaming dalawa dito

"No you're not. I was about to leave anyway" nakangiting sagot ko sa kanya. Tumingin ako kay Lara bago ako tuluyang lumabas kasama si Anika

All This Time  (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon