Kent's POV
I don't usually wake up so damn early on weekends pero dahil may gagawin kami at kasama pa si Lara, syempre nag effort akong gumising ng maaga. Komportable akong ako ang mauuna doon kase gaya ko, madaling araw na nagigising yang si Jace. Sumakay na ako sa kotse ko at pumunta na sa bahay nila Lara. Nag park na ako sa harap nila at hindi ako makapaniwalang sabay kami ni Jace na dumating. Nagkatinginan kami sa bintana ng aming kotse at nginitian ko siya. Sabay kaming bumaba sa kanya kanya naming kotse at tumayo sa harap ng bahay nila Lara
"Mukhang masyado ka naman yatang maaga?" nginitian ako ni Jace habang kaharap namin ang isa't isa
"Syempre importante sa akin to" tipid na sagot ko sa kanya at nginitian ko rin siya. Tumayo lang kami at tinignan ang isa't isa
"Hi boys! Nandito na pala kayo! Halika pasok kayo!" natutuwang sabi ng isang lalake na naka bihis at boses babae. Pinaupo niya kami sa sofa at tumayo siya sa harap namin
"Ako nga pala si Gina. Pinsan ni Lara" Nakangiting sabi niya at tinignan lang namin siya. "Hintayin niyo saglit siya ha, mamaya lalabas na yun. Kapag may kailangan kayo nandiyan lang ako sa carinderia" Pagpapatuloy niya at umalis na siya. Naiwan kaming dalawa ni Jace at tumingin tingin lang kami sa paligid
Biglang bumukas ang pinto ng isang kwarto na katapat lang ng inuupuan namin at napatingin lang kami ni Jace. Lumabas si Lara na para bang kagigising niya lang. Teka hindi parang. Talagang kagigising niya lang. Nakapikit pa ang mga mata niya at ang gulo pa ng buhok niya. Nagkamot siya sa likod niya at nag unat ng katawan habang humikab siya. Hindi kami nagsalita ni Jace at tinignan lang namin siya
"Gina dumating na ba yung dalawang lalakeng kala mo kung sino porke't pogi sila?" Sigaw ni Lara na nakapikit parin ang mata habang nagu-unat ng katawan. Pinigilan ko ang tumawa at ganun din si Jace. Walang nagsalita at tinignan lang namin siya
Nakataas ang dalawa niyang kamay sa pagu-unat at dahan dahan niyang minulat ang kanyang mga mata. Natigilan siya noong nakita niya kaming dalawa na naka upo sa tapat niya. Nanlaki ang mga mata niya at dali dali niyang binaba ang mga kamay niya at tumakbo siya sa banyo
"Gina! Gina paki abot naman yung tuwalya ko oh nakalimutan ko" Sigaw niya habang nasa loob ng banyo. Walang nagsalita at umupo lang kami
"Hello?! Kung sino man ang nakakarinig sa akin paki abot yung tuwalya na nasa kwarto ko" sigaw niya ulit. Nagkatinginan kami ni Jace at nag unahang pumasok at hinanap ang tuwalya niya. Nahanap namin ito at sabay naming hinawakan at pinag agawan ito
"Akin na yan mga beh ako na! Maawa naman kayo sa tuwalya mapupunit na oh" biglang dumating si Gina at kinuha sa amin yung tuwalya. Nagtinginan kami ni Jace ng masama at bumalik na sa pwesto namin kanina
Nakaligo at nakabihis na rin si Lara at humarap na siya sa amin dala ang kanyang laptop. Lumipat kami sa may mesa at inilapag niya ang laptop niya sa harap namin. Naka upo kami at katabi namin ni Jace ang isa't isa habang tumayo lang si Lara sa harap
"Panoorin niyo muna to para may maidagdag tayo sa report" hinarap niya sa amin ang laptop at ikinabit ang isang earphone. Hawak niya ang kanan at kaliwang bahagi ng earphone at iniabot sa amin. Tinignan lang namin ang hawak niya at tinignan namin siya. Seriously? Magshe-share kami ni Jace sa iisang earphone?
"Kailangan niyo ito para mas marinig niyo at para naman may maitulong kayo. Babalik ako, kukuha lang ako ng meryenda" sinamaan niya kami ng tingin at umalis na
Wala kaming nagawa at sinunod nalang ang sinabi niya. Nanood kami ng biglang pinakialaman ni Jace ang isang folder sa laptop na naglalaman ng mga pictures ni Lara. Hindi ko siya pinigilan at isa isa namin itong tinignan
"Hoy anong ginagawa niyo!" napatingin kami ni Jace sa likuran namin kung saan nandun si Lara na hawak ang isang tray na mayroong dalawang baso ng juice. Dali dali siyang tumakbo palapit sa amin at bigla niyang naitapon ang dala niya sa amin. Nabasa ang shirt namin ni Jace at napatayo kaming dalawa. Tinignan namin ang suot namin at sabay naming hinubad ang damit namin
"Anong nangyayari di----. Hala beh ang daming pandesal" biglang dumating si Gina at tinitigan niya kami
"Ako na ang bahala dito" nakatitig lang si Lara sa amin habang hinawakan niya ang mukha ni Gina at tinulak niya ito palayo. Tumayo siya sa harap namin at tinitigan niya lang kami
Akala ko hindi na matatapos itong araw na ito. Buti na lang at pagkatapos ng iyon ay nagising sa pagkatulala si Lara at bumalik na siya sa pagka beastmode niya at seryoso sa paggawa namin ng report
I must say waking up early this morning is all worth it
