Kent's POV
Nag walk out na si Lara at iniwan kaming dalawa ni Jace. Nakatayo lang kami at nagtinginan
"May gusto ka ba kay Lara?" seryosong tanong ni Jace habang lumapit siya sa harap ko
"Oo. Bakit?" deretsong sagot ko sa kanya at lumapit din ako sa harap niya
"Paano si Anika?" sinamaan niya ako ng tingin
"Eh ano bang pakealam mo?!" sinamaan ko rin siya ng tingin
"Akala mo ba kina pogi at astig mo yan?! Kung wala ka rin lang magandang gagawin, lubayan mo na si Lara!" sigaw niya sa harap ko
"At sino ka para sabihin ang dapat kong gawin?! Bakit? Natatakot ka ba na makukuha ko siya at matatalo ka?" sigaw ko rin sa kanya
"Wala pa ring tatalo sa lalakeng nagmamahal ng isa at walang reserba" sinamaan niya ako ng tingin. "Walang mapapala ang mga g*gong katulad mo!" Pagpapatuloy niya. Hindi na ako nakapagpigil at sinuntok ko siya. Hindi rin nagpatalo ang g*go at nanuntok rin. Dumami ang tao sa paligid namin at walang umurong sa amin. Hinawakan ko ang kwelyo ng damit niya at ganun din siya
"Huwag kang mag malinis! Hindi ako tulad mo" Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kwelyo niya at pagkasabi ko iyon, binitiwan ko na at umalis na ako
Kahit siguro anong gawin namin hinding hindi kami magkakasundo ng taong yun.
Pagkatapos ng iyon ay deretso na akong umuwi. Kinabukasan, syempre may klase na naman at makikita ko na naman ang mokong na yun at makakasabay ko pa siyang mag report
"Okay so, anymore questions?" Salamat naman at natapos na kaming magreport kaya nagtanong na si Lara for some questions. May isa kaming ka klaseng nagtaas ng kamay at nagtanong
"Ba't niya ako iniwan?" tanong niya ay nagtawanan naman ang aming mga ka klase
"Alam mo kase brad, may mga tao kasing hindi alam magseryoso at makontento. Puro sila laro, pero huwag kang mag alala. Wala sila sa atin. Pogi na, seryoso pa" Nakangiting sabi ni Jace at nagpalakpakan naman ang mga ka klase namin
"Eh paano naman kasing hindi iiwan kung puro nalang lokohan" Sumagot ang isang babae na nakaupo sa harap at nakatayo naman si Jace sa tapat niya. Siya yata ang girlfriend ng lalakeng nagtanong at naging personalan na. Nag kantsawan at nagsigawan ang buong klase
"Pero hindi lahat ng gwapo, seryoso. At hindi lahat ng seryoso, gwapo. At miss, marami pang iba diyan tumingin ka lang. Malay mo nasa harap mo lang pala ang lalakeng seryoso. Seryosong manloko" tumingin ako kay Jace na nakatayo sa harap ng inuupuan ng babaeng nagtanong at nginitian ko siya. Hindi naman nagsalita si Lara at tumayo lang siya sa gitna namin hanggang natapos na ang klase. Lumapit ako kay Lara at yinaya ko siyang kumain
"Lara pwede bang samahan mo akong bumili ng orasan" Biglang sumingit si Jace sa amin at tinignan niya lang ako
"Ha? Orasan? Anong orasan? Bakit?" Pagtataka ni Lara
"Yung orasan na pakanan ang ikot at hindi nangangaliwa" seryosong sagot niya at hindi parin niya inaalis ang tingin niya sa akin. Tinignan ni Lara si Jace at nagtaka lang
"Ako nalang ang samahan mong bumili ng ilaw Lara. Para may maliwanagan sa mga pinagsasabi niya" tumawa ako at tinignan ko lang si Jace
"Kayo nalang. May dapat rin akong bilhin. Alam niyo kung ano yun? Kwintas! Yung maluwag, yung hindi nakakasakal!" sabi ni Lara at sinamaan niya kami ng tingin at umalis na
Sinamaan ko ulit ng tingin si Jace bago ako umalis rin. Naglakad lang ako at hinanap si Lara. Ang tagal ko ring nag ikot para lang mahanap siya
"Ano ba! Bitiwan mo nga ako!" sigaw ng isang pamilyar na boses. Tumingin ako sa paligid at nakita ko si Lara. May isang lalakeng mahigpit na nakahawak sa braso niya at parang pinipilit siya
