Chapter 5

18 1 0
                                        

Jace's POV

Umuwi na ako galing kina Lara at nadatnan ko naman ang bunso kong kapatid sa sala na tila may kinakausap

"Oh sino yang kinakausap mo?" tanong ko kay Grace at dali dali naman niyang tinago ang cellphone niya sa likuran niya

"Ah yung kaibigan ko kuya. Lalabas daw kami bukas" Pinilit niyang ngumiti at tumakbo na siya sa kwarto niya. Tinignan ko siya habang tumakbo na siya palayo bago ako pumasok sa kwarto ko. Humiga ako sa kama ko habang hawak at nakatingin ako sa cellphone ko. Binuksan ko ang Facebook account ko at as usual, hundred friend requests, messages at notifications. Hays hirap maging pogi. Nag scroll lang ako sa timeline ko at napatigil ako sa status ng kapatid ko

Grace Alvarez is feeling in love

What the? Hindi maaari ito. Bata pa siya at hindi pa siya pwedeng mag boyfriend. At kung mayroon mang magtatakang ligawan o kahit lumapit lang na lalake sa kanya ay dadaan muna siya sa akin. Overprotective brother mode on

Jace Alvarez is feeling angry

Nag status rin ako and of course ilang segundo lamang ay umani na agad ito ng daang daang likes at comments. Maraming chicks ang nag comment na nag aalala at sinasabing chill at nandiyan lang daw sila pag kailangan ko sila. Pero ang umagaw talaga ng pansin sa akin na comment ay ang sinabi ng kapatid ko

Grace Alvarez commented on your status:
MATUTO KA MUNANG MAGLABA NG BRIEF MO BAGO KA MAG DRAMA

Take note, caps lock. Na umani ito ng daang likes sa ilang segundo lamang. Ganyan ako kasikat pati sa social media. Hindi totoo ang sinabi niya pero binura ko parin ito. Kahit ako pa nga ang man laba ng damit at panloob niyo oh. Haha!

Habang binabasa ko ang mga iba pang comments nila, may biglang nag pop up sa notif ko

Lara Santos likes your photo

Lara? Hindi ko alam na friend ko pala siya dito sa Facebook ha. Out of curiosity, binuksan ko ang picture na ni like niya

Natawa ako noong nakita kong picture ko na kuha pa noong 2013. 3 years ago na yun meaning, she's stalking me. I knew it. Naisipan kong i-pm siya at sumagot naman siya

Me: Hi stalker ;)
Lara: ?
Me: So, you liked my pic from 3 years ago. So I'm sure nakita mo na rin pati mga pics ko from 2012. How was it? Pogi ever since ano?
Lara: I'm not stalking you. Si Gina yun. Biglang inagaw ang laptop sa akin
Me: Sabi ko na nga ba crush mo ako no?
Lara: ... (Typing)

Hinintay ko ang reply niya pero hindi niya tinuloy at nag offline na siya. So I assumed na sa sobrang pagkataranta niya, hindi na siya nakasagot kase totoo naman yung sinabi ko. Kaya kayo, pag nag chat kayo sa mga crush niyo at inamin niyo sa kanila na gusto niyo sila at di kayo sinagot. Isipin niyo na lang na sa sobrang kilig nila, hindi na sila mkapag-reply. Ganun yun

Naghintay parin ako at nagbakasakaling sasagot pa siya pero wala na. Baka natulog na siya. Maka tulog na nga rin ako

KINABUKASAN

Sinadya kong gumising ng maaga para makita ko ang mga kilos at galaw ni Grace. Nag pass ako sa barkada para dito sa mahal kong kapatid. Gusto kong malaman kong anong binabalak niya at kung saan siya pupunta. Lumabas ako sa kwarto ko at dahan dahang lumapit sa pintuan ng kwarto niya.

"Hindi. Huwag! Huwag mo na akong sunduin. Okay lang. Magkita nalang tayo doon. Baka makita ka ni kuya" Dinikit ko ang tenga ko sa pintuan niya at nakinig ako. Tama nga ako, makikipagkita siya sa boyfriend niya. Humanda sa akin yan. Narinig kong papalabas na siya kaya dali dali akong nagtago

"Sige aalis na ako ng bahay. Excited na ako" nakangiting sabi niya habang hawak niya ang cellphone niya. Hinayaan ko muna siyang makalabas ng bahay habang tinignan ko siya. Nag taxi siya at dali dali naman akong sumakay sa kotse ko at sinundan ko siya. Tumigil ang taxi sa isang parke at bumaba na si Grace. Nag park ako sa medyo malayo para hindi niya mapansin ang kotse ko pero nakikita ko pa naman siya. Bumaba na ako sa kotse ko. Nakasuot ako ng plain black 3/4 na damit na may hood, black na relo, black na cap at black na bag pack. Nakita kong umupo sa isang bench si Grace habang tumingin tingin sa paligid. Dahan dahan akong naglakad palapit sa likuran niya at nagtago ako sa mga malalaking halaman. Sinilip ko lang siya at muntik na akong matumba ng may isang babaeng nagmamadaling tumabi sa akin at sumilip din siya

All This Time  (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon