Chapter 3

12 0 0
                                    

Lara's POV

"Nakakahiyaaaaaa! Nakakahiya ako! Ano bang gagawin ko? Pwede bang itago mo nalang ako pleaseeee!" nangingiyak na sabi ko kay Jen habang kaharap ko siya

"Eh kase naman girl, sana hinintay mo pa kase silang mag explain! Inuna mo kase yang pagka OA mo ayan tuloy, ano ka ngayon ha?! Nganga!" oo na alam ko na yun, pinapamukha pa e

"Yun na nga e. Tapos ano" tumigil ako saglit at tinignan niya lang ako

"Ano?" hinintay niya ang sagot ko

"Nahalikan niya ako" takot na parang nag aalalang pagpapatuloy ko

"Weh? Nahalikan ka niya o ikaw yung nanghalik sa kanya?" At tumawa lang siya

"Kaibigan ba talaga kita o ano" sinamaan ko siya ng tingin

"Biro lang naman girl! Syempre I believe you" Ngumiti siya at tinitigan niya ako

"Oh bakit?" tinignan ko lang rin siya at nagtaka

"How was it?" Nakangiting tanong niya habang tinitigan parin niya ako

"Ang alin?" Tinignan ko lang siya

"Yung" ngumiti siya at ngumuso

"Baliw!" hinampas ko siya at natawa na lang ako. Nagpaalam na siya at pupunta na rin ako sa classroom namin. Habang naglalakad ako ay nakita ko si Jace. Nakita rin niya ako at nagkatinginan kami. Nag about face ako at tumakbo. Hiningal ako sa pagtakbo kaya tumigil muna ako sa isang tabi at tumayo habang tinignan ang direksyon kung saan ko tinakbuhan si Jace. Gumaan saglit ang loob ko kase parang nakaiwas na nga ako sa kanya. Lalakad na ako sa kabilang direksyon, nanlaki ang mga mata ko at muntik na akong atakihin sa puso ng nakita kong nakatayo na pala siya sa likod ko. Umatras ako at hindi ko namalayang hagdan na pala sa likuran namin. Muntik na akong mahulog pero biglang hinawakan ni Jace ang bewang ko at hinila ako sa kanya

"Hindi mo talaga masasabi kung kelan ka mahuhulog" tinitigan niya ako sa mga mata at ngumiti siya. Natigilan ako at tinignan ko lang siya habang magkadikit parin kami at hawak niya ang bewang ko. Napaisip ako sa sinabi niya na para bang may ibig sabihin pero buti na lang. Buti na lang at sinalo niya ako. Huwehhh

Biglang dumami ang tao sa paligid at pinagtinginan kami. Dali dali naman akong lumayo sa kanya at inayos ang sarili ko. Tumingin ako sa paligid at lahat sila'y nagbubulongan. Hindi ko na siya tinignan at dumeretso na ako sa room

Umupo na ako at inilabas ko ang mga notes ko. Eto at makakatabi ko na naman ang dalawang sakit sa ulo. Maya maya pa ay dumating na si Jace pero hindi ko siya pinansin at tinutukan ko lang ang notes ko

"Na fall ka at pagkatapos kitang sinalo bigla ka nalang nang iwan. Ganyan ba talaga kayo?" nakangiting sabi niya habang naka upo na siya sa tabi ko. Nakatingin lang ako sa notes ko at para bang wala akong narinig

"Hi Lara. Good morning" bati ni Kent na biglang dumating at umupo sa tabi ko

"Oh hi Kent! Good morning" Dali dali akong sumagot sa kanya at tumalikod ako kay Jace. May sinasabi pa yata siya pero hindi ko siya pinansin. Nag kwentuhan kami saglit ni Kent at nagtawanan

"Naalala mo pa ba yung nangyari kagabi?" linakasan ni Jace ang boses niya at nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Dali dali ko siyang hinarap at tinakpan ko ang bibig niya

"What's going on?" pagtataka ni Kent

"Ah. Haha. Wala. Hindi ko nga alam ang pinagsasabi niya" Pinilit kong tumawa sa kanya. Hinarap ko na naman si Jace na nakangiti habang nakatakip parin ang kamay ko sa kanya

Dumating na rin ang proof namin kaya tumigil na kami. Nag discuss siya tapos nagbigay siya ng gagawin namin na report which is by group. Isa isa na niyang sinabi ang mga magkaka-grupo at nakinig lang kami

"The first group will be Mr. Salazar" tinignan ng proof namin si Kent at patuloy lang kaming nakinig. "Then Ms. Santos" Tinignan naman ako ng proof namin at napangiti nalang ako knowing na makakasama ko si Kent. "And Mr. Alvarez" Pagpapatuloy ng proof namin. Bigla akong natigilan at bigla ring nawala ang ngiti sa aking labi. WHAT THE FUDGE

Nagpatuloy lang sa pagsabi ng iba pang magkaka-grupo ang proof namin which is by threes and unfortunately, kasama ko silang dalawa at yes, hindi maganda ito

"Hanggang kelan ba matatapos itong kalbaryo ko sa dalawang yun?" nangingiyak na sabi ko kay Jen. Pagkatapos kase ng klase dumeretso agad ako sa kanya

"Heaven yan hindi kalbaryo! Kung wala lang akong boyfriend hayyyy aangkinin ko ang korona sayo" Nakangiting sabi niya pero sinamaan ko siya ng tingin

"Biro lang. Sige una na muna ako ha, tawag ako ng mahal ko" Ngumiti siya at umalis na. At ako nama'y naiwang mag isa. Sanay na ako. Umupo na lang ako habang tulala

"May practice kami ng volleyball mamaya. Gusto mong sumama?" biglang dumating si Kent at umupo sa tabi ko

"Ha? Ako?" tumingin ako sa paligid para sure talaga akong ako yung kinakausap. Tumawa siya, hinawakan ang kamay ko at hinila ako papunta sa court. Pinaupo niya ako sa benches at naglakad na siya papunta sa mga kasama niya. Nagsimula na silang maglaro at nanood lang ako. Pagkatapos nun ay nagpaalam na ang mga kasama niya at nagsialisan na sila

"Galing ng captain ah" Tumayo ako at lumapit ako sa kanya

"Gusto mong maglaro?" ngumiti siya habang hawak ang bola

"Hindi naman ako magaling diyan e. Ang poor pa ng serve ko" Ngumiti ako at tinignan siya. Ngumiti rin siya at hinawakan ang kamay ko habang hinila ako sa court

"Madali lang yan" tumayo siya sa likod ko at hinawakan ang kamay ko. Pinahawak niya ang bola sa akin at inangat niya ang kamay ko

"Kailangan mo lang mag focus at ibigay lahat ng lakas mo sa pagpalo ng bola" halos magkadikit na ang mukha naming dalawa. Nakatingin siya sa bola habang nagsasalita siya at ako nama'y nakatitig sa kanya. Nasa likuran ko parin siya habang inaalalayan niya ang kamay ko na hawak ang bola. Dahan dahan niya hinawakan ang kanang kamay ko at itinuro ang tamang pagpalo ng bola

"Magmahal ka ng volleyball player. Bola lang ang linalaro, hindi ang feelings ng tao" Bigla siyang tumingin sa akin at nanlaki ang mata ko sa gulat sa sobrang dikit ng mukha namin. Nagkatinginan kami at matutunaw na yata akooo

"Ang volleyball parang sa pag-ibig yan. Sayo na nga mapupunta yung bola pero inagaw pa ng iba" biglang dumating si Jace at sinira ang moment namin. Naglakad siya palapit sa amin at tumayo sa gitna namin

"Baka nakakalimutan niyong may report pa tayong dapat gawin" Seryosong sabi ni Jace sa amin ni Kent

"Gusto mo bang sa bahay nalang tayo gumawa Lara?" tinignan niya ako at ngumiti

"Mas maganda siguro kung sa bahay nalang" sagot ni Jace habang tinignan niya ako

Nagsimula na naman silang nagtalo sa harapan ko na para bang wala ako

"Mas maganda siguro kung itakip niyo yang mga bibig niyo at tumahimik na kayo!" sigaw ko sa kanila at tumigil naman sila

"Sa bahay nalang tayo gagawa. 8 AM. Kung male-late rin lang kayo bukas, huwag na kayong pupunta. Kaya ko naman gawin yun mag isa" sigaw ko at sinamaan ko lang sila ng tingin. Umalis na ako at iniwan silang dalawa. Hindi ko alam kung bakit nasabi kong sa bahay nalang, ano ba 'tong ginawa ko

Umuwi na ako sa bahay at sinalubong ako ni Gino este Gina

"Hoy beh ba't ganyan yang mukha mo? Okay ka lang?" sabi niya habang umupo na kami sa sala

"Yung dalawang sakit sa ulo ko pupunta dito bukas" Malungkot na sagot ko sa kanya

"Talaga?! Wow gusto ko yan beh! 2 in 1! Oh saan ka pa?! Oh sayo na ang korona oh" Natutuwang sabi niya habang kunwaring inilagay niya ang invisible na korona niya sa ulo ko

"Hoy gisingin mo ako bukas ha?" Paalala ko sa kanya at tumango naman siya. Tanggap ko na ang kapalaran ko bukas kasama silang dalawa. Kaya ko to. Kakayanin ko ito!

All This Time  (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon