Chapter 11

10 0 0
                                        

Lara's POV

Ilang taon na noong una at huli nating pagkikita. Pero alam mo? Simula noon, palagi akong nagsusulat kahit na alam kong kahit kailan, hindi mo ito mababasa.

Kahit na minsan lang tayong nagkita at nagkasama, mahalaga ka at bahagi ka na ng buhay ko. Sana alam mo yun

Gusto man kitang hanapin, paano ko yun gagawin? Malamang iba na ang hitsura mo at marami ng nagbago sayo. Noong huli kasi tayong nagkita, narinig kong aalis ka na. Kaya paano kita hahanapin sa other side of the world e kahit pamasahe lang dito nahihirapan na ako

Naaalala mo pa ba kaya ako? Iniisip mo ba kung nasaan na ako? O sadyang hindi lang ako ganun kahalaga sayo? Kasi ako? Ganun ako sayo. Kasi ikaw yung nagpangiti sa akin kahit saglit lang sa panahong halos gumuho na ang mundo ko

Naaalala mo pa ba yung naghatian natin? Hanggang ngayon iniingatan ko pa yung akin. Kasi kahit hindi tayo binigyan ng pagkakataong magkasama pa, naniniwala naman akong balang araw, tayo'y magkikita pa. Diba tadhana?

Walang araw ang dumaan na hindi kita naaalala at palagi akong nagsusulat na halos mapuno na itong munting kahon kung saan ko tinatago ang mga sulat ko para sayo

Kamusta ka na? Sana ay palagi ka paring palangiti tulad ng dati. Gusto na kitang makita at makasama. Nasaan ka na ba? Hindi kita mahanap sa social media kasi nga tanging unang letra lang ang naisulat mo sa papel gaya ko.

Magkikita pa ba tayo?

Sana naman, oo.

"Hanggang ngayon ba umaasa ka pa sa childhood prince charming mo?" tumawa si Jen habang nilapag ko na ang ballpen sa mesa at tinitigan lang ang sinulat ko. Napabuntong hininga ako at tumulala

"Huwag ka ng umasa girl malamang marami ng nakapaligid sa kanyang mga tisay doon. Tsaka nandiyan naman sina Jace at Kent. Atleast sila nag e-effort makita ka, eh siya? Wala diba?" mahinahong sabi niya. Hindi ko siya pinansin at tumulala lang ako habang hawak ko parin ang papel na sinulatan ko

"Wow love letter!" biglang dumating si Gelo at kinuha niya sa akin ang papel at binasa niya ito. "Hoy ano ba akin na yan!" napatayo ako at sinigawan ko siya. Pinilit ko itong kunin pero sa sobrang tangkad niya, wala akong nagawa. Pero kahit ganun pinaghahampas ko siya at pinilit na patigilin siya na basahin ito

"What's that" bigla namang dumating si Jace at lumapit kay Gelo. "Si Lara may sinulat na love letter oh" natatawang sagot ni Gelo. "Hindi yan love letter! Akin na nga!" sigaw ko pero hindi siya nakinig

"Let me see" bigla akong pinagpawisan at kinabahan ng todo ng sinambit ito ni Jace. Ayokong makita niya ito no! Pagtatawanan lang ako ng mokong na ito!

Iniabot ito ni Gelo sa kanya at kinuha naman niya ito. "Sige! Sa oras na basahin mo yan, hindi mo na ako makikita" seryosong sabi ko at ramdam ko ang bilis ng pintig ng puso ko sa kaba

"So?" tinaasan niya ako ng kilay at tumawa. Napahiya ako doon bwiset

"Wala ka ng maririnig mula sa akin" pagbabanta ko pero tinignan lang niya ako at tumawa ng mahina

"Hindi na kita papansinin" nauubusan na ako ng banta pero parang wala talaga akong kawala. Ano bang gagawin ko? Nakangiti parin siya habang hawak ang papel

"Nasa akin na yung letter na kinuha ni Grace. Basahin mo yan at babasahin ko rin yun" wala naman talaga sa akin at hindi ko nga alam kung anong tungkol doon pero yun na lang ang tanging naisip kong sabihin. Kinabahan ako sa magiging reaksyon niya. Wala na talaga akong ibang alam kaya tanggap ko na, babasahin na niya yan at pagtatawanan ako

Pero nagulat ako ng bigla siyang humintong tumawa. Tumingin siya kay Gelo at kay Jen bago siya dahan dahang lumapit sa akin. Ano kayang gagawin niya? Napatigil ako sa kinatatayuan ko at tinignan ko lang siya

All This Time  (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon