Chapter 6

9 0 0
                                    

Lara's POV

Natulala lang ako habang inisip ang talagang nangyari sa gabing yun kung saan hindi na ako naka reply sa message ni Jace

* Flashback

Binalikan ko ang ginawa naming report at nag edit lang ng mga errors at pagkatapos ay naisipan kong buksan ang Facebook account ko. Pagka log in ko ay una kong nakita ang status ni Jace sa newsfeed ko. Friends pala kami sa fb?

Jace Alvarez is feeling angry

"Uy friend mo si pogi oh! Tignan natin yung profile niya!" tinabig ako ni Gina na nasa tabi ko. Hindi na ako nag pabebe at nag visit ako sa profile niya na kinatuwa naman ng sobra ni Gina. Sobrang tutok siyang tumingin sa mga larawan ni Jace at panay ang ngiti niya. Ako naman ay tinignan ko lang ito na para bang wala lang. Tuloy lang ako sa pag click ng mga pictures habang nakangiti namang tinitigan ni Gina ang mga ito

"Hala beh!" nagulat kaming dalawa ni Gina at nagtinginan. Eh kase naman sa sobrang aligaga niya na tumingin sa mga larawan ni Jace napindot ko tuloy ng hindi sinasadya yung like button!

"Hala beh. 2013. Patay tayo diyan!" pag aalala ni Gina

"Ikaw kase e! Nakakahiya ano ba yan!!!" aligaga kong sagot. Nanlaki ang mga mata ko at nagtinginan ulit kami ni Gina ng biglang nag pm si Jace

"Ayan na beh!!" pag aalalang sabi ni Gina at sabay na naming tinignan at binuksan ang message niya

Jace: Hi stalker ;)

"Tignan mo at yan na nga ba ang sinasabi ko! Oh anong sasabihin ko ngayon?!" aligagang sabi ko kay Gina

"Chill lang. Ako na ang sasagot" pinausog ako ni Gina at umupo na siya sa harap ng laptop

Me: ?

"Question mark?! Seryoso ka?!" sigaw ko sa kanya

"Eh wala akong maisip!" pag aalang sagot niya

Jace: So, you liked my pic from 3 years ago. So I'm sure nakita mo na rin pati mga pics ko from 2012. How was it? Pogi ever since ano?

"Usog ka at ako na! Tumabi ka at baka masapak kita" sinamaan ko siya ng tingin

Me: I'm not stalking you. Si Gina yun. Biglang inagaw ang laptop sa akin

"Ganern! Huwag ka dapat affected at kabahan kase yun naman yung totoo. Ganun lang!" tinignan ko siya at pinilit naman niyang ngumiti

Jace: Sabi ko na nga ba crush mo ako no?

"Ha?! Eh epal pala to e. Anong akala niya sa sarili niya? Porke't pogi akala na niya crush na siya ng bayan?! Excuse me!" sabi ko habang para akong tangang kinausap ang laptop. Magrereply na sana ako ng biglang

"Wifi disconnected?!" pagtataka ko. "Psh, tanungin mo nga sa kapitbahay natin kung kailan sila huling nagbayad ng wifi nila?! Walang konsiderasyon ang mga taong to hoy may nakiki wifi dito maawa naman kayo uy!" sigaw ko at pinakalma nalang ako ni Gina. Grabe sila oh

* End of flashback

"Hoy naririnig mo ba ako?" hindi ko namalayang kinakausap pa pala ako ni Jace. Hindi ko nalang siya sinagot at tumingin tingin lang ako sa paligid at baka sakaling makikita ko pa ang dalawa pero wala na talaga sila. Biglang may isang grupo ng babaeng natutuwang lumapit sa amin

"Ale paki kuha naman kami ng litrato kasama si Jace" hinawakan niya ang kamay ko at binigay ang phone niya. Tinawag ba naman akong ale?! Mukha ba akong matanda?! Sigaw ko sa isip ko

Dali dali ng tumabi ang mga babae at idinikit ang sarili nila kay Jace. Inakbayan ni Jace sila at kinuhanan ko na sila

"Isa pa!" nagpapalit palit sila ng pose habang natutuwa silang dumidikit kay Jace

All This Time  (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon