Lara's POV
"Hey, you okay?" Hindi ko namalayang kinakausap pala ako ni Kent. Nakatulala lang kase ako at hindi ko alam kung bakit iniisip ko yung ginawa ni Jace
Tumingin ako sa upuan ni Jace pero wala siya, hindi yata siya papasok. "Ah wala. Okay lang ako" nginitian niya ako at hindi ko rin napigilan ang sarili kong ngumiti
"May gagawin ka ba mamaya?" Hindi niya ako tinignan at tumingin lang siya sa notes niyang wala namang laman
Kinuha ko ang hawak niyang notes at bigla siyang napatingin sa akin "Wala. Bakit?" tinaasan ko siya ng kilay at ngayon ko lang siya nakitang nakikipag usap sa akin na parang nahihiya siya
"Gusto sana kitang yayain sa bahay. May welcome party kase para sa ate ko" tinitigan ko siya at parang ngayon lang nag seryoso sa pakikipag usap to
"May ate ka?" pagtataka ko. "Kasasabi ko lang diba?" Parang bigla siyang bumalik sa dati niyang ugali at napangiti ako kase hindi naman ako sanay na seryosong seryoso siya
"Sabi ko nga. Pero, ba't mo ba ako yinayaya?" tumayo na ako sa upuan ko at inayos ang mga gamit ko. Kinuha na rin niya ang gamit niya at sabay na kaming lumabas ng room
"Hindi kase naniniwala yung ate ko na may kaibigan akong magandang babae. Kaya eto, papakilala kita" ngumiti siya at inakbayan ako. Pinigilan kong ngumiti at sinamaan ko siya ng tingin
"Totoo to. Maganda ka" tinitigan niya ako habang akbay parin niya ako. Natigilan ako at tumingin ako sa mga seryosong mata niya "Kung pwede nga lang sabihin kong sana ako nalang si Jace para ako yung gusto mo"
Para akong nagising sa katotohanan sa sinabi niya. "Ano?!" sigaw ko sa kanya habang tinulak ko siya palayo. Nagulat siya at tumayo lang sa harap ko. "Sinong nagsabing gusto ko si Jace?" sigaw ko sa kanya
"Wala. Ba't ka ba nagagalit?" Natigilan ako at naisip na tama siya. Ba't nga ba ako nagagalit? Hays. "Hindi ako galit. Tinatanong ko lang" huminahon ako at hindi ko siya tinignan ng deretso
"Tsaka nagbibiro lang ako sa sinabi kong sana ako nalang si Jace" tumawa siya habang tinignan ako. "Mas pogi naman ako 'don no" kinindatan niya ako at ngumiti. Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi ko ring napigilang ngumiti
Hinatid na niya ako sa bahay para magpalit at pinagpaalam na rin niya ako sa mama ko. Umuwi siya saglit at binalikan naman agad ako at nakabihis na siya
"Okay ba 'tong suot ko? Hindi na kase ako nakapaghanap ng iba kase naman bigla ka nalang nag aya. Buti sana kung sinabi mo ng mas maaga para naman pinaghandaan ko man lang" naka suot ako ng simple lang na white dress tapos as usual, tinali ko yung buhok ko
Lumapit siya sa akin at hinarap ako "Kahit naman anong suotin mo maganda ka parin" ngumiti siya at napangiti narin ako. Ano bang meron sa napakaganda niyang ngiti at nakakahawa?
Nakarating na kami sa bahay nila na first time kong makita. Ang ganda. Ang lawak. Parang bahay lang nila Jace. Teka ba't ko na naman ba kase naisip siya
"Hi Kent!" Maraming magagandang babaeng sumalubong sa kanya at binati siya habang papasok kami sa bahay nila. Hinawakan niya ang kamay ko na ikinagulat ko, tumingin lahat ng tao sa akin at kinabahan ako
Patuloy lang siyang naglakad at sumunod lang ako. "Nasa dining room sila, halika pasok na tayo"
"Teka" papasok na sana kami sa dining room ng bigla akong tumigil. Hinarap ako ni Kent habang hawak parin niya ang kamay ko
"Sinong sila?" kinakabahang tanong ko. Alam ko namang parents niya yung sinasabi niya pero, anong gagawin ko? Pano ko sila haharapin? Bakit niya hawak ng mahigpit ang kamay ko?
