~ Summer 5 ~
[Ano ka? Sinuswerte?]
Right now, I'm sitting sa veranda sa garden ng bahay nina Kim. Napangiti ako at the thought na dito sa garden na 'to kami unang nagkausap.
I'm the kind of person who snaps a lot at other people. I trained Taekwondo, Aikido, Karate, and I beat people up. But behind that image, I'm soft. Pag kami kami nalang ng mga kaibigan ko ang kasama ko, daig ko pa ang batang maliit. Magulo, makulit, maingay.
Tapos dumating yung time na magbibirthday yung kapatid ni Kim na si Zayne at sinama niya kaming lahat. Pati si Kier, na boyfriend noon ni Jiya, at dalawa pang babae para maging date ni Paul at Kim. Believe me, sa van palang nagmumukmok na ko.
[ FLASHBACK ]
"Summer ano baaaa! Wag mong hablutin yung polo ko!" reklamo ni Kim.
"Ang sama sama moooooooooooooo!"
"Ano bang nirereklamo niyang babaeng yan?" tanong naman ni Jiya na kakapasok lang sa van kasama si Kier.
"Eh kase sinama ko yung kaibigan nung girlfriend kong si Louisa para maging kadate ni Paul kaya wala siyang partner." sabay tinawanan ako ni Kim kaya hinampas ko siya nung bag ko.
"IHHHHHHH!!!"
"Bakit ka pa nagsama ng kung sino..." tumingin Paul dun sa babaeng katabi niya. "Mas gusto ko nang i-escort yang batang yan." sabay turo sakin ni Paul. Siniko naman siya ni Jiya at nag-apologize ata dun sa babaeng sinama ni Kim.
Kapag talaga may ayaw si Paul sinasabi niya. May pagka-echosero eh.
"Magkakasama naman tayo sa table ah?" sabi ulit ni Kim na nagpipigil paring tumawa.
"Tse!" pagkarating namin sa bahay nina Kim, ang daming tao.
I recognize some to be really big people from the different industries of society. Umupo na kami sa table at ilang minuto na ang nakalipas hindi ko parin pinapansin si Kim. Sakto naman, may lumapit na lalake samin. Paglingon ko, napanganga ako. Feeling ko nga tumulo pa laway ko eh...pero feeling ko lang yun.
I saw a perfect creature of the Lord above. Ang gwapo gwapo niya. Not so tall, pero ang ganda ng tindig niya...with those broad shoulders. Mahaba yung pilikmata...and those perfect eyes of his. Pati hugis ng mukha niya at kulay ng balat niya. Buong buhay ko ngayon lang ako nagkaron ng pagnanasa--este interes sa isang lalake.
"So how's the party guys?"
"Oh hey bro. Tumatanda ka na ah?" nag-apir silang dalawa ni Kim. S-siya si Zayne? Y-yung k-kapatid..n-ni...ni...Kim?!
"Happy birthday Zayne! Long time no see!" tumayo si Jiya tapos niyakap niya si Zayne sabay abot nung regalo niya.
"Thanks Ji. Oh Paul, asan regalo mo saken?" bakit magkakakilala na sila...
"Nasa pwet mo." nagtawanan naman sila...oo, sila. Wala nga ako sa sarili ko diba? Nakatitig parin ako sakanya.
"Summer, di mo ko babatiin?" then he smirked. And at that time, yung puso ko, dinaig pa yung kabayo kung tumibok.
"Happy birthday." I plainly said.
Sabi sakin dati nung kaibigan ko, boys like him are not to be trusted. Na papaibigin ka lang tapos itatapon ka na. Parang yung mga nakikita ko sa mga pelikula. Umupo si Zayne sa tabi ni Kim which is nasa harapan ko. Nanahimik ang paligid at napansin kong nagsisikuhan silang dalawa.
"AY! Ang sakit ng tiyan ko!" sabi ni Kim sabay tumakbo palayo.
"Uy Kier, tara sayaw tayo?" bago pa makasagot si Kier, hinatak na siya ni Jiya sa may dance floor.
After...1...2...3...4...5 seconds, tumayo si Paul.
"Kukuha lang ulit ako ng pagkain." bago siya umalis, tinignan muna niya ko tapos umismid siya na para bang talagang may masama silang balak.
At saka ko lang napansin, kaming dalawa nalang pala ni Zayne ang nasa table. Take note, magkaharap pa kami. I pretended to look at my plate and eat nung bigla siyang magsalita.
"So..." he smirked.
BAKIT ANG GWAPO NIYA?!
"Muntik na kitang hindi makilala kanina ah? Who knows you can dress up and be a lady for once?" ngumisi siya, and I swear I got offended.
"EXCUSE ME?"
"Sabi ko babae ka pala!" tinitigan ko siya ng masama pero siya, tumawa lang. Pigilan niyo po akong mabahiran ng pasa ang mukha ng taong ito...his face is too precious.
"Pwede ba. Di tayo close kaya wag mo kong kausapin ng parang magkakilala na tayo forever." I rolled my eyes. Tatayo na sana ako nung hatakin niya ko paupo.
"Ikaw talaga, tama nga si Kim, galit ka agad." kinukwento ako ni Kim sakanya?
"Humanda talaga yang si Kim sakin..."
"No, it's not like he's telling me about you on purpose."
"Eh ano nga kase?"
"I'm interested in you."
[ END OF FLASHBACK ]
Ever since that day, naging close kami. Maglalaro kami ng basketball, tapos sasali pa siya sa mga self defense training para lang makasama ako. Tapos, ayun, malaman laman ko nalang, nanliligaw na pala siya.
There was this time na muntik na kong mahulog sa 5-story-building nung isang beses na may ninanakaw kami. And he was there. He saved me. And I just kissed him.
IKAW BA NAMAN ANG ILIGTAS NG ISANG GWAPONG NILALANG NA NANLILIGAW SAYO SA KAMATAYAN. Wag niyo kong sisihin kung yun ang first instinct ko.
"Aminin mo na kasi sakin." then I heard the same laughter that kept on echoing in my head. Not the evil kind of laugh...but that cute...child-like laugh.
"Ay tipaklong!"
"Sa gwapo kong 'to tipaklong ako?"
"Tse."
"Aminin mo na sakin na kaya ka nagsesenti dito kasi mahal mo parin ako." nagtitigan kami ng matagal. His eyes fell lovingly on mine and I shot daggers through his.
"Ano ka? Sinuswerte?"
BINABASA MO ANG
Convicted Love (Finished!)
AdventureThis story explains why falling in love is a crime.