~ Paul 12, 1 of 2 ~
Napangiti ako nung makita ko yung laman ng compartment ng kotse ko. Isang malaking backpack. At sa loob ng backpack na yun, puro laptop, wires, at kung ano ano pang techy stuff ang laman.
"Uy...nababaliw ka na ba talaga? Bakit mo nginingitian yung backpack?" tanong ni Jiya na mukhang nawiwirduhan sakin.
"Nakakamiss lang kasi...the old days." tapos ngumiti din siya.
"Yeah. How I missed these." she motioned sa tatlong kotse na nakapark sa harapan ng bahay nina Kimpoy.
Yung pulang kotse, sasakyan ni Jiya at Kier. Itong kulay itim, kay Summer at sakin. Yung sa dulong kotse na kulay silver, kay Kimpoy at Zayne. Dahil nga kami ni Summer ang magbubukas sa gate, mauuna kami kesa sa iba at magkasama kami sa kotse.
"Paul, tara na." sumakay na ko sa front seat at pinaandar na ni Summer ang kotse.
Bago pa kami makalabas ng gate nina Kimpoy, biglang may nagbukas ng pintuan ng front seat and Kimrald kissed me. Hard and passionate. Na para bang huling pagkikita na namin ito.
"Take care, okay?" sabi niya sakin.
That moment...alam kong may kung anong guilt akong nararamdaman. Bakit ganito...why do I feel like I don't feel anything anymore? Dati pag hahalikan niya ko, yayakapin, o aakbayan may kung anong kuryenteng dumadaloy sa katawan ko. But now? Nothing.
WHAT'S WRONG WITH ME? Nakita ko yung mga mata niya na para bang ang lungkot lungkot. Na para bang hindi lang dahil dito sa pagliligtas namin sa mga magulang namin...parang there's something more to his depression.
Can it be? Nakita niya? He waved goodbye.
At gaya din ng nakagawian dati, pinaharurot na ni Summer ang kotse. Na para bang nakikipagkarera siya sa title na 'The Most Reckless Driver Ever.' Nagtataka nga ako kung pano nagkaron ng lisensya 'to eh. Parang sa tuwing magdadrive siya nagpapakamatay siya...kaya ayoko siyang kasama sa kotse eh.
"Like old times, huh?" tumango ako. Mukhang wala din sa hulog 'tong si Summer eh. Parang tulad ko, wala siya sa mood.
"May problema ka ba?"
"Wala ah. Eh ikaw? Hula ko wala din isasagot mo?" ngumisi siya kaya napatawa na din ako.
"Sira ulo ka talaga. May problema ako...ikaw Summer...ikaw ang pinakachismosang babaeng kilala ko. Kaya ngayon palang tatanungin na kita kasi baka if ever, this is our last day alive." humalakhak kaming dalawa.
Nakakamiss din pala yung sa araw araw mong nabubuhay nangangamba ka na mamaya lang patay ka na. Oh the joy of tyranny.
"Osige. Anong itatanong mo?"
"Huy Summer! HINTO!" huminto naman siya tapos tumawa ulit. Nagpapakamatay na nga ata ito.
Kung may kilala akong taong hindi takot mamatay...si Summer yun.
"Pano ka ba nakakuha ng lisensya! Nakita mong stop yung sa traffic light eh!"
"Ganun talaga pag nagmamadali. Pero di nga? Anong itatanong mo?"
"Alam mo kung anong nangyari samin ni Kimpoy dati noh?"
"Oo naman."
"At alam mo din kung anong meron samin ngayon, ano?"
"Oo din syempre. Alam ko din what's going on between you and Kimrald...and between you and Kimpoy these days. I know and I saw what happened earlier this morning, Paul." ngumiti siya. I smile not without sympathy.
Naiintindihan niya siguro kung anong pinagdadaanan ko. Kung ako, dalawang puso ang kalaban ko...si Summer, tiwala naman ang kalaban.
"Did you...tell Kimrald?" umiling naman siya.
"Paul, it's up to you to tell both of them. Hindi dapat manggaling sa kung kanino mang bibig."
"Hindi kasi ako sigurado sa nararamdaman ko eh...naguguluhan ako."
"Ganyan talaga, with love comes confusion. But..." at nung akma na niyang papaandarin ang sasakyan, may pahabol siyang sinabi. "I guess you'll have to find out soon."'
BINABASA MO ANG
Convicted Love (Finished!)
AdventureThis story explains why falling in love is a crime.