Convicted Love 12 - 2

133 1 0
                                    

~ Paul 12, 2 of 2 ~

"Paul, come on. You've been there for 20 minutes! I only have minutes to open this darn gate." alam ba nitong babaeng 'to kung gano katagal ang hacking system?

Hindi naman niya ko masyadong pinepressure ano?

"Teka lang. This isn't easy."

"I can't say take your time! I only have...10 minutes to open that vault of a door!"

"Di ka nakakatulong if you keep on talking. Wag mo nga akong dinadaldal, Summer." finally, nanahimik siya.

Nanginginig na yung mga kamay ko habang nagtytype ng kung ano anong code para maka-access ako sa alarm system ng hindi makagawa ng ingay ang bawat bukas namin ng mga pintuan. Finally, I cracked the code. Namatay yung mga pulang ilaw sa may bandang gate nung papasukan naming building.

"Yes!" I cried.

 "Finally, after 10 years! Wala ka paring kupas, I was kidding when I said we only had 10 minutes. May 20 minutes pa tayo." tumawa siya at sinuot ni Summer yung leather bag niya sa belt niya na may mga gamit. Lumapit siya sa lock nung malaking gate tapos kinuha niya yung drill niya at nag-night goggles siya dahil sa sobrang dilim ng paligid namin.

"Ano? What kind is that gate?" she started drilling for a few seconds.

"Saglit..." mahina niyang sabi...na halos bumulong nalang siya. Kinuha niya yung borescope sa bulsa nung leather bag sa belt niya at huminga siya ng malalim na para bang tuwang tuwa siya.

"Good news?"

"Thank goodness. Manipis lang yung bakal ng lock niya kumpara sa ibang locks. Madali nalang 'to." she continued on drilling until pinunasan niya yung pawis niya and she stepped backwards.

"Ano na?" three seconds later...we heard a click. 

Mabilis parin siyang magtrabaho tulad ng dati.

"Now we just have to wait for the others." 5 minutes later, dumating na yung iba. Unang lumabas si Zayne at kitang kita ko yung dalawang baril sa may pantalon niya at yung isa pang rifle na nakasabit sa katawan niya.

Brutal lang? Anong akala nila? Sasabak kami sa gyera? Sumunod na lumabas si Kim na may hawak na mahahabang wires at cord na nakapulupot sa balikat niya. Si Jiya naman, may bag na nakasabit sa belt niya gaya nung kay Summer. Kailangan talaga terno sila? At si Kier naman, may mga cord din na hawak.

"Ji...ingat, okay?" tapos niyakap ni Summer si Jiya. 

We're not even sure what kind of 'danger' is waiting for us. It's been years at ngayon lang namin ulit gagawin itong gagawin namin ngayon...lalo na ngayon, we're playing hide and seek with our kidnapped parents.

Convicted Love (Finished!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon