Convicted Love 14

91 1 0
                                    

A SOLVED SEQUEL # 2: I FORGIVE YOU VERSUS I LOVE YOU

~ Kimpoy 14 ~

"Okay lang kaya sila?" tanong ni Paul.

"Ewan. Siguro. Magtrabaho ka na. Bilis." inirapan naman niya ko at nagpipipindot siya dun sa computer niya.

"Abot mo sakin yung wire." kinuha ko naman yung mahabang wire at inabot sakanya. "Hindi yan! Yung isa! Yun, yung kulay green." 

"Sorry naman hah?"

Nandito na kami sa pinaka-last na security room. Sabi ni Paul, simula nung umalis siya, hindi na niya ginawa yung ginagawa niya ngayon. Ako naman, hindi naniniwala. Imposible. Mabilis parin siyang magtrabaho.

"Anak ng!!!"

"What?! Anong nangyari?!'

"Iba yung codes at wiring nitong building na 'to. I can't get through the other side. Nagjajam lahat ng signals. Pati yung mga wires na nakakonekta sa fuse walang maitulong."

"What do you mean? Try it again!" tinignan ko yung expression ng mukha ni Paul.

Halatang hirap na hirap at ninenerbyos siya. Pinagpapawisan sya. Nakakunot na nga yung mukha niya eh. Natawa ako sa itsura niya. I know this isn't the right time to laugh, pero kung katapusan na namin to, atleast, kasama ko siya.

"Bakit ka tumatawa?! Tulungan mo kaya ako!"

"HAHAHAHA--you're so cute when you're mad." napatigil kaming pareho.

"Kimpoy pwede ba?" umiling iling siya at mukhang inis na inis.

Anong ginawa ko? Nanahimik naman ako para makaconcentrate na siya sa ginagawa niya tapos naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko.

"A-anong..."

"Kimpoy..."

"P-Paul..."

"Kimpoy. Kailangan na nating umalis dito."

"Ano?!"

"This is a trap!"

"H-huh?" umiling ako. Anong trap? Hindi pwede...

"Hindi mo ba ko narinig?!?! THIS IS A TRAP! Contact the others! We have to go NOW!!!" dun naregister sa utak ko lahat ng sinabi ni Paul.

Hindi pwede. Panong naging trap to? Anong nangyari?

"Everything here is planned. If you would look at the codes, peke lahat. Hinayaan nila tayong makapasok pero I have a feeling na hindi na tayo makakalabas!" tumakbo kami palabas at sinubukan naming hanapin ang palabas.

We tried to contact the others pero wala...

It felt like we were running in circles for hours pero walang kahit anong pintuan ang nabubuksan. Finally, we got tired. Napaupo si Paul sa sahig.

"Kaya pala..." sabi ko.

"Anong kaya pala?"

"Hindi mo ba napansin? Walang kahit sinong tao. Walang guards. Walang bantay. Wala nga yung mga tao sa security rooms diba?!"

Ang tanga ko.

"Ang tanga tanga ko. Hindi ko napansin agad! Kung napansin ko lang agad edi sana hindi na tayo napahamak. Kung napansin ko agad edi sana--"

And surprisingly, Paul hugged me.

"Yan ka nanaman. Mahilig ka talagang mag-self-blame eh noh?"

"P-paul..."

"We're all in this together, bobo ka ba? Hindi ikaw ang may kasalanan. It's everyone's responsibility." 

"Paul...I'm sorry."

"Sabing wag mong sisihin ang sarili mo eh." I hugged him back--tightly.

"No, Paul. That's not it. I'm sorry...for what I've did. I know it's about 5 years ago...pero...I've never apologized. Not even once."

Bumitaw siya sakin at tinignan niya ko ng maigi. This time, hindi siya galit, naiinis o kahit ano. I saw pain in his eyes.

"Hindi ko lang kasi inexpect dati na ganun yung magiging reaction mo. Akala ko maiintindihan mo. Sana umiwas ka nalang kesa sa ininsulto mo na nga ako, tapos iniwan mo pa ko. Sana sinabi mo nalang na kahit magkaibigan nalang tayo...pero hindi eh. Sinaktan mo ko."

"Paul, alam ko. Alam ko. And I'm sorry. No words can describe how sorry I am."

"Sorry? Maibabalik ba ng lahat yung sorry mo?"

"I regret every second of it, Paul. I really do."

"Pagsisisi, hah. Itatanong ko ulit, porket ba nagsisisi ka, maibabalik na sa dati ang lahat?"

"Paul naman..."

"I loved you, Kimpoy. With all my heart. Every space, it's you who filled it."

"I know...I know..."

"Alam ko hindi mo tanggap na ganito ako--"

"NO! No! No. Tanggap kita. I was in a self-denial. Tanggap kita, dati pa. Yung sarili ko ang hindi ko tanggap." tinignan ko siya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi ko matanggap dati na nagkagusto ako sa isang lalaki." Paul was shocked. Clearly shocked.

Ako din eh, parang nagulat sa inamin ko. This is the first time na naging malinaw sakin 'to.

"Kase Paul, diba? Lalaking lalaki ako eh. I had an image. Tapos nagkagusto ako sa bestfriend kong bading? I denied that, Paul. I denied that to myself for such a long time. I chose to insult and get away from you instead. Kaya siguro pilit akong nambababae all the time kase gusto kong makalimutan yung nararamdaman ko para sayo. Pero that time na nakita kita ulit sa Australia, bumalik lahat. Every feeling. My longing, my jealously, my love. Lahat yun bumalik. I'm sorry. Alam ko, tulad ng sinabi mo, na kahit anong sabihin ko hindi na mababalik sa dati ang lahat."

"Kim...anong..."

"I love you. So much. I love you, really. More than you'll ever know. I know I'm too late. You already love someone else. Tama naman si Kimrald eh, sinayang ko lahat. I don't deserve you at all."

"Kim...hindi...anong..."

"Kung ngayon na ang huling araw natin sa mundo, gusto kong malaman mo na tama ka. Walang magbabago...kase hindi na nga ata magbabago ang pagtingin ko sayo. I love you, Paul. I really do. I'm such a fool to repress this feeling for such a long time. Hindi nakatulong yung pagtatago ko eh, lalo lang lumala. Every single day that I didn't see you, my love for you got stronger."

"K-Kimpoy..." he stuttered.

"Paul Rick Cruz, please. Forgive me. Wala na kong mas gugustuhin pa kundi mapatawad mo ko."

Finally, after his long silence, tumawa siya. Magagalit na nga sana ako eh...kaso...

"Mas gusto mong sabihin kong pinapatawad na kita kesa sa sabihin kong mahal parin kita?" and then he smiled at me.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Tatawa ba ko? Tatalon? Sisigaw? Luluhod? Yayakapin ko ba siya? 

"H-huh...anong sabi mo...joke ba yan...hindi nakakatawa!!!"

"HAHAHAHA! Halika nga dito!" 

And he silenced my doubts with his kiss.

Convicted Love (Finished!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon