~ Summer 13 ~
Zayne and I entered dun sa pathway papuntang outer garden.
"Something's not right..." pabulong niyang sabi.
"What? Why?"
"Masyadong tahimik."
"Ayaw mo nun?" and then I started to gather my equipments.
I started to work but the steel door's slowing me down. Hindi ako makapagconcentrate...lalo naman kung nandito sa tabi ko itong lalaking 'to.
"Zayne, lumayo ka nga muna ng konti. Di ako makaconcentrate!" umismid siya tapos lumayo ng konti. Bwisit talaga itong lalakeng ito.
Maya maya lang, nahirapan na ako. Tinry kong i-drill pero nakakatakot baka mabasag yung salamin ng vault. After long minutes of trying to figure out the wheels of the lock spin, nabuksan ko din.
"Finally. Umabot na tayo dito ng siyam siyam."
"Kung makapag-reklamo ka wagas. I-try mo kayang ikaw magbukas nun?" inirapan ko lang si gago tsaka na ko naunang maglakad.
"Uy teka! Slow down! Do you know how to be careful?" malamang, unggoy.
After climbing maybe 5 sets of stairways, nakarating kami dun sa metal gate na mataas. Kinuha ni Zayne yung rope niya sa balikat at tinali dun sa isang bar. I watched him move. Wala parin talaga siyang pinagbago...the same Zayne I met...the same Zayne I fell in love with.
Tsaka ko lang narealize na nakatulala ako nung batukan ako ng isang lalakeng may malaking kamay.
"ARAAAA--" tinakpan niya yung bibig ko.
"Wag ka ngang maingay! Kanina ka pa nakatulala diyan." ang kapal talaga ng mukha niyang batukan ako. "Nabuksan ko na ang gate at lahat lahat pero ikaw nakatunganga ka parin diyan. May gusto ka sakin noh?"
"Eh teka bakit ang bilis mo? Diba sabi nila maraming kalaban?"
"Yun na nga eh...ni isa wala akong nakita. I told you something's wrong."
Pagkapasok namin nung gate ng cavern, biglang may tumunog na malakas at biglang sumara yung kakabukas lang na gate. Aakyat na sana ulit kami nung biglang ma-lock ng mga bars yung space sa taas.
Patay. Anong nangyayari?
BINABASA MO ANG
Convicted Love (Finished!)
AdventureThis story explains why falling in love is a crime.