CHAPTER 7: ANG MAKAPANGYARIHANG LUHA

8 0 1
                                    

"Er Dinarah" bulong ni reyna Celeste. Isa itong sumpa na iilan lamang ang nakakaalam sa Altasia. Isa na rito si reyna Celeste. Ang ninuno ni reyna Celeste ay mga Mahiko, mga nilalang ng tubig na lumilikha ng mga salamangka at sumpa. Hindi ito namana ni Aquaro sapagkat ang ama nito ay hindi isang Mahiko. Ang sumpang ibinulong ni reyna Celeste ay magkakabisa sa oras na masugatan si Param. Mabilis na aagos ang dugo palabas ng katawan hanggang sa maubos ito.

Patuloy sa labanan sina Saxen at Param. Batuhan ng kapangyarihan, at espadahan. May pagkakataon pa na lamang ang isa sa kanila dahil sa matinding pagatake ng bawat isa. Nakahanap si Saxen ng tiyempo at nasugatan nya si Param sa binti na siya namang ininda nito. Umagos paunti-unti ang dugo hanggang sa napansin nila Saxen at Param na patuloy ang pag-agos ng dugo. Nakakaramdam na si Param ng panghihina dahil sa dami ng dugong nawawala sa kanya. "Anong nangyayari sa akin?!" pagtataka ni Param na medyo may kataasan ang boses. Nagtaka rin si Saxen sa nangyari.

"Ako ang may gawa sa iyo nyan dahil alam kong masama kang nilalang. Sa ano mang oras ay mawawalan ka na ng malay at mamamatay." wika ni reyna Celeste. "Hindi maaari ito!" sigaw ni Param.  Ang lahat ay nakatingin lamang sa kanya, inuusisa ang pag-agos ng kanyang dugo at panghihina. Walang reaksyon sa mukha ni Saxen, wari'y naghihintay rin ng susunod na mangyayari. Ilang sandali pa ay nawalan na ng malay si Param. "Patawad pero wala na siyang buhay." wika ni reyna Celeste. "Mga kawal alam niyo na ang dapat gawin dito. Babalik na kami sa palasyo." ang utos ni Reyna Celeste. Sumunod narin si Saxen at Aquaro sa palasyo.

Tahimik parin silang bumalik sa palasyo. Binasag ni Saxen ang katahimikan. "Mahal na reyna, nais ko na pong magpatuloy sa aking paglalakbay.". Huminto sila ng paglalakad at humarap si reyna Celeste kay Saxen. "Maari kang magpatuloy sa paglalakbay mo bukas, sa ngayon, dito ka muna magpalipas ng gabi dahil dapithapon na." ang tugon ni reyna Celeste. Tumango si Saxen at ngumiti bilang sagot. Muli silang nagpatuloy sa paglalakad.

Kinagabihan, lumabas si Saxen sa kanyang silid at nagtungo sa Vedara upang sulyapan ang buwan at mga bituin, maging ang kagandahan ng Altasia sa gabi. "Inay, nais na ulit kita masilayan at mayakap. Ilang taon narin ang nagdaan, at sa loob ng maikling panahong nalalabi ay muli tayong magkikita." ang wika ni Saxen. Hawak niya ang Orceas Ore at pinagmamasdan ito. Pumatak ang kanyang luha rito. Nagliwanag ang Orceas Ore. Nasaksihan niya ang isa pang kapangyarihan ng Orceas Ore, at iyon ay ang pagpapakita ng mga alaala ng isang nilalang. Nakita ni Saxen sa Orceas Ore ang kanyang ina na hinehele siya noong siya ay sanggol pa lamang.

Lalong pumatak ang kanyang luha sa kanyang nakikita. "Ina ko....." ang nasambit na lamang ni Saxen. Kinaumagahan, sa hapag, muling nagsalo-salo sina Saxen, Aquaro at reyna Celeste. "Anong oras mo balak magsimulang maglakbay muli, Saxen?" tanong ng reyna. "Pagkalipas lamang po ng ilang sandali matapos ang agahang ito." sagot ni Saxen. "Magiingat ka sa iyong paglalakbay, tatandaan mo na simula palang ng magulong paglalakbay mo ang nangyari kahapon, sigurado na may mga matitindi pang mga kalaban ang iyong makakaharap, kaya hangad ko ang iyong kaligtasan sa lahat ng oras." ang litanya ni reyna Celeste. "Makakaasa po kayo mahal na reyna." sagot ni Saxen. " Mahal na ina, nais ko po sanang  sumama sa kanyang paglalakbay." ang pagsalo ni Aquaro sa usapan. "Sigurado ka ba anak? Lubhang delikado ang paglalakbay ni Saxen." ang alala ng ina. "Wag po kayong magalala, magiingat ako, at sa paglalakbay na ito, mapapatunayan ko sa sarili ko na karapat dapat akong maging isang hari balang araw." ang wika ni Aquaro. Napangiti si reyna Celeste sa tinurang ng kanyang anak. "Pumapayag na ako, may tiwala ako sa iyo magin sa iyong kakayahan, hiling ko rin ang iyong kaligtasan mahal kong anak.".

Sa tarangkahan ng palasyo, magpapaalam na sina Saxen at Aquaro sa inang reyna. "Marami pong salamat sa lahat, sa mga bagay na inyong naitulong." ang pasasalamat ni Saxen. "Isang karangalan para sa akin ang tumulong sa kahit sino man. Ang bilin ko lang ay huwag ninyong pababayaan ang isa't isa." ang habilin ng inang reyna. "Makakaasa po kayo mahal na ina." sagot ni Aquaro. "Lumapit kayo sa akin at babasbasan ko kayo sa inyong paglalakbay." ang utos ng mahal na reyna.

ZODIAC I :  GATE TO AZERZEATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon