CHAPTER 3: ANG ALTASIA

29 0 0
                                    

Patuloy ang paglipad ni Dragonium sa malawak na karagatan. Napansin ni Saxen na parang pagod na si Dragonium. Sa di kalayuan ay nakatanaw si Saxen ng isang isla kaya inutusan ni Saxen si Dragonium na lumapag muna sa isla upang makapagpahinga at makakain na rin. Sa lilim ng puno nagpahinga sina Saxen at Dragonium. Naghanap si Saxen ng bungang prutas. Nakarating si Saxen sa pusod ng gubat at napukaw ang kanyang atensyon sa isang puno na hitik sa bunga. Ang mga bunga nito ay mabilog at nangingintab sa pagkabughaw ang kulay.

Papalapit na si Saxen sa puno nang isang matandang lalaki ang sa kanya'y pumigil. "Bakit ninyo ho ako pinigilan at sino po kayo?" tanong ni Saxen ng may pagtataka. "Isa akong ermitanyo, alam mo ang punong iyan ay talaga namang pinagpala, maraming mga nilalang ang umaasa riyan dahil hindi nauubusan ng bunga. Ngunit isang araw, isang Mircon ang sa isla'y dumating at mukhang napiling gawing tahanan ang punong iyan. Naging agresibo ang Mircon sa kanyang mga kinikilos matapos matikman ang prutas, parang kanya na itong inangkin at tila ayaw mamahagi sa iba ng biyaya na nagmula sa punong iyan." wika ng ermitanyo. "Nagiisa lang ho ba kayo rito sa isla?" muling tanong ni Saxen. "Oo ginoo, matagal na akong naninirahan rito matapos akong bayuhin ng isang napakalakas na sigwa sa karagatan. Ako'y taga Phelipiah, tinatak ko narin sa aking isipan na mukhang malabo na akong makabalik sa aking lupang sinilangan." wika ng ermitanyo.

Biglang nagpakita ang Mircon kay Saxen at sa ermitanyo. Parang galit ang Mircon dahil siguro'y nadama nito ang pagdating nina Saxen sa kanyang teritoryo. Naisipang gamitin ni Saxen ang kanyang plauta upang mapatulog ang Mircon tulad ng ginawa niyang pagpapatulog kay Dragonium nung una niya itong maengkwentro. Gamit ang plauta, hinipan na ito ni Saxen na sanhi ng paglikha ng isang napakagandang himig.

Unti-unting huminahon ang Mircon at tila naging maamo ang kanyang mukha. Sa pagpapatuloy ng pagtugtog ni Saxen sa plauta ay nagawa ng matulog ng Mircon sa sanga ng puno. "Ngayon ko lang nakita ang Mircon sa kanyang pagkakatulog." wika ng ermitanyo. "May naiisip po ba kayong solusyon upang alisin ang poot sa kalooban ng Mircon upang hindi ito magig mabangis?" tanong ni Saxen. "Mayroong paraan ngunit hindi ko magamit ang pulbura at ang salamangka dahil sa bilis ng pagkilos ng Mircon." wika ng ermitanyo. "Maaari ninyo po bang subukang gamitin ang salamangka ninyo habang nahihimbing na natutulog ang Mircon?" wika ni Saxen. "Makakaasas ka ginoo." wika ng ermitanyo.

Hinugot ng ermitanyo ang supot sa kanyang baiwang at dinakot ang bughaw na pulbura. Sinambit ng ermitanyo ang naturang salamangka, "Isperco negu va silan, tineum savila, sevar mai cosmeo, noercomo sigho.". Pagkatapos bigkasin ng ermitanyo ang salamangka ay inihip niya ang pulbura na nasa palad niya ay natungo ito sa natutulog na Mircon. Tila parang binabangungot ang Mircon matapos malanghap ang bughaw na pulbura. Napansin nila ang itim na usok na lumalabas sa bibig ng Mircon. "Naalis na ang poot sa kalooban ng Mircon, naalis na ang kanyang pagkamabangis." wika ng ermitanyo.

Nilapitan ni Saxen ang Mircon, ito ay nagising. Tila isang kababalaghan ang nangyari dahil naging maamo ang Mircon at naglalambing pa. Napansin nila na tumitingkad lalo ang pagkabughaw ng bunga. Pumitas si Saxen ng ilang piraso ng bunga upang may makain sila ni Dragonium. Nagpaalam na si Saxen sa ermitanyo upang balikan si Dragonium sa tabing dagat. Sa paglayo ni Saxen ay tila sinundan siya ng Mircon at pumasan pa sa likod ni Saxen. "Bakit, ano ang kailangan mo kaibigang Mircon?" wika ni Saxen. Tila paamong nilalambing ng Mircon si Saxen. "Mukhang nais sumama sa iyo ng Mircon." wika ng ermitanyo. "Hindi maaari, baka mapahamak ka pa sa pagsama sa akin, saka magiging maayos ang pamumuhay mo rito." wika ni Saxen. Parang nagpupumilit ang Mircon na tila umaakap kay Saxen. "Gustong-gusto ka ng Mircon, isama mo na siya kung iyon ang ikasisiya niya." wika ng ermitanyo. "Sige na nga, sa tingin ko magiging maayos naman ang magiging pagtutunguhan natin sa isa't isa." wika ni Saxen at pinangko na niya ang Mircon.

Nagpaalam na si Saxen sa ermitanyo at kasama niya ang Mircon. Habang naglalakad si Saxen ay kausap niya ang Mircon. "Kay ganda ng iyong uri, kay ganda ng iyong kulay, maputi na may pagkabughaw. Mayroon ka pang tila isang marka sa noo ah. Nais mo ba ng isang ngalan." wika ni Saxen. Dinilaan ng Mircon si Saxen sa pisngi na nagpapahiwatig na sangayon ito sa ideya ni Saxen. "Alam ko na Ircollo nalang, dahil naituro sa akin ni lolo na ang bughaw sa lumang wika ng Phelipiah ay ircol." wika ni Saxen. Tila nagustuhan ng Mircon ang naisip na ngalan ni Saxen.

ZODIAC I :  GATE TO AZERZEATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon