CHAPTER 18: ANG SUSI NG ORAS AT PANAHON

11 0 0
                                    

Sa pagbaba ng dragon tila hindi nila mawari na kakaiba ito. "Hindi sana ako nagkakamali." wika ni prinsipe Amir. "Ano ang ibig mong sabihin?" tanong ni prinsipe Alian. "Isang Precosus Dragon ang dragon na iyan." sagot ni prinsipe Amir. "Anong uri ng dragon ang Precosus?" tanong ni Aquaro. Bago pa masagot ni prinsipe Amir ay nakalapag na ang dragon sa kinatatayuan nila. Isang liwanag ang nagbukas sa likod ng dragon. Pumasok ang dragon sa loob ng liwanag. Tila nahihikayat sina Saxen na sundan ang nasabing dragon. "Saan ka pupunta?" tanong ni prinsipe Alian kay Saxen. "Tila kinakausap ako ng dragon na sundan sya." sagot ni Saxen. "Nararamdaman ko ang kapangyarihang taglay ng dragon, kaya niyang hikayatin ang kahit sinumang nilalang." wika ni Brail. "Papasok ka pa rin ba?" tanong ni Aquaro na nagaalala. "Huwag kayng magalala, babalik ako kahit anuman ang mangyari." wika ni Saxen.

Nagsimula nang maglakad si Saxen patungo sa kinaroroonan ng liwanag. "Saxen." bigkas ni Aquaro. Lumingon si Saxen at sinuklian ng ngiti ang pagtawag sa kanya ni Aquaro. Nagpatuloy na si Saxen sa pagpasok sa loob ng liwanag. Sa pagpasok ni Saxen sa liwanag, tila nasilaw siya sa pagtawid rito. Matapos niyang makatawid, iminulat niya ang kanyang mga mata. Nakita niya ang Precosus sa kanyang harapan. Sa likod nito ay may iba't ibang uri ng pinto. Itinuro siya ng Precosus na pumasok sa isang pinto sa bandang kanan nito. Ang pinto na kulay lila at luma na ang wangis. Lumapit rito si Saxen at binuksan ang pinto. Sa pagbukas niya, isang kagubatan ang kanyang nakita. Naglakad siya sa naturang kagubatan. Sinundan siya ng Precosus at nagulat siya sa nangyari. "Saxen." isang boses ang kanyang narinig. Nagulat si Saxen sa narinig. "Sino ka? Magpakita ka!" sigaw ni Saxen. "Ako ito, si Oruma, isang Precosus." wika ng dragon. "Paano tayo nakakapagusap?" tanong ni Saxen. "Kinakausap kita sa iyong isipan. Nagmula ako sa hinaharap, at balang araw malalaman mo ang aking pinagmulan." wika ng dragon. "Oruma, nasasaan tayo?" tanong ni Saxen na nagtataka sa kinalalagyan nila. "Hindi mo ba natatandaan ang kagubatang ito?" tanong ng dragon. "Hindi, parang hindi ko pa ito nararating." sagot ni Saxen. "Sundan mo ako." wika ng dragon.

Sinundan ni Saxen ang dragong si Oruma hanggang sa narating nila ang isang pamilyar na lugar. Mula sa di kalayuan, "Pamilyar sa akin ang lugar na ito." wika ni Saxen. "Maghintay ka lamang ng ilang saglit." wika ng dragon. Ilang sandali pa ay napansin nila na nagliwanag ang isang may kalakihang puno at nalibot ito ng mga alitaptap. Isang babae ang kanilang napansin napapalapit sa puno kasama ang maliliit na mga diwata. Habang papalapit ang babae, tila may naaalala naman si Saxen na pawang kapareho ng pangyayari. Tila pumasok ang mga naturang diwata sa loob ng puno. Tila mayrron itong lagusan. Papalapit na ang babae. Sa pagdampi ng kamay nito, gumalaw ang mga baging ng puno at pilit ipinasok ang babae sa loob ng puno. Nagsisigaw ito. Tutulungan sana ni Saxen ang babae ngunit pinigilan siya ni Oruma. "Huwag kang makigulo, rito ka lang. Hindi maaaring mabago ang nakaraan." wika ng dragon. "Ang ibig mong sabihin nasa nakaraan tayo?" tanong ni ni Saxen na nagtataka sa narinig. "Oo, ito ang nakaraan at malalaman mo mamaya kung sino ang babaeng iyong natanaw." wika ng dragon.

Ilang sandali pa ay isang matandang lalaki ang dumating sa lugar  na kinaroroonan ng babae, maging ni Saxen at ni Oruma. "Lolo?" bigkas ni Saxen ng pabulong. Isang matanda ang napako sa kiatatayuan habang ang babae ay halos lamunin na ng puno. "Eliora, ano ang ginawa mo? Balik?" wika ng matanda na halos papaiyak na. Matapos tuluyang la munin ng puno ang babae ay nawalan na ito ng liwanag, naglaho narin ang mga alitaptap. "Eliora, si Saxen, paano siya? Hindi ko alam ang gagawin." wika ng matanda na umiiyak at unti-unting napapaluhod ito.

Matapos ng pangyayaring iyon biglang naglaho ang paligid at bumalik si Saxen sa kanyang kinatatayuan kanina bago siya pumasok sa pinto na kulay lila. "Ang iyong nasaksihan ay ang pagkalaho ng iyong ina patungo sa ibang dimensyon. Alam ko ang lahat ng nangyari sa iyo. Handa akong tumulong kung kailangan mo." wika ng dragon. "Pero bakit? Bakit mo sa akin pinakita ang pangyayaring iyon? At... siya pala ang aking ina, napakaganda niya, ako'y nanghihinayang na hindi ko siya nakalakihang kasama." wika ni Saxen. "Balang araw makakasama mo rin siya, alam kong ikaw ang itinakda, naniniwala akong mapagtatagumpayan mo ang lahat ng pagsubok na iyong haharapin." wika ng dragon. "Lalo mo lang pinadama sa akin ang pagkasabik sa akin ina." wika ni Saxen na tila nababalot ng lungkot.

ZODIAC I :  GATE TO AZERZEATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon