CHAPTER 20: ANG UNANG PAGTUTUOS

7 0 0
                                    

Sa tunggalian nina Aquaro at Imoh, naglalaban ang pwersa ng tubig mula sa lawak at lalim ng karagatan at ang pwersang nagbubuklod sa mga buhanging sumasaklaw sa lawak ng disyerto. "Ano ang iyong pakay sa paganib sa kanila?" tanong ng Aquaro na may kataasan ang boses. "Hindi pa ba halata na uhaw ako sa kapangyarihan, matagal narin akong nakakulong sa Arkoss, ito na ang simula ng aming paghahari, apghahasik ng lagim!" sigaw ni Imoh at saka ito tumawa. "Ganun pala ah." wika ni Aquaro. Nagbago ng anyo si Aquaro. Inilabas nito ang kanyang palikpis sa kanyang mga braso, sa binti, maging sa kanyang likod mula sa batok pababa. Ang kanyang hasang sa likod ng kanyang tainga. Nagkaroon rin ng ilang marka na may bahid ng pagkabughaw ang mga gilid ng mukha ni Aquaro.

"Iyan na ba ang pinagmamalaki mo?" wika ni Imoh na tila may pang-aasar. "Pluventus!" sigaw ni Aquaro. Lumitaw ang maraming bula sa paligid nito at nagpaikot-ikot. "Bula? Nagpapatawa ka ba? Gusto mo ba maglaro? Puwes, pagbibigyan kita." wika ni Imoh at nagsimula na itong umatake. Sa kanyang paglapit, dumampi sa kanya ang mga bula na kanyang nadaanan, hindi niya alam na sumasabog ang mga ito at taglay ang kainitan ng tubig. napaso si Imoh kaya ito napahinto sa pag-atake. "Masaya bang maglaro?" tanong ni Aquaro na nakangiti.

"Naiinis na ako!" sigaw ni Imoh. Mula sa kanyang palad, lumabas ang mga buhangin at tila para itong buhawi na umiikot kay Imoh. "Pledesimus!" sigaw ni Imoh, lalong bumilis ang ikot ng mga buhangin na tila naging isang malakas na buhawi ito. Nagulat si Aquaro sa ginawang iyon ni Imoh. "Hindi lamang ito ang kaya kong gawin, makikita mo ang tunay kong lakas." wika ni Imoh ng may pagbabanta. "Puwes, eto ang kalabanin mo!" sigaw ni Aquaro. "Itenimus, izeus!" sigaw muli ni Aquaro. Ang kaninang tila mga bula ay sumabog at naging pino, kumikinang, patuloy parin sa pagikot. Nagiging buhawi narin ang napulbong mga bula kanina lamang. Naging buhawi ito ng niyebe. "Gaya-gaya ka ba? Naiinggit ka sa buhawi ko?" tanong ni Imoh.

"Oo, naiinggit ako, at binigyan mo ako ng paraan kung paano kita matatalo." wika ni Aquaro. Nagtaka si Imoh sa tinurang nito. "Ero Dezeous!" sigaw ni Aquaro, umusok ang kanyang tinatapakan, nagyelo ang lupang nasa paligid nila. Humalo ang bughaw na usok sa napulbong bula. Sa pagwasiwas ni Aquaro ng kanyang mga kamay, nagtungo sa direksyon ni Imoh ang buhawing nilikha ni Aquaro. "Matibay ang buhawing ito, hinding-hindi ito matitinag!" sigaw ni Imoh.  Sa paghalo ng bihawing nilikha ni Aquaro sa buhawing nilikha ni imoh unti, unti naninigas ang pinong tubig na nagmula sa mga bula, na naging dahilan upang magyelo ang buong buhawi ng buhangin na nilikha ni Imoh, maging si Imoh ay nasasaloob ng yelo.

"Hindi pa ako tapos, eto ang para sa iyo." wika ni Aquaro. "Bomus!" sigaw ni Saxen. tila isang ana na gawa sa tubig ang kanyang nalikha, pumorma siya na tila may hawak na palaso, unti-unti naging malinaw na ang kaninang wala  namang palaso, ito ang isang daang palaso na tatapos sa iyo, kampon ng kasamaan." wika ni Aquaro. Binitiwan ni Saxen ang palaso, sa pagbitaw niya, dumami ito na hindi na mabilang kung ilan. Patungo sa direksyon ng nagyeyelong si imoh. Sa pagtama ng mga palaso, isang pagsabog ang naganap at napulbos ang kaninang tipak ng yelo na bumabalot ka Imoh. "Paano ba iyan, ako ang nagwagi." wika ni Aquaro sa sarili sabay ngiti.

Sa pagtutuos ng tunggaliang Brail at Pigaro, magkakasukatan ang lakas at bilis, ang tibay at talim, at ang pisikal at isipan. "Kaya mo bang lumaban?" wika ni Pigaro. "Bakit hindi mo subukan." wika ni Brail at ngumiti ito. Umatake na si Pigaro gamit ang kanyang lakas, upang painitin ang laban, tuloy lang muna sa pagiwas si Brail. Kung saan-saan na sila nakarating sa kaka-atake ni Pigaro at kakaiwas ni Brail. Ilang mga puno na ang kanilang napatumba at nawasak.

"Iiwas ka nalang ba ng iiwas?" tanong ni Pigaro. "Bakit? Napapagod ka na ba?" tanong ni Brail. "Hinding-hindi agad ako napapagod. Matibay ako, at gawa sa adobe ang halos buo kong katawan." wika ni Pigaro na nagmamalaki. "Talaga lang ah." wika ni Brail. Napansin niya ang piraso ng mga nagliliparang tipak ng yelo. Marahil ay mula iyon sa mga piraso ng yelo sa pagtalo ni Aquaro sa nagyeyelong si Imoh. Tumalon si Brail ng mataas habang umiikot. Nang naabot na niya ang ilang tipak ng yelo, ginamit niya ang sancali upang pulbusin ang mga ito, ang ilan rito at hindi nadurog ngunit maliliit na tipak na lamang.

ZODIAC I :  GATE TO AZERZEATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon