CHAPTER 17: ANG TORE NG ORAS AT PANAHON

4 0 0
                                    

Nang gabi ding iyon, sinundo ng disipulo at mga kawal ng palasyo ang mga sirkero sa liwasan. Ikinagulat nila itay Sidan ang paglapit sa kanila ng mga kawal. "Magandang gabi sa inyo, isang kautusan  mula sa hari at reyna, kayo'y malugod na iniimbitahan sa palasyo bilang hiling ni prinsipe Alian." wika ng disipulo. "Totoo ba ang aming narinig, iniimbitahan kami sa palasyo?" ang pagkumpirma ni itay Sidan. "Totoo ang lahat ng inyong narinig." wika ng ikalawang disipulo.

Nagtungo na sa palasyo ang pangkat ng mga sirkero, kasama si Brail. Kahit palalim na ang gabi, malugod na binati ng hari at reyna ang mga sirkero. Isang malugod na pagbati rin ang isinukli ng mga sirkero. "Ikinagagalak namin kayong maibitahan at makilala." wika ng hari. "Malugod rin po namin kayong makilala." wika ni itay Sidan at saby-sabay silang yumuko, tanda ng paggalang. "Ako pala si haring Amador at siya naman si reyna Salina." pakilala ng hari. "Hayaan ninyo po akming magpakilala, ako po si Sidan, ito naman po ang aking mga anak, si Balhig at Parha, at ang mga miyembro ng aming grupo, sina Calin, Marha, Harro, at Brail." pakilala ni itay Sidan. "Maraming salamat at kayo ang katuwang ng aming anak sa paglalakbay at pangaraw-araw na pamumuhay." wika ng reyna. Nagtaka sina itay Sidan sa tinurang ng reyna.

Sumigaw ang isang disipulo, "Pagpupugay sa mahal na prinsipe ng bayan ng Castallas.". Yumuko ang lahat ng naroroon magin sina itay Sidan. Sa pagbukas ng pintuan nagpakita si Elias o si prinsipe Alian kasama sina Saxen at Aquaro magin ang prinsipe Amir. Sa pagangat ng ulo ng mga sirkero upang makilala ang prinsipe, sila ay nagulat. "Elias?" wika ni ni Calin. Hindi parin makapaniwala ang mga sirkero sa kanilang nalaman. "Itay Sidan, mabuti at nakarating kayo ng mapayapa rito." wika ni prinsipe Alian. "Isa kang prinsipe?" tanong ni Marha. "Hindi rin ako makapaniwala pero ito ay may katotohanan." wika ni prinsipe Alian. "Prinsipe Alian, bakit hindi mo sila imbitahan sa hapag upang doon kayo makapagusap habang kumakain.." wika ng hari. Nagpahanda ang hari ng hapunan para sa mga kaibigan ni prinsipe Alian.

Sa hapagkainan, ipinaliwanag ni Elias ang lahat-lahat ng nangyari mula ng lumisan sila ng liwasan. Magulo man sa isipan ng mga sirkero ay lubos nilang tinanggap ang lahat ng kapaliwanagan ni prinsipe Alian. S mga silid tulugan, "Aquaro, malayo narin ang nalalakbay natin ngunit hindi pa natin nararating ang kinaroroonan ng susunod na Ore. Ilang distansya at ilang panahon pa ang ating pagsasamahan, ilang bituin pa ang sasaksi sa ating pakikipagsapalaran." wika ni Saxen. "Darating din ang araw na mapagtatagumpyan natin ang lahat ng pagsubok. Mararating din natin hangganan ng lahat ng ito." wika ni Aquaro. "Matulog na tayo dahil proklamasyon na bukas ng bayan ng Castallas." wika ni Saxen sabay lingon kay Aquaro. Napagtanto niyang tulog na pala ito kaya natulog na rin siya.

Kinaumagahan, lahat ay abala ay abala sa proklamasyon at pagdiriwang. Walang nilalang ang hindi abala sa naturang araw na iyon. Sa palasyo, mabilis itong naayusan ng mga tagapagsilbi. Magarbo ang ayos ng bawat paligid, sa loob man ng palasyo, o kahit saan mang sulok ng bayan. Dumating na ang papo sa palasyo upang maghanda sa proklamasyon, paparating narin ang mga konseho mula sa pamahalaan. Mula sa balkonte ng palasyo, naroroon ang hari at reyna, si prinsipe Alian at Amir, sina Saxen, ang papo, mga konseho, at ilang bisita mula sa ibang bayan at reyno. Handa na ang lahat sa proklamasyon ng bayan.

"Mula sa ating mga ninuno na bumuo ng bayang ito hanggang sa pagsibol ng bagong henerasyon, aking ipinagtitibay gamit ang pinakamataas na batas ng bayan ng Castallas. Sa lupon ng mga konseho, sa ngalan ng templo na pinagtitibay ng papo, sa harap ng sambayanan, Mula rito, ako, si haring Amador mula sa pamilya Muzoi, idinideklara sa araw na ito,  ika labindalawang araw matapos ang ikatlong kabilugan ng buwan, ang bayan ng Castallas ay isa nang ganap na reyno. Sa ngalan ni Batalantan." ang panunumpa ni haring Amador.

Ang lahat ay yumuko bilang bagbibigay pugay. "Hinihikayat ko na ang lahat na makiisa sa isang buong araw at gabi ng selebrasyon. Nawa'y ang lahat ay magsaya." anunsyo ng hari. Matapos ng proklamasyon, ang lahat ng nilalang sa bayan ay nagdiwang. Kabi-kabila ng kasiyahan, sa liwasan, sa tanghapan ng  pamahalaan, sa bulwagan, sa palasyo o saan mang bahagi ng bayan.

ZODIAC I :  GATE TO AZERZEATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon