CHAPTER 9: ANG FONTEZA

21 0 1
                                    

"Salamat at iniligtas niyo ko mula sa Bakurra ngunit hindi niyo na pa kailangang malaman pa ang aking ngalan, dahil sigurado akong hindi naman na tayo magkikita pang muli matapos ang tagpong ito." wika ng dilag. "Marahil ay tama ka sa iyong tinurang magandang dilag ngunit iba ang tadhana, malay mo bukas o sa mga susunod na araw ay magtagpo ang ating landas." wika ni Saxen habang siya ay papalapit sa dilag. Nailang ang dilag sa paglapit ni Saxen at napasandal na ito sa pinong nasa likod nito. Nagkatitigan sila, mata sa mata at si Saxen ay pawang nakangiti pa.

"Ako si Danara, isa akong Zarphinian. Sa kabilang dulo ng gubat na ito ang aming reyno. Maliit lamang ang aming reyno pero sagana kami sa  mga punong bunga na pangunahing produkto sa aming lugar. Isa kami sa mga nagaangkat ng punong bunga na idinadala sa ibang reyno at rehiyon." wika ni Danara. "Magpapakilala ka naman pala, gusto mo pa yung sinisindak ka." wika ni Saxen na may ngiti sa mga labi. Tila nabighani si Saxen sa angking kagandahan ni Danara. "Ako nga pala si Saxen." at iniabot ang kamay nito sa dilag ngunit hindi nakipagkamay ang dilag, kaya pawang napahiya si Saxen. "Ako naman si Aquaro." pakilala ni Aquaro at kumaway ito.

"Ano nga pala ang pakay mo at naririto ka sa masukal na gubat na ito?" tanong ni Saxen. "Ang totoo niyan ay hinahanap namin ang piraso ng Fonteza." wika ni Danara. "Ano yung Fonteza?" tanong ni Aquaro. "Ang Fonteza ay isang tagapangalaga ng mga puno rito sa amin, kaya nga sagana kami sa mga bunga ng puno." sagot ni Danara. "Ang sabi mo ay hinahanap namin, ang ibig sabihin ay may kasama ka?" tanong ni Saxen. "Ngayon wala ako kasama, sa paghahanap sa piraso ng Fonteza, marami kaming naghahanap pero hindi kami magkakasama para madali naming mahanap ang bawat piraso." sagot ni Danara.

"Bakit niyo hinahanap ang piraso ng Fonteza?" tanong naman ni Aquaro. "Tuwing ika isang siglo, mararapat na magising sa himlayan ang Fonteza, upang biyayaan kami ng masaganang ani. Kapalit noon ay nagaalay kami sa kanya ng bunga ng Gomea sa buong siglo. Ang Gomea ay isang natatanging puno rito sa gitna ng kagubatan na ito at nagiisa lamang. Sa tuwing mamumunga ito ay dalawa lamang sa loob ng isang taon, ang isa ay pang alay sa Fonteza at ang isa ay upang itanim, nagbabakasalaki na makapagparami kami ng puno ng Gomea. Hindi naman kami pwedeng sumabay sa pagaalay sa Fonteza dahil hindi sasakto sa tamang araw at oras ang paggising ng Fonteza pero sa pagkakaalam ko ay ngayon ang ikasampong siglo na katuwang namin ang Fonteza kaya umaasa kami na masmaganda pang biyaya ang kanya sanang maibahagi sa amin." ang kwento ni Danara.

"Sa oras na mabigyan na kami ng biyaya ng Fonteza ay hahayaan namin siyang magligalig sa kagubatan, isa itong paraan para mabasbasan rin ang mga puno na dahilan para mamunga ito ng marami. Matapos ang buong gabi ng pagligalig ng Fonteza ay babalik ito sa eksaktong pwesto at doon muli siyang hihimlay at magiging rebulto. Sa oras na maging rebulto na ito ay magliliwanag ito saka mahahati sa ilang piraso at kakalat ito sa kagubatang nakapaligid sa Zarphinia." ang pahabol na kwento ni Danara.

"Ilang piraso na ba ang inyong nahamig?" tanong ni Saxen. "Sa pagkakatanda ko ay kitsampirr (47), at ang kabuuan ng rebulto ay amosam (50) piraso." sagot ni Danara. "Kulang nalang kayo ng tatlo." wika ni Aquaro. "Tama, at dapat mahanap na nanim iyon sa loob ng tatlong araw dahil huli na kami sa paghahanap ngayon dahil natuon ang aming atensyon sa pagkalakal ng aming mga punong bunga. Ngayon hinahabol namin ang tatlong araw dahil sasapit na ang bughaw na buwan sa ikaapat na gabi mula ngayon." wika ni Danara.

Ninais na tumulong ni Saxen sa tradisyong kinalakihan ni Danara. Lumayo muna si Saxen upang kausapin ni Aquaro. "Aquaro, nais kong tumulong kay Danara." wika ni Saxen na mahina lang ang boses. "Wala namang problema sa akin, hanggat nakakatulong tayo sa mabuting paraan, payag ako. " wika ni Aquaro. "Maraming salamat, kaibigan talaga kita. " wika ni Saxen at tinapik ang balikat ni Aquaro. "Ikaw pa, tayo ang magkasangga dito, tulungan lang." wika ni Aquaro.

Bumalik na sina Saxen at Aquaro sa knitatayuan ni Danara. "Napagusapan namin ni Aquaro na tutulungan ka namin alang-alang sa iyo at sa inyong reyno." ang suhesyon ni Saxen. Napangiti si Danara sa suhesyong inialok ni Saxen. "Aking aasahan ang tulong na iyong inaalok at ipinangako mo dahil buong reyno ang nakasalalay ngayon, dahil inaalala namin na kung hindi mangyari ang ninanais namin sa oras na magbughaw na ang buwan ay mawawala ang lahat ng biyayang ipinagkaloob sa amin ng Fonteza sa mahabang panahon." pangangamba ni Danara.

ZODIAC I :  GATE TO AZERZEATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon