CHAPTER 4: ANG MAPANGANIB NA KAGANDAHAN

46 0 0
                                    

Kinabukasan, inaya ni prinsipe Aquaro si Saxen na maglibot sa liwasan ng Altasia. "Kay gandang tunay ng inyong kaharian, prinsipe Aquaro." wika ni Saxen habang naglalakad sila papuntang liwasan. "Siya ngang tunay, huwag mo na nga pala ako tawaging prinsipe Aquaro, Aquaro na lamang dahil ikaw ay akin nang kaibigan.", wika ni Aquaro. "Oh sige, Aquaro." sagot ni Saxen.

Habang sila ay naglalakad ay di nila namamalayan na sinusundan sila ng espiya ng mga taga-Adiptea na nagpapanggap na kawal. "Ito ang liwasan, dito matatagpuan halos ang lahat ng likas na yaman na nakukuha ng mga tagabayan sa nasasakupan ng aming kaharian. Dito nagaganap ang pagpapalitan ng produkto ng ibang mga mangangalakal. May dumarayo rin dito na ibang mga nilalang para sa mga kalakal." paliwanag ni Aquaro habang nililibot nila ang liwasan. "Ganito pala ang pangangalakal." wika ni Saxen.

"Halika at doon naman tayo magtungo sa Kallata." wika ni Aquaro. "Ano yung Kallata?" tanong ni Saxen. "Isa itong sikretong hardin sa loob ng palasyo." paliwanag ni Aquaro. Patuloy na naglakad sina Saxen at Aquaro pabalik sa palasyo. Sa paglalakad nina Saxen at Aquaro, tila nakakatunog si Saxen na parang may sumusunod sa kanila. Hinila ni Saxen si Aquaro na tila nagmamadali sa paglalakad. "Bakit, bakit tayo nagmamadali?" tanong ni Aquaro. "Basta magdiretso lang tayo sa paglalakad, may sumusunod sa atin." wika ni Saxen na nagmamadali parin sa paglalakad. "Sino?" wika ni Aquaro na nais lumingon sa likuran. Pinigilan ni Saxen si Aquaro na lumingon sa likuran. Pumasok sila sa isang iskinita at nagpasikotsikot sa loob ng sanga-sangang daan. "Ayan, mukhang hindi na tayo masusundan." wika ni Saxen at binagalan na ang paglalakad. "Sino ba iyong sumusunod sa atin?" tanong ni  Aquaro. "Hindi ko alam pero tiyak ko kilala niya tayo." wika ni Saxen. Napaisip tuloy si Aquaro kung sino nga ba talaga ang sumusunod sa kanila.

 May alam ka bang daan r-ito papuntang palasyo?" tanong ni Saxen. "Oo naman, mayroon, sundan mo lang ako." wika ni Aquaro. Tinahak nila ang tagong daan na pasikotsikot sa sanga-sangang daan ng mga eskinita. Narating na nila ang palasyo. "Saan nga pala rito ang sinasabi mong Kallata?" tanong ni Saxen. "Naroroon iyon sa loob ng labirinto, walang nakakaalam ng lugar na ito maliban sa akin, dito ako naglalagi sa tuwing wala akong magawa sa palasyo." wika ni Aquaro.

Tinungo nila Saxen at Aquaro ang labirinto. Pumasok sila rito at tinahak ang masalimuot na daan ng labirinto. "Ito ang daaan papuntang Kallata." wika ni Aquaro. "Nasaan rito? Wala naman akong napapansin rito kundi mga halamang dagat." ang batid ni Saxen. "Tignan mo ito." ang sambit ni Aquaro at hinawi ang isang bahagi ng pader ng mga halamang dagat. "Akala ko ba hardin, bakit isang makitid na kweba ang iyong ipinakita mo sa akin?" wika ni Saxen.

"Sundan mo lamang ako." ang wika ni Aquaro. Pumasok si Aquaro sa makitid na kweba nang pagapang. Sumunod naman si Saxen sa pagpasok sa kweba. Naunang lumabas si Aquaro sa kabilang lagusan ng makitid na kweba. Sa paglabas ni Saxen, "Ito ang Kallata, ang sikretong hardin na aking binabanggit sa iyo." ang pagmamalaki ni Aquaro. Nabighani si Saxen sa kanyang natatanaw, tila isang napakalawak na hardin ang kanyang kinaroroonan.

"Hindi ba't kabigha-bighani ang harding ito?" tanong ni Aquaro na may pagmamalaki. "Siya ngang tunay." ang sagot ni Saxen. "Maraming naninirahan ritong mga kakaibang nilalang at baka makita natin ang ilan sa mga ito." wika ni Aquaro. "Kung gayon, nais ko makakita ng ilan sa mga ito. Sayang, hindi ko naisama rito si Ircollo." wika ni Saxen.

Naglakad-lakad sina Saxen at Aquaro sa Kallata. "Nakikita mo ba iyon?" ang tanong ni Aquaro habang nakaturo ang kamay sa isang malapit na korales. "Oo, bakit?" ang sagot ni Saxen. "Maghintay ka lang ng ilang sandali at makikita mo ang isa sa mga nilalang na naninirahan rito." wika ni Aquaro. Pinagmasdan nila ang naturang korales at sa ilang sandali lamang ay isang kakaibang nilalang ang lumabas mula sa likuran ng korales na kanilang pinagmamasdan.

"Ano ang nilalang na iyon." tanong ni Saxen. "Iyon ang Porcaso, ang Porcaso ay maraming uri dahil sa kulay nito, tulad nalang niyan na kulay lila kaya ang tawag diyan ay Evio Porcaso. Sinasabing ang mga Porcaso ay mailap sa ibang mga nilalang ngunit mahilig itong kumain sa mga korales na tinatawag na Alventa, sa kulay ng bunga ng Alventa dumidipende ang uri ng Porcaso. Sa oras na mapisa ang itlog ng Porcaso na kadalasang nakapwesto sa ilalim ng mga sanga ng Alventa, ang unang Alventa na kakainin nito ang hahanap-hanapin na nito hanggang sa maging kakulay na ng Porcaso ang bunga nga Alventa." ang paliwanag ni Aquaro.

ZODIAC I :  GATE TO AZERZEATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon