CHAPTER 25: ANG PAGSUBOK SA PAGTAWID

4 0 0
                                    

Sa pagharap ni Aquaro sa tila bahay-uod, ikinagulat niya ang nasaksihan. Nakalabas sa tila bahay-uod na yari sa lumot ang mukha ng kanyang ina, si reyna Celeste. "Ina....." pagkakabigkas ni Aquaro na gulat na gulat sa nakita. Lalapit sana si Aquaro ngunit dumilat ang kanyang ina at nagliliwanag ang mga mata nito na kulay lila. Ilang saglit pa, ang tila bahay-uod na kinalalagyan ng kanyang ina ay nagkaroon ng mga galamay na yari sa lumot. Ito ang pumipigil kay Aquaro para na makalapit sa kanyang ina. "Ina! Gumising ka! Ako ang iyong anak! Ina!" sigaw ni Aquaro habang iniiwasan ang mga galamay. Sa hindi inaasahang pangyayari, napuluputan si Aquaro ng galamay na yari sa lumot. "Ina! Gumising ka, pakiusap." wika ni Aquaro na nagsisimula ng tumulo ang luha. "Ina! Ako ang iyong anak! Ako si Aquaro!" sigaw ni Aquaro na lumuluha pa rin. Tila lumuwag ang pagkakapulupot kay Aquaro ng gamalay, pagkakataon para siya ay makawala. Nawala ang lilang liwanag sa mga mata ni reyna Celeste. "Anak. Mahal na anak." wika ni reyna Celeste. "Ina! Bakit ka nagkaganito, ano ang nangyari?" tanong ni Aquaro na lumuluha. "Anak, kailangan mong sirain ang bumabalot sa akin, huwag mong intindihin kong madamay ako at tamaan sa iyong pag-atake." wika ni reyna Celeste na umiiyak na rin. "Ngunit ina, hindi ko kayo hahayaang mamatay, ayokong mawalan ng isang ina." wika ni Aquaro na lalong umagos ang ga luha. "Mahal kong anak, huwag mo na akong intindihin, muli pa tayong maglikita. Sa ngayon kailangan mo munang sirain ang kinalalagyan ko, kung hindi, maghahatid ito ng kapahamakan sa buong Altasia at sa buong mundo. Pakiusap anak..." wika ni reyna Celeste na nakikiusap na sa kanyang anak. "Ina, mahal kita. Ngunit para sa Altasia at sa buong mundo, gagawin ko ito." wika ni Aquaro na pinipigilan ang mga luha. Pinahiran ni Aquaro ang kanyang mga luha gamit ang kaliwang kamay, matapos ay pumusisyon na siya upang atakihin ang bahay-uod. "Para sa iyo ito, mahal na ina." wika ni Aquaro, "Ahhhh!" sigaw pa ni Aquaro. Nagliwanag muli ng kulay lila ang mga mata ni reyna Celeste. Tumakbo si Aquaro pasugod sa bahay-uod. Pinigilan siya ng mga galamay ngunit, ginamit niya ang espada upang putulin ang mga ito. Tumalon si Aquaro ng mataas at iwinasiwas ang espada. Napaluhod si Aquaro sa kanyang pagbaba. Ilang momento lng ay sumabog ang naturang bahay-uod. Napaharap si Aquaro sa sumabog na bahay-uod ngunit nasilaw lang siya sa pagkakaharap niya at nawalan na siya ng malay.

Sa pagmulat ni Aquaro ng kanyang mga mata, nakikita niya sina Saxen at Brail na nakapaligid sa kanya. "Aquaro, nagkamalay ka na, sa wakas." wika ni Saxen. "Akala namin hindi ka na makakabalik ng buhay." wika ni Brail. "Ano ba ang nangyari? Sandali, ang ina ko, nasaan?" wika ni Aquaro habang bumabangon. "Uminom kayo ni Saxen ng tubig mula sa ilog, kaya nawalan kayo ng malay, dadalin kayo ng tubig sa isang ilusyon na magtatakda ng inyong buhay at kamatayan." paliwanag ni Brail. "Ang ibig sabihin ay panaginip lang ang lahat ng iyon? Parang totoo." wika ni Aquaro. "Ganoon na nga, mabuti at nakabalik tayo ng buhay." wika ni Saxen. "Parang nanghina ako sa nangyari sa akin." wika ni Aquaro. "Marahil, hinahanap mo ang iyong ina, siya ba ang nasa ilusyon sa iyong panaginip?" tanong ni Saxen. "Siya nga, akala ko ay totoo yun, nangulila tuloy ako ngayon sa aking ina." wika ni Aquaro na lumungkot sa kanyang sinabi.

"Tama na iyan, ang isipin natin ay paano tayo makakatawid sa ilog." ang wika ni Brail. Sandaling katahimikan. "Brail, may naisip na akong paraan." wika ni Saxen. "Ano ang iyong naisip?" tanong ni Brail. "Lumapit kayo." wika ni Saxen na ginawa naman ng dalawa. Gamit ang Orceas Ore, ibinalot ni Saxen ang kanilang mga sarili sa bula tulad ng kanilang ginawa sa tore ng oras at panahon. "Mainam ang iyong naisip, magaling Saxen." wika ni Aquaro. Mula sa kalupaan ng Hustinimicus, tatawirin nila ang ilog ng Hepistus tungo sa kalupaan ng Bucfan-Decas lulan ng mga bula. Lumutang na ang mga bula lulan sina Saxen, Aquaro, at Brail. Malapit na sa kalagitnaan ng ilog sina Saxen ng may hindi inaasahang nangyari ang naganap.

Napansin nila na bumubulwak ang tubig mula sa ilog, palakas ito ng palakas. Nang lumakas ng tuluyan ang bulwak ng tubig, ikinabahala ni Saxen na baka masira ng tuluyan ang mga bulang kanilang kinalalagyan, kaya gumawa agad siya ng paraan. "Omi Meletic ordevus megemus!" sigaw ni Saxen at nagliwanag ang Meletic Ore sa kanyang kamay. Tila nagkaroon ng mga lumulutang na mamahaling bato sa ere, sa ibabaw ng ilog, patuloy ang pagdami nito. Pumutok na ang mga bulang kinalalagyan nila. Tinungtungan nila ang mga lumulutang na mamahaling bato dahil alam na nilang mapanganib ang tubig sa ilog. Ilang sandali pa ay mula sa bumubulwak na tubig, isang dragon na yari sa tubig ang nagpakita, mahaba ang katawan nito, walang mga paa ngunit may mga kamay. Tinatanyang hahaba ito ng mga dalawampung metro o higit pa dahil yari namam ito sa tubig.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 08, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ZODIAC I :  GATE TO AZERZEATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon