CHAPTER 23: ANG PANGANGALAGA

2 0 0
                                    

Nasa paanan na ng bundok sina Saxen kasama ang abasto na si Ludo. Nakasilong sila sa isang malaking puno. Doon nagpalipas ng gabi. Sa pagsapit ng umaga, naghanda na sila upang tawirin ang bundok ng Amiosa. Habang nakasakay sa likod ni Ludo. "Brail, may alam ka ba sa bundok na ito?" tanong ni Saxen. "Wala akong nalalaman sa bundok na ito, sinasabing ang bundok na ito ay hindi nakatalaga sa mapa ng Hustimicus. Ang lahat ng hustico ay naniniwalang ang rehiyon ng Celbuz ang nakakasakop sa bundok na ito." paliwanag ni Brail. "Tila buhay na buhay ang paligid, maraming puno at halaman rito." wika ni Aquaro. "Wala sigurong naninirahan rito kaya hindi naabuso ang gubat sa bundok na ito." wika ni Saxen. "Kung mayroon man ay sigurado akong pinangangalagaan nila ang gubat na ito." wika ni Aquaro. "Sana lahat ng kalupaan ay kulay luntian, yung puro puno at halaman." wika ni Brail. "Huwag kang magalala, matapos ko lang ang misyong ito, pupunuin ko ang buong kalupaan ng mga puno't halaman. Gagawin kong pawang paraiso buong mundo." wika ni Saxen. "Salamat." ang sanabi na lamang ni Brail.

"Bakit hindi natin hanapan ng lunas ang sumpa sa iyong paningin, Brail." suhesyon ni Aquaro. "Huwag na. Ikinakatakot ko na baka mabigo lang tayo sa paghahanap ng lunas."wika ni Brail. Hinawakan ni Saxen ang kaliwang kamat ni Brail. "Magtiwala ka lang, wala namang mawawala kung susubukan natin, wala naman tayong isinugal upang makahanap ng lunas. Hayaan mong tulungan ka namin. wika ni Saxen na may sinseridad. "Tama siya Brail, tiwala lang." wika ni Aquaro. "Maraming salamat sa inyo, lubos akong nagpapasalamat na nakilala at naging kaibigan ko kayo, ang saya lang." wika ni Brail na nakangiti. "Nagagalak din kaming ikaw ay aming naging kaibigan at kasama sa paglalakbay." wika ni Saxen.

Patuloy ang kanilang pagusad paakyat ng bundok. Napapansin nila na sa unti-unti nilang pagusad tungo sa tuktok ng bundok ay dumarami ang mga bulaklak na kanilang natatanaw. "Saxen ang ganda ng paligid, tila isang paraiso sa dami ng mga bulaklak." wika ni Aquaro na tila namamangha na kanyang natatanaw. "Siyang tunay." wika ni Saxen na tila namamangha rin sa kanyang mha natatanaw. "Nararamdaman kong may nangangalaga sa bundok na ito." wika ni Brail. "Makikilala kaya natin siya?" tanong ni Aquaro.

Nagpatuloy pa sila sa pagusad hanggang sa isang may kalakihang puno ang kanilang natanaw. Isang malaking puno na walang mga dahon ngunit napupuno ng mga kulay rosas na bulaklak. Ito ang puno ng Cherilum. Nang papalapit na sila sa nasabing puno ay bigla itong nagliwanag. Napahinto si Ludo, namangha sina Saxen at Aquaro sa nasasaksihan. Tila may hangin na umikot sa puno, ilang mga talulot ang nalagas at sumabay sa tila hangin. Tila tinipon ng hangin ang mga talulot at bumilog ito. Sa tila pagsabog ng naipong mga talulot ay nalaglah na ito ng tuluyan. Isang nilalang ang nagpakita, maliit lamang ito na tila kasing laki ng Ircollo ni Saxen. Kulay luntian na nababahiran ng kulay lila at rosas, may maninipis na pakpak at may antenna.

Lumipad ang nasabing nilalang sa paligid ng puno. Sa paglipad nito, napansin niya sina Saxen na nakasakay sa likod ng abasto. Nagtaka si Saxen at Aquaro sa nasaksihan lalo na at lumapit sa kanila ang nasabing nilalang. "Kamusta?" wika ng nilalang. Ikinagulat ito ni Aquaro dahil hindi naman nagsalita ang nilalang. "Napakaganda ng iyong tahanan, ikaw ba ang nangangalaga rito?" tanong ni Saxen. "Ako nga." wika ng nilalang at tumawa ito. Napnsin ni Aquaro na hindi naman bumubuka ang bibig nito. "Ano ito, hindi ko maintindihan." wika ni Aquaro na tila gulong-gulo na. "Nakikipagusap siya sa atin gamit ang isipan, kaya huwag ka ng maguluhan." paliwanag ni Saxen. "Kamangha-mangha, ganito mo rin ba kayo naguusap ni Oruma?" tanong ni Aquaro na may pagkamangha. "Tama ka. Ano pala ang iyong ngalan, munting nilalang?" sagot ni Saxen sa tanong ni Aquaro at itinanong ang munting nilalang. "Ako si Serubi, isa akong travilum, at ako ang nangangalaga sa kagubatang sakop ng bundok na ito." wika ni Serubi.

"Saan ka nagmula at paano mo napangalagaan at napaganda ang kagubatang ito?" tanong ni Saxen. "Nagmula ako sa ibang panahon, kaming mga travilum ay nilikha upang pangalagaan ang mga kagubatan sa panahon ng kasaganahan nito. Mula roon pagpapatuloy namin ang pangangalaga sa mga kagubatan gamit ang aming mga taglay na lakas at kapangyarihan hanggang sa maubos ang ipinagkaloob sa amin." wika ni Serubi. "Nakakatuwa naman ang layunin ninyo at ng lumikha sa inyo." wika ni Aquaro. "Lalo na ang mga bulaklak, lubhang napakaganda, ang lalago at makulay." wika ni Saxen. "Hindi ako ang dahilan ng pamumulaklak mga puno't halaman. May katuwang ako sa pangangalaga sa kagubatan." wika ni Serubi.

ZODIAC I :  GATE TO AZERZEATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon