CHAPTER 12: ANG PULANG MATA

13 0 0
                                    

Nagpapatuloy sina Saxen at Aquaro sa pagtahak sa lambak ng Menosa. Sa hangganan nito muli nilang susuungin ang kagubatan. "Madarawa sa inyo." pagbati ng grupo ng mga nilalang. "Ano ho ang inyong nabanggit?" tanong ni Saxen. "Madarawa, ibig sabihin ay magandang araw, salitang Hustimeo ng pagbati." paliwanag ng nilalang. "Ah, Madarawa rin po sa inyo." bati ni Saxen. "Hindi kayo taga rito at mukhang malayo na ang nalakbay niyo." usisa ng isa sa mga nilalang. "Tama po kayo. Malayo na ang aming nalakbay at malayo pa ang aming lalakbayin." sagot ni Saxen.

"Halika, anyayahan niyo kami sa aming tanghalian." paganyaya sng isa sa mga nilalang. "Salamat nalang po, mauna na po kami." pagtanggi ni Saxen. "Saxen, hindi pa ng tayo nagaalmusal." wika ni Aquaro na tanging si Saxen lang ang nakakarinig. "Mukhang gutom na ang kasama mo iho, halika at wag na kayong tumanggi, saluhan niyo kami." muling anyaya ng mga nilalang. "Salamat." tanging sagot nalang ni Saxen.

"Kami pala ay mga Aphoraoa, at sa bandang hilaga ng kagubatang iyan kami naninirahan, sa bayan ng Rawha." pakilala ng nilalang. "Ito si Asid, si Maakto, si Dano, at ako si Lighan." pakilala ni Lighan. "Ikinagagalak namin kayong makilala. Ako nga pala si Saxen, nagmula sa rehiyon ng Phelipiah." pakilala ni Saxen. "Ako naman po si Aquaro, nagmula sa Altasia sa rehiyon ng Agualia." pakilala ni Aquaro. "Sinasabing ang Altasia ang pinaka magandang kaharian na nakatindig sa panahon ngayon." wika ni  Asid. "Oo nga, tila isang paraiso ang Altasia. Tama ba kami Aquaro?" dugtong ni Dano. "Marahil, siguro." sagot na lamang ni Aquaro.

"Halika at mananghalian na tayo." aya ni Maakto na siyang naghanda ng pananghalian. "Kasawaih nauma Husteh sa pahawaih." bigkas ng mga Aphoraoa. Nagtaka sina Saxen at Aquaro sa binigkas ng mga Aphoraoa. "Ano ang inyong tinuran?" tanong ni Aquaro. "Nagpasalamat lang kami sa aming bathalang Husteh sa pananghaliang ito." sagot ni Maakto. Nagsimula na silang kumain. Matapos ang panaghalian ay nagpaalam na sina Saxen at Aquaro sa mga Aphoraoa. "Hanggang sa muli nating pagkikita." wika ni Lighan. Nagkamayan sila at tumuloy na sina Saxen.

Matapos nilang tahakin ang kalawakan ng kagubatan ay narating na nila ang bayan ng Rawha. "Marahil ito na ang bayan ng Rawha." litanya ni Saxen. "Ito na iyon marahil. Tila wangis nila Maakto ang mga naninirahan rito." sagot ni Aquaro. Nagpatuloy sa paglalakad sina Saxen at Aquaro hanggang sa narating nila ang liwasan at naliligiran ito ng mga pamilihan. "Mga ginoo, halika, pagmasdan niyo ang telang ito na gawa sa sedang Menosa at ginintuang seda." alok ng isang Aphoraoa. Tumanggi sina Saxen at muling nagpatuloy sa paglalakad. Narating nila ang pinaka sentro ng liwasan kung saan nila napansin ang mga sirkero. Natuwa sina Saxen at Aquaro sa kanilang natutunghayan.

Napansin nila ang isang babae na may piring at tila isa ito sa mga miyembro ng sirkero. May mga poste sa paligid nito na kinapapatungan ng mga prutas. Gamit ang sancali, winasiwas ito ng babaeng nakapiring at siyang sapul naman. Lahat ng prutas ay nahati sa dalawa sa loob lamang ng ilang segundo. Nabilib sina Saxen at Aquaro sa pagpapakitang gilas ng babaeng nakapiring. Matapos ang pagsasagawa ng mga sirkero, hinanap nina Saxen at Aquaro ang babae.

Napansin nila itong naglalakad patungo sa isang maliit na kalye, sinundan nila ito. Pagliko ng babae, binilisan nila Saxen at Aquaro ang pagsunod hanggang sa pagliko nila, hindi na nila matanaw ang babae. "Saan na iyon nagtungo?" tanong ni Aquaro. Lilingat-lingat sina Saxen at Aquaro sa paligid. Lumitaw ang babae mula sa kanilang likuran at itinaas ang kanyang sancali mataas sa balikat nina Saxen at nasa pagitan ito ng dalawa. "Sino kayo? Bakit niyo ako sinusundan? Ano ang kailangan niyo?" sunud-sunod na tanong ng babae. Lumingon sina Saxen at Aquaro paharap sa babae. "Paanong nakakakilos ka ng malaya at tama kung gayong nakapiring ang iyong mga mata?" tanong ni Saxen. "Sagutin niyo muna ang aking mga katanungan." ang sagot ng babae. "Ako nga pala si Saxen." pakilala ni Saxen. "Ako naman si Aquaro." pakilala naman ni Aquaro.

"Ano ang inyong pakay sa pagsunod sa akin? Ano ang kailangan niyo?" tanong ng babae. "Namangha lamang kami sa iyong taglay na kakayahan. Nakakabilib kahit nakapiring ang iyong mga mata." sagot ni Saxen na tila may paghanga sa babae. Ibinaba na ng babae ang kanyang sancali. "Maari ka na ba naming makilala, binibini?" tanong ni Saxen. "Bago niyo muna makuha ang aking ngalan, nais ko muna malaman ang inyong kakayahan, ang tinataglay niyong lakas, nais kong makipagtunggali sa inyo." hamon ng babae. "Sumasang-ayon ako sa iyong nais." sagot ni Saxen sa hamon ng babae.

ZODIAC I :  GATE TO AZERZEATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon