CHAPTER 21: ANG PAGHAHANAP SA MGA ORE

1 0 0
                                    

Hindi nila alam kung saan sisimulan ang paghahanap sa mga Ore dahil hindi naman nila napansin kung saang gawi ang mga ito napadpad o bumagsak. Sinuyod nila ang bawat lugar sa paligid ng lawa kung saan bumabagsak ang tubig mula sa talon. Sinubukang sisirin ni Aquaro ang lawa upang hanapin ang mga Ore, nagbabakasakaling dito napadpad ang mga ito. Si Brail, patuloy ang paghahanap sa paligid, sa mga halaman at mga puno, kahit na hindi siya nakakakita, pinagtibay niya ang kanyang kakayahang pandama upang maramdaman ang lakas na taglay ng mga Ore.

Patuloy parin si Aquaro sa paghahanap sa ilalim ng lawa, nasuyod na niya ang buuan ng sahig ng lawa. Umahon na si Aquaro dahil wala naman siyang natagpuang Ore sa lawa. Si Saxen, kahit medyo nahihirapan sa kalagayan ay hinahanap pa rin niya ang mga Ore. Hindi na nila alam ang gagawin dahil wala silang makitang bakas o palatandaan ng mga Ore.

"Nawala na ang mga Ore, hindi ko na alam ang gagawin ko." wika ni Saxen na ramdam ang pagkabigong pangalagaan ang mga Ore. "Hindi mo kasalanan kung nawala ang mga ito, walang may gusto sa nangyari." wika ni Brail. "Mahahanap rin natin ang mga ito sa lalong madaling panahon." wika ni Aquaro. Sa paguusap nilang iyon, nagpakita sa harapan nila ang Etiah, mula rito nagpakita si Oruma.

"Oruma, ano ang iyong pakay sa iyong pagpapakita?" tanong ni Saxen. "Alam ko ang suliranin ninyo. Sabihin mo lang kung kailangan ninyo ang tulong ko." wika ni Oruma. "Maraming salamat." wika ni Saxen. "Ipapakita ko sa iyo kung ano ang nangyari sa mga Ore at sa iyo, nang nawalan ka ng malay mula sa laban mo kanina." wika ni Oruma. "Marami talagang salamat Oruma." pasasalamat ni Saxen.

Nagliwanag si Oruma at nagbago ng anyo bilang isang salamin. "Ito ang nangyari sa iyo kanina, pagmasdan mong mabuti kung saan  napdpad ang mga Ore na iyong hinahanap." wika ni Oruma. Sa salaming iyon ipinakita ang huling pagsasagupaan nina Saxen at Proscius. Nagmula si Saxen sa kaitaasan at pabulusok paibaba upang atakihin si Proscius. Si Proscius ay tumalon sa mga poste ng bato paitaas upang salubungin si Saxen. Lumikha si Proscius ng isang itim na bola na gagamitin niya sa pagatake kay Saxen. Napansin ito ni Saxen kaya, iwinasiwas naman ni Saxen ang kayang mga espada at muli itong pinag-isa. "Milanum!" sigaw ni Saxen. Naglabas ng magkahalong abuhin at bughaw na liwanag ang dulo ng espada. 

Papalapit na sina Saxen at Proscius sa isa't-isa. Sa pagsalpukan nila. Ilang pagsabog ang naganap, maging ang mga posteng bato ay nadurog sa lakas ng salpukan ng kanilang mga lakas. Maya-maya pa ay bumagsak na si Proscius sa gubat lang na malapit sa bangin. Si Saxen ay nasa ere pa ay nanatili sa pwesto nito habang pumapagaspas ang mga pakpak. "Tapos na." ang nawika nalang ni Saxen at nawalan na ito ng malay. Habang pabagsak siya mula sa ere ay naglaho narin ang mga pakpak nito maging ang baluting bumabalot sa kanya. Humiwalay kay Saxen ang mga Ore.

Napansin ni Aquaro na pabagsak si Saxen sa bangin kasabay sa pagbagsak ng tubig mula sa talon, kaya sinaklulohan niya ito. Sinapo ni Aquaro si Saxen at ibinalot ang sarili sa tubig habang tangan si Saxen. Ipinakita sa salamin kung paano bumagsak ang mga Ore. Sa sandaling pagbaba ni Aquaro habang tangan si Saxen, pababa narin ang mga Ore ngunit bago pa ito bumagsak sa lawa ay may kakaibang naganap na hindi nila maipaliwanag.

Bago pa marating ng mga Ore ang mga liwanag, isang bilog na kulay tinang bughaw ang sumulpot sa ibabaw ng lawa, tila isang portal. Ito ang sumalo sa mga Ore ngunit bigla itong naglaho matapos masalo ang mga Ore. "Ngayong alam na natin kung bakit hindi natn makita ang mga Ore, paano naman natin hahanapin ang mga ito?" tanong ni Aquaro. "Mahihirapan tayong hanapin ang mga Ore kung pumasok ito sa ibang portal." wika ni Saxen. "Ang lahat ng bagay ay may paraan, kung handa at desidido kang gawin ito." wika ni Brail.

"Oruma, matutulungan mo ba kaming hanapin ang mga Ore?" tanong ni Saxen."Tutulong ako sa abot ng aking makakaya." wika ni Oruma. Muling nagliwanag si Oruma at sa kanyang likod, isang liwanag ang lumitaw. Isa itong portal. Pumasok rito si Oruma, sumunod si Saxen, Aquaro at Brail. Sa pagpasok nila sa loob ng portal, hindi ito singtulad ng pinasok ni Saxen nang sila ay nasa kaitaasan ng tore. Ang kulay ng paligid ay  tinang bughaw at sa iisang batong nakalutang lamang sila nakatayo.

ZODIAC I :  GATE TO AZERZEATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon