Worried

585 10 1
                                    

My boyfie😂👆

Maine.
Isang linggo na ang lumipas simula nung nag-tapat sa akin si Andre, isang linggo na rin siyang hindi nagpapakita , sabi niya wag ko daw siya iwasan pero siya naman itong umiiwas, nakakalurkey lang itech. Pero sa totoo lang, nag-aalala ako sa kanya kase wala rin akong balita sa kanya eh. Ano na kaya nangyari dun? Ma-itext nga ulit.

To: Andre
Uy, Andre, reply naman. Update ka naman about sayo. Nag-aalala na ako eh.😞

Sent.

Ayan sana mag-reply na siya. Nako, maliligo na nga ako at papasok pa ako sa trabaho.

---
Tapos na ako maligo at magbihis at heto ako ngayon paalis na. Nag-drive na ako papuntang office.

Pagkadating ko binati agad ako ng mga katrabaho ko. Pero english yung pagbati nila siyempre Maine nasa New York ka. Loka!

Dumiretso na agad ako sa office ko, marami na namang gagawing trabaho, bakit pa kasi ako pinapunta dito eh mas gusto ko pa asikasuhin yung restaurant ko eh, kung wala lang trabaho sila Mom sa Pilipinas eh. Tama na ang daldal Maine, magtrabaho ka na ateng!

--

Third Person's POV

"Gawin niyo ang dapat ninyong gawin! Kailangan maayos yan! Jusko!" Sigaw ni Alden sa mga empleyado niya. Galit na galit siya dahil bumababa ang sales ng kanilang kumpanya, hindi niya alam kung paano nangyari ito, siguro dahil ka-uunti na lang ang empleyado niya, ang mga iba niyang empleyado ay nag-resign na dahil na rin may sari-sarili ng pamilya o kaya naman magta-trabaho na sa ibang bansa.

Napa-upo na lang si Alden sa kanyang swivel chair, nag-iisip siya ng paraan upang mabawi ang mga bumabang sales. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao na bumababa na ang kanilang kumpanya? Sinubukang tawagan ni Alden si Maine dahil si Maine lang ang nakakapag-pagaan ng pakiramdam niya kapag siya ay nagagalit o wala sa mood.

Kringgg!! Kringgg!!

("Hello?") Sabi ni Maine sa kabilang linya.

"Hello Maine." Sabi ni Alden

("Oh bakit parang pagod na pagod ka? Halata sa boses mo eh.") Tugon ni Maine.

"Paano ba naman kasi! Bumababa na ang sales ng kumpanya namin. Sino ba naman ang hindi maiinis?!" Sabi ni Alden

("Oh chill lang! Wag kang highblood agad, patulong ka sa mga empleyado mo kung paano ito maaayos.") Sabi ni Maine

Bigla namang huminahon ng kaunti si Alden.

"Okay, okay fine, pero..... Kiss mo muna ako." Sabi ni Alden

("Nahihibang ka na ba? Paano kita maki-kiss? Eh ang layo ko dyan at saka kahit andyan ako hindi kita iki-kiss noh!") Sabi ni Maine.

"Tss, sungit mo naman meron ka ba?" Sabi ni Alden

("Alam mo kung nandiyan lang ako , kanina pa kita sinapak, ang kulit mo eh.") Sabi ni Maine.

"Sige na nga. Kung ayaw mo magpa-kiss, edi wag, naglalambing lang naman." Sabi ni Alden.

("Lambing ka dyan! Bata ka ba? Sige na ibababa ko na 'to at marami pa akong gagawin.") Sabi ni Maine.

"Sungit mo talaga. Sige na nga, bye Maine! Mwahh!" Sabi ni Alden.

("Mwahh, ka diyan sige ba-bye na!") Sabi ni Maine sabay patay ng tawag.

"Hay!" Singhal ni Alden, at biglang ngumiti, naisip niya na kung siguro kung andito lang si Maine, hindi siya magagalit o magsusungit, si Maine lang ang kailangan niya pag nangyayari ang mga ganitong problema kasama na rin pati ang kanyang pamilya.

"Tomorrow is another day." Sabi ni Alden at nagpahinga na muna.

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
Sorry sa late late late late update as in. Dapat nung last month ko pa ito i-uupdate kaso nga lang natumba yung poste dito sa amin at nadamay ang aming munting wifi kaya hindi ako makapag-update. Sorry talaga sana pag-pinost ko 'to wag muna kayong mag-comment ng "update po ulit" nakaka-pressure po kasi at pag nag-update po ako, antay na lang po kayo ng susunod na update. Kamsahamnida! BTW official na sila kahapon.
Time check: 8:19 pm
Date check 😂: Sept.2,2016
Annyeong!

I love you forever and alwaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon