Expect the Unexpected

1.1K 31 5
                                    

(Still tuesday)
Alden's Pov
Nakahiga lang ako sa kama ko, at nag-iisip-isip para sa surprise na gagawin ko para kay Maine, nang biglang nag-vibrate yung phone ko, tiningnan ko.

1 message received

Sino naman to? Binuksan ko yung message.

From: Maine

"Alden, okay ka lang ba?"

Ah si Maine lang pala. Sasagutin ko ba yung text niya. Bahala na.

To: Maine

"Oo, okay lang ako, marami lang kasi akong dapat gawin sa offie kaya nauna na ako."

Text ko sa kanya. Bigla naman nag-vibrate ulit yung phone ko.

From: Maine

"Ah, akala ko kasi kung ano na nangyari sayo."

Napangiti naman ako sa text niya na yun, concern siya. Tawagan ko nga si Maine.

Kringgg! Kringgg!

("Hello?") sabi ni Maine

"Hello, Maine." Sabi ko

("Bakit?") sabi ni Maine

"Ah tatanungin ko lang sana kung kailan ba yung alis mo?" Sabi ko

("Ah sa Thursday, bakit?") sabi niya

"Wala, pwede ba ako maghatid sa inyo sa airport?" Sabi ko

("Okay lang ba sayo?") tanong niya

"Oo naman, so payag ka?" Sabi ko

("Okay.") sabi niya

"Sige bye na." Sabi ko

("Bye!") sabi niya

Binaba ko na yung tawag, may naisip na ako na plano para bukas.

--------------
Wednesday.
Maine's Pov

"Good Morning!" Sigaw ko , kakagising ko lang, what a good day! Ewan ko kung bakit masaya ako, dapat malungkot ako ngayon kasi bukas na yung alis ko eh, bakit ganern? Bahala na! Feeling ko may mangyayaring maganda.

Naghilamos na ako at nagtooth brush, bumaba na ako at nakita ko sila Mom and Dad sa dining room.

"Morning Mom." Sabi ko sabay beso.

"Morning Dad." Sabi ko sabay beso.

"Morning." Sabay nilang sabi.

"Oh , Maine, bukas na ang alis niyo ni Valeen, nakapag-ayos na ba kayo ng gamit niyo?" Sabi ni Dad

"Mamaya pa lang po." Sabi ko

"Okay." Sabi ni Dad.

Alden's Pov
So andito na ako, sa place kung saan isu-surprise ko si Maine, secret muna kung saan. Kasama ko si Sam at Jerald, kakuntsaba namin si Patricia at Valeen sa pag-aayos nito , actually andito din sila eh. Si Maine lang ang may walang alam.

"Guys, okay na ba? Tapos na ba lahat?" Tanong ko

"Malapit na matapos, onti na lang." Sabi ni Sam

Ngumiti na lang ako. Sana magustuhan ni Maine, ang lahat ng ito, pero hindi pa siguro ito yung time na , magco-confess ako sa kanya. Siyempre huwag muna ngayon, magkakahiwalay kami eh. Pinapunta ko muna si Valeen at Pat kala Maine para makapunta dito. Ganito ang reason para mapapunta siya, sasabihin nila na may meeting tungkol sa Restaurant niya , pero dito sa place na to, so papunta na daw sila Maine dito, medyo kinakabahan ako.

------
7:00pm na at malapit na daw sila . Nakabihis na din ako long sleeved polo lang at pants, siyempre kailangan presentable, ano kayang itsura ni Maine? Feeling ko magiging triple date to, andito si Sam at Patricia, Valeen at Jerald, kahit na kakakilala pa lang nila, may chemistry sila eh, at especially kaming dalawa ni Maine, kahit hindi pa kami, special pa rin siya sa akin, hinay lang kayo. Sasabihin ko na sa inyo kung nasaan kami ngayon, nasa isang resort kami malapit sa Bulacan secret na kung anong pangalan ng resort, inayos namin ito ng napaka-romantic. Nag-text na sila Valeen , andito na daw sila. Enhale, exhale. Nakikita ko na si Maine, nakablind fold siya , halatang wala siyang alam. Nasa tapat niya na kami, kami nila Sam, Jerald, pati sila Valeen.

"Okay Maine, in the count of 3 pwede mo na tanggalin yang blind fold mo. 1,2,3 go." Sabi ni Patricia.

At tinanggal na ni Maine ang blindfold niya, halatang gulat siya, inikot niya yung mata niya, manghang-mangha siya.

"Nagustuhan mo ba?" Tanong ko.

"Oo naman, maraming salamat sa inyo, kayo hindi ko alam na may party , party pa kayo." Sabi ni Maine

"Syempre kami pa." Sabi ni Sam.

"Sam!" Sabi ni Maine, sabay yakap kay Sam, buti pa si Sam may yakap, ako wala. Tsk.

"Oh easy, halatang namiss mo ko ah." Sabi ni Sam, feelingero naman tong isa.

"Oo naman, ang tagal mo kayang nawala." Sabi ni Maine

"Pasensya ka na, hindi na namin kayo nabibigyan ng time, nag-out of town kasi kami ni Patring." Sabi ni Sam

"Ah, I understand." Sabi ni Maine

"Ehem! So let's go na?" Sabi ko

Tumango lang si Maine, at ngumiti.

Pinaupo namin si Maine, sa isang special chair, siyempre dinecorate pa namin yan. HAHA.

"Maine, may surprise kami sayo." Sabi ni Patricia.

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Oopps! Bitinin ko muna kayo, nabitin kasi ako sa Kalyeserye eh, damay damay lang yan. HAHA, Joke, may part two po yan , wag po kayong mag-alala. Medyo short update. Til' the next update.

I love you forever and alwaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon