Believe it or Not

1K 31 4
                                    

Maine's Pov
Andito pa rin ako sa bahay nila Alden, nagkwekwentuhan pa rin kami, pero infairness , masaya at hindi boring kasama si Tita Georgia. Pinakita naman niya sa akin ang mga baby pictures ni Alden, ang cute ni Alden ang pogi pa, wait anong pinagsasabi ko! NEVERMIND! Tawa ako ng tawa ng ipakita naman ni Tita Georgia ang mga embarassing moments niya.

Alden's Pov
Naalimpungatan ako , may naririnig akong nagtatawanan sa baba, hindi ko alam kung sino , pumunta ako sa baba, nasa hagdan pa lang ako rinig ko pa rin ang tawanan nila, andito pa rin ako sa hagdan , ng may nakita ako, parang mukha ni Maine, wait tingnan ko ulit, tiningnan ko ulit,  si Maine nga, hala anong ginagawa niya rito. Patay. Mag-aayos na nga ako, naligo na ako at nag-tooth  brush, pagkatapos nun bumaba na ako. Nakita ako ni Mommy. Lagot na ako.

"Oh , Alden gising ka na pala." Sabi ni Mommy , ngumiti lang ako.

Bigla namang lumingon si Maine, grabe ang ganda niya talaga, napatulala ako.

"Hey, Son what happened to you?" Mom asked

"Okay lang ako ma." Sabi ko

"Ay tsaka nga pala, hinahanap ka ni Maine, di mo sinabi sa akin na mommy niya pala si Tita Pia mo. O sige na maiwan ko na kayo." Sabi ni Mom, Mom talaga ang kulit.

Naiwan na kaming dalawa ni Maine.

"Oh Maine bakit ka nandito?" Nakangiti kong sabi

Binatukan niya ako.

"Aray! Bakit mo ginawa yun?" Sabi ko

"Loko-loko ka maglilihim ka pa sa akin." Sabi niya

"Anong lihim? Wala akong alam diyan." Sabi ko

"Ah talaga? Gusto mo batukan kita ulit?" Tanong niya

"Oo na, natandaan ko na , yun ba yung nakipagkita tayo kay Oliver, sorry kung nawala ako sa mood ah." Sabi ko

"Alden, sabihin mo nga kaano-ano mo ba si Oliver?" Tanong niya. Medyo kinabahan ako dun ah , may alam ba siya, siguro eto na yung time na sabihin ko sa kanya.

"Okay." Huminga ako ng malalim. "Kapatid ko si Oliver, at nawala yung mood ko nung nakita ko siya, dati kasi lagi kaming magkasundo ni Oliver, lagi kami ang magkasama, pero dumating ang isang araw nag-iba ang lahat ng yon, pasensya ka na hindi ko na ikwento sayo, ayaw ko na ulit siya pag-usapan eh." Sabi ko, nakita ko naman yung mukha niya na medyo nalungkot

"Sorry Alden, huwag kang mag-alala , andito lang ako para sayo, magkaibigan tayo diba, kaya, kaya natin to, walang iwanan, promise yan." Sabi niya

"Promise, walang iwanan." Sabi ko

"Ang bait ng mommy mo, hindi ko alam na bestfriend pala siya ni Mommy." Sabi niya

"Oo nga ako din, Uhm, Maine." Sabi ko

"Oh?" Sabi niya

"Kain tayo sa labas." Sabi ko

"Ano yan? Peace offering? Sige, saan ba?" Tanong niya

"Secret basta , halika na." Sabi ko

"Sige." Sabi niya

At umalis na kami.

------
Andito na kami ngayon sa Mall. Wala akong alam na place na malapit kaya dito na lang kami, napag-isipan ko na sa Max's kami kakain.

"Uhm, Maine, sorry ah, dito lang kita dinala." Sabi ko

"Okay lang yun, ano ka ba? Hindi naman ako mapili eh." Sabi niya , yan ang gusto ko kay Maine eh, kahit ano, okay lang sa kanya.

"So halika na." Sabi ko at inalalayan siya , siyempre dapat gentleman.

--
Andito na kami sa Max's , naka-order na rin kami, kumakain na kami ngayon.

"Maine, pasensya na talaga sa nangyari ah." Sabi ko

"Okay lang yun, Alden, kalimutan mo na yun, atleast hindi ka na nagsinungaling pa ng agad na tinanong kita." Sabi niya

Ngumiti na lang ako. At tumitig pang sa kanya ng matagal, ang ganda niya talaga, para siyang DYOSA.

Napatingin naman siya sa akin.

"Oh , makatitig ka naman, may dumi ba ako sa mukha?" Tanong niya

"Ah wala." Sabi ko

"Siguro kung nakakatunaw lang ang pagtitig , siguro kanina pa ako tunaw." Nakangisi niyang sagot.

"Uhm, Maine." Sabi ko

"Ano yun?" Tanong niya

"May sasabihin sana ako sayo." Sabi ko

"Ano yun?" Tanong niya

"Ah ............." Sabi ko

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Eto na ang aking update! Alam ko may idea na ang iba sa inyo kung ano yun, pero malay niyo  baka hindi yun. Sorry sa matagal na update, pasensya na rin kung may typhos.

I love you forever and alwaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon