Departure

1.2K 40 11
                                    

Maine.
Hay! Kakagising ko lang, nang biglang naalala ko na ngayon na pala ang alis ko papuntang New York, parang ayaw ko nga umalis , ang dami kong mami-miss, pero saglit lang naman ako dun, at heto ako ngayon , inaayos ang iba ko pang-gamit, mamayang hapon pa naman flight ko ,mga 2:00 , eh 7:00 pa lang ng umaga eh, sinilip ko si Valeen sa kwarto niya at hetong si loka, tulog na tulog at humihilik pa , HAHA! Pumunta na lang ako sa kusina, at naisipan kong mag-prepare ng breakfast, parang walang tao , siguro tulog pa rin si Mom and Dad. Nagsimula na akong magluto, bacon , ham, hotdog, and egg lang ang niluto ko at siyempre hindi mawawala ang RICE! Hindi ako mabubuhay ng walang rice eh. Hindi muna ako kumain , pagtingin ko sa orasan, 7:45 pa lang, ang tagal naman ng oras, ay excited umalis?! HAHA! Pumunta muna akong bathroom, at nag-toothbrush muna ako, mamaya na ako maliligo, masyado pang maaga. Bumalik na ulit ako sa kusina , pagbalik ko nakita ko sila Mom and Dad , na nakaupo na sa upuan, at parang kakain na. Pagpunta ko dun agad ko silang binati,

"Morning, Mom, Dad." Sabi ko

"Morning too sweetie." Sabi ni Mom, ngumiti lang si Dad.

"Ikaw ba nagluto nito lahat?" Tanong ni Dad.

"Opo, maaga na rin po kasi akong nagising." Sabi ko

"Okay." Sabi ni Dad

"Oh, Maine, mamaya na ang alis mo, ready na ba lahat ng gamit mo?" Tanong ni Mom

"Opo." Sabi ko

Ngumiti lang si Mom, bigla naman dumating si Valeen, na magulo pa ang buhok at halatang bagong gising lang.

"Oh, nagising ka pa?" Natatawa kong tanong.

"At saka parang nasalanta ka ng bagyo ah?" Sabi ko

"Grabe ka naman, wala man lang good morning, nilait mo naman agad ako." Sabi niya

"Edi Good Morning." Sabi ko

"Morning din." Sabi niya

"Morning Tito, Tita." Sabi pa ni Valeen.

"Morning." Sabay na sabi ni Mom and Dad.

-------------

12:00 na ng tanghali, at tapos na akong maligo at nag-aayos na ako. Isang malaking maleta at isang maliit na malea lang ang dala ko. Hay , parang ayaw ko talagang umalis. Tapos na ako mag-ayos at kinuha ko na ang mga gamit ko pumunta na ako sa Living room, at laking gulat ko nang nakita ko si Alden, Sam and Patricia, na naka-upo sa sofa. Agad nila akong binati.

"Hello Maine." Sabi nila

"Hello, para namang excited kayo sa pag-alis ko." Sabi ko

"Grabe ka naman Maine, hindi naman sa ganon , gusto ka lang namin ihatid sa Airport, by the way asaan na si Valeen?" Sabi ni Patricia

May sigaw naman akong narinig.

"Present!" Biglang sabi ni Valeen.

Tiningnan ko si Valeen, ay, jusko, napakadami namang dala nito.

"Oy Valeen, FYI, hindi tayo magbabakasyon dun, magta-trabaho tayo." Sabi ko

"Bakit ba?" Sabi niya

Inirapan ko na lang siya.

Tiningnan ko naman si Alden, kanina pa tahimik, kinausap ko nga.

"Uy Alden, ang tahimik mo ah, may sakit ka ba?" Tanong ko sabay hawak sa noo niya.

"Ah hindi." Sabi niya at ngumiti lang. Tiningnan ko sila Valeen, at sinabihan na iwan muna kami ni Alden.

"Eh, anong problema mo?" Tanong ko

"Hindi kasi ako makapaniwala na aalis ka na." Sabi niya

"Ano ka ba? Saglit lang naman ako doon eh." Sabi ko

"Maine, pwede ba wag ka na lang umalis?" Tanong niya

"Alden, kailangan eh, wag kang mag-alala, lagi kitang tatawagan at ite-text." Sabi ko

"Promise mo yan ah." Sabi niya

"Promise." Sabi ko

"Oh halika na baka ma-late ka pa sa flight niyo." Sabi niya

"Sige , halika na ." Sabi ko

Tinawag ko na sila Valeen, nakasakay na kami sa kotse, at pumunta na sa Airport, hindi na ako nakapag-paalam kala Mom, kasi umalis na sila.

--------
Andito na kami sa Airport.

"Oh pano, ba yan guys, alis na kami." Sabi ni Valeen

"Oo nga eh, uwi kayo agad." Sabi naman ni Patricia

"Oo  saglit lang kami doon." Sabi ni Valeen

"Ba-bye." Sabi ni Sam, at Patricia

Niyakap ko naman silang dalawa.

"Oh Alden, wag kang mag-alala, babalik kami agad, promise yan." Sabi ko

"Oo na, basta mag-ingat ka ah." Sabi ni Alden

"Opo boss." Sabi ko at niyakap siya

"Ayiee." Sabi nila Valeen, Sam, Patricia

"Ay grabe, ang malisya niyo." Sabi ko

Napansin ko naman namula si Alden.

"Huy, anyare sayo?" Sabi ko

"Wala." Sabi ni Alden

Passengers of ICON Airlines,flight  to New York, please proceed now.

Passengers of ICON Airlines, flight to New York, please proceed now.

"Oh sige, alis na kami." Sabi ko

Nag-group hug kami.

"Sige ba-bye." Sabi nilang tatlo.

"Bye." Sabi naming dalawa ni Valeen.

At pumasok na kami sa loob ng Airport.

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Guys! Sorry sa napakatagal na update. Maikli po muna  ngayon nagbu-buffer pa po yung utak ko eh. So eto na po ang update. Labyu guyth!

I love you forever and alwaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon