Is he JEALOUS?

1.1K 31 4
                                    

Tuesday
Alden's Pov

"Pero paano ako Maine, iiwan mo na ako?" Tanong ko

Ngumiti lang siya, hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti din ako sa kanya.

"Huwg kang mag-alala, Alden, kasama ko naman si Valeen, at saka saglit lang naman ako dun eh, at saka pwede kayong sumunod dun, kung gusto niyo." Sabi niya, pwede naman pala.

"Oo nga paps, at saka akala mo naman magka-LDR kayo, eh hindi mo pa nga ata nililigawan eh." Sabi ni Jerald

Binatukan ko naman siya. Napa-ouch naman siya. Buti nga sayo.

"At saka andun din ata si Andre diba, Maine? Huwag kang mag-alala Alden, hindi pababayaan ni Andre si Maine." Sabi ni Valeen, Tss, Andre.

"Oo." Sabi naman ni Maine

"Akala ko ba kasama ka Valeen, bakit yung Andre na yun yung mag-aalaga kay Maine?" Tanong ni Jerald, may point siya.

"Kasama pa rin ako, pero baka mas maging magkasama si Andre at Maine." Sabi ni Valeen

"Ah." Sabi ni Jerald.

"Maine, mauna na pala ako, may gagawin pa pala akong trabaho." Sabi ko with a cold voice, wala ako sa mood.

At umalis na ako.

Jerald's Pov
Hello, ako nga pala ang pambansang bae, JOKE, ako nga pala si Jerald Napoles, bestfriend ni Alden at Sam, si Alden, kilala ko na yan, nagseselos yan dun sa Andre na yun. Sino ba kasi yung Andre?

"Ah Maine, Valeen, sundan ko lang yun ah." Sabi ko at tumango naman sila.

Sinundan ko na si Alden sa parking lot, nakita ko siyang nakasandal sa kotse.

Kinausap ko siya.

"Alam mo paps, dapat hindi ka nagiging torpe, tingnan mo, parang mauunahan ka na ata nung Andre na yun. Speaking of Andre, sino ba yun?" Tanong ko

"Bestfriend siya ni Maine." Sabi niya ng parang wala sa mood talaga.

"Ah bestfriend, dyan nagsisimula yan, pero siguro natatakot ka baka kasi pagdating ng panahon siya ang piliin ni Maine at hindi ikaw?" Sabi ko

"Ewan ko, pero pakiramdam ko wala namang feelings para sa akin si Maine." Sabi niya, loko talaga to.

"Paps,antayin mo na siya mismo ang magsabi." Sabi ko

"Siguro ganun na nga" sabi niya

"Bakit hindi kaya surpresahin mo siya, bago siya umalis?" Sabi ko

"Maganda yun, tama ka, salamat bro." Sabi niya

"Welcome." Sabi ko

"Sige mauna na ako, pag-iisipan ko pa kung anong gagawin ko para bago umalis si Maine." Sabi niya

"Sige." Sabi ko at umalis na siya.

Maine's Pov
Ano kayang nangyari kay Alden? Bakit parang naging wala siya sa mood.

"Bakit kaya ganun si Alden kanina?" Tanong ko kay Valeen, andito na kami sa bahay.

"Baka nagseselos." Sabi ni Valeen

"Bakit siya magseselos? May gusto ba siya sa akin?" Sabi ko

"Aba ewan ko, si Alden lang ang makakapagsabi niyan." Sabi niya

May gusto nga ba talaga sa akin si Alden? Tss, masyado naman akong assuming. Bahala na. Text ko nga yun.

To: Alden

Alden, okay ka lang?

Text ko sa kanya, ano kaya talagang nangyari dun.

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Short update for today. Sorry medyo late.

I love you forever and alwaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon