Chapter Ten
Zeen's POV
"Hahahaha! Nagkampihan ang mga losers!"
"Ewwww"
"Whatthe! Nagkalat ang mga walang modo!
"Poor you shits!"
Yan ang mga sari-saring komentong narinig namin ni Jodis pagpasok namin ng canteen. Sino naman kaya ang pinupuntirya nitong mga 'to?
Di pa nga pala ako nagpapakilala ng tama.
The name's Zeen Kyle Huston. ZK for short. Owner of this school which is known for gaining loads of achievements and awards for being one good model to other schools. Di ako pwede maging masyadong active sa pagma-manage ng school kasi student pa ako kaya may kinuha pa akong isang maaasahang tao para magpatakbo ng tama sa paaralang ito.
Sikat. Sino? Siyempre ako. Gwapo, macho, matalino, captain ball of the school's basketball team. Yes, I'm awesomely this good. Kaso.. maraming nagsasabing mabait ako kaso di masyado. Piling-pili ang mga taong pinagkakatiwalaan ko dahil minsan na akong naloko dahil sa sobrang pagtitiwala sa isang tao.
Respetado. Ginagalang ako dahil alam ng marami na ako ang may-ari nitong paaralang ito. Sinusunod nila ako dahil takot silang magalit ang isang tulad ko.
Kalmado. Kino-kontrol ko ang sarili ko mula sa sobrang galit dahil hindi ko nalang alam ang maari kong magawa sa taong nagdulot sakin ng ganoong negatibong reaksyon. Sino ba namang taong nasa tamang pag-iisip ang gustong mainis?
Tama na muna 'tong pagkakilala ko. Matutuklasan niyo nalang ang iba sa pagpapatuloy ng kwentong ito.
Inalam namin ni Jodis ang pinagkakaguluhan ng mga tao at pinagsasabihan ng mga masasamang bagay. May nakita akong pamilyar na pigura ng isang tao na nakatalikod sakin na mismong pinagkakaguluhan mg tao ngunit may kasama pa siyang mas maliit sa kanya.
Maangas na tindig, masamang aura na dahan-dahang bumabalot sa paligid, closed fists.
Isang taong nakapagpadala na ng kaba sakin noon. Isang taong napahanga ako sa tapang.
Si Ashea Bemith Reed.
Ashea's POV
Dumadami na ang mga nang-iinsulto samin dito sa canteen. Naiinis na ako pero pinigilan kong magalit ng todo at baka makapatay pa ako ng tao ora mismo. Iniipon ko nalang ang lahat ng galit at inis ko sa kamay ko na halos dumugo na dahil sa kukong bumabaon dito.
Huwag lang silang lumampas sa limitasyong nakalaan para sakanila at baka hindi na ako makapagpigil.
"Trashes like you should go to hell!" Sigaw ng isang babae na may mukhang coloring book. Kapal ng make-up.
"Hell agad? Pwede basurahan muna? tsk. Ayusin mo yang panlalait mo ha! Para sa iyong karagdagang kaalaman, di tayo magkalahi! Masyadong akong precious para maging isang basura lang na gaya mo!" -Ako. Sige lang. Di ako mananakit ng pisikal hangga't di nila kami ginagalaw. Oo nga pala. Kasama ko pa si Jonela-- in short for Jomarie Nelin Lara.
Halata mong takot siyang masaktan dahil sa tindi ng kapit niya sakin sa braso.
"Omg! A talking trash!" -sigaw niya pabalik sakin.
"Omg! A talking shit!" Panggagaya ko sa pagsasalita niya. Ha! Kala mo ha.
"What?! Girls, did you hear that? She just called me shit!" Sabi niya na halos hindi makapaniwala sa narinig.
"Hoy! Basura ka lang rito na aastig-astig kaya wag kang umasta na para kang reyna!" Sigaw ng isa pa niyang kasama. Srsly? Uso pa hanggang ngayon ang ganitong eksena? Yung scene na ang nang-aapi ay may mga kasama. Can't they stand for their own?
"Wow. Chaperone mo?" Tanong ko sa parang lider nilang nasa gitna na kanina pa tahimik habang ang mga alipores niya ang dada ng dada. Sinabi ko yun habang nakaturo dun sa nagsalita niyang alipores na parang diring-diri.
"Ofcorznat! Shiz my gerlfrind!" Sabi niya ng mabilis at salubong ang kulay. Ang pangit ng diction niya!
"Sayang ganda mo. Tomboy ka pala," sabi ko tsaka nag-smirk. Actually, alam ko ang ibigsabihin niya sa girlfriend na yun pero nagmamaang-maangan lang ako.
"Atsaka miss, bago mo kami lait-laitin. Mag-aral ka muna kung paano magsalita ng tama," dugtong ko sa sinabi ko at tsaka kinuha ko ang kamay ni Jonela, "Halika na. Di ko kasi alam na maraming dumadayong mga bangaw rito sa cafeteria."
"Wer nat dan yet betch!" (We're not done yet bitch!) Rinig kong sigaw nung babaeng walang maayos na diction.
Di ko nalang sila nilingon at patuloy nalang kaming lumabas nitong si Jonela. Ang konti-konti pa naman ng nakakain namin kasi binuyo na kami ng mga bangaw dun. Tsk
Napansin kong di parin nagsasalita si Jonela kaya binitawan ko na siya at hinarap.
"Sa susunod Jonela, wag kang tatahimik-tahimik lang. Kaya ka inaapi dahil di ka lumalaban!" Pangangaral ko sakanya na para bang nanay niya ako. Tumungo lang siya at parang naiiyak.
"Di kasi ako kasing tapang mo ate Ashea," sabi niya. Oo, ate tawag niya sakin kasi sophomore palang siya habang senior na ako.
"Exactly! And you should be that kind of person starting from now on. Di ko kayang makitang inaapi-api ka lang tuwing di tayo magkasama! Kaibigan na kita diba? Isa ka na ngayon sa mga po-protektahan ko," sabi ko at ngumiti sakanya ng matamis.
No one should dare hurt her. Never again.
________
VOTE.COMMENT.SPREAD❤️

BINABASA MO ANG
Bipolar Bitch
Teen FictionAlmost perfect. Almost perfect lamang ako dahil hindi maganda ang ugali ko. But aside these bad traits I have, I still have a heart that would care and could love. And yes, I'm a bitch. A bipolar one. [Don't judge my story by it's title]