Chapter Eleven
Jonela's POV
(Jomarie Nelin Lara)
Ilang araw na ang nakalipas mula nung nagsimula ang pang-iinsulto saming dalawa ni ate Ashea.Mabait naman si ate Ashea. Sadyang may masasamang ugali ang mga babae rito sa campus kaya pinapatulan sila ni ate. Ano ba ang masama sa pagtatanggol sa sarili?
Hindi ko na maintindihan ang takbo ng mundo ngayon. Kung magiging mabait ka, akala mo maraming papabor at magugustuhan ang katangian mo pero ang totoo, inaabuso ka, ginagamit ka, tsaka ka itatapon na parang basura.
Sa totoo lang, masakit sa parte ko na tanggapin na binubully ako ng mismong mga kakilala at kaibigan ko noon. Oo, mayroon akong mga kaibigan noon pero ginamit nila ako. Kasi nga, anghel ako. Mabait at mapagbigay kaya ayun.. Naloko at natapon na parang sirang gamit na wala nang kwenta at saysay para sakanila.
Papunta na ako sa cr nang makasalubong ko ang tatlong famous warfreaks ng campus.
"Oh! Look girls. A prey," sabi ni Dinceya Rodellato.
She's the second leader of the group named DRB. Siya ang pinakamasalita. Kumbaga, speaker siya ng grupo nila. Maganda, sexy, at matangkad. Mayroong kulay ang buhok niyang mahaba. Mula sa tuktok ay color black pero dahan-dahang nagiging red hanggang sa dulo.
"Ya rayt. Shi loks so disgasting!" (Yeah right. She looks so disgusting!) -komento nung kasama niya.Her name's Dinday Rivas, the DRB's leader. Di gaano magaling sa tagalog and as you can see, ang pangit ng diction niya. So, siya ang pinakatahimik sa tatlo kasi baka nahihiya siya sa paraan ng pagsasalita niya. Ang buhok niya ang naiiba sa kanilang tatlo dahil siya lang ang may buhok na maiksi at walang kakaibang kulay dahil itim lang ito. Di siya ganoon kaganda pero fashionista siya at mahilig sa make-up kaya gumaganda siya sa paningin ng iba.
Linapitan ako ng huling miyembro nila at tsaka ngumisi at hinawakan ang panga ko ng mahigpit.
"A-aray! A-ano b-ba! Bitawan mo a-ako! Di ko kayo g-ginagalaw diyan!" Sabi ko ng putol-putol dahil nasasaktan na ako sa ginagawa niya. Dapat nga nasasanay na ako pero hindi eh. Di matanggap ng sistema ko ang ganitong pagmamaltrato.
She's Dinalia Roxas. Siya ang least famous sa tatlo pero ang pinakamahigpit na kaaway. Kung si Dinceya ay sa salita nanakit, siya kasi ay nampipisikal. Nanakit siya ng kaaway niya. At sa tatlo, siya ang pinakamahilig magtagalog. Siya ang swag manamit sa kanilang tatlo. Charismatic siya. Maganda, payat, fashionista, at may mahabang buhok na blonde.
"Aba, aba. Natuto kanang magreklamo ngayon," sabi niya na parang nagugulat pero nang-iinis rin,"dahil ba 'yan sa bitch na lagi mong kasama? YUN BA?! Eh hindi nga kami ginagalaw nun eh. Baka TAKOT?!" Sabi niya at nagsitawanan silang tatlo. Binitawan niya ang panga ko at hinawakan ang braso ko ng mahigpit at nilapit niya ako sakanya."Nagtitimpi lang si a-ate Ashea. Wag n-niyo s-siyang gagalitin," pahayag ko.
"Tinatakot mo ba kami?! Para sabihin ko sayo, matindi kaming kalaban. Pero sigurado naman akong alam mo na 'yun?! Eh wala ka ngang panama samin eh! Ha. Magsama kayo nung Ashea na 'yun! Mga losers!" Sigaw niya sa pagmumukha ko.
"Gals, evriting iz redi. Lez go?"(Girls, everything is ready. Let's go?) sabi ni Dinday. Napansin mo ba? Bagay sakanya ang pangalan niya kasi kung tatanggalan mo lang ng D ay INDAY nalang. Bagay sa poor pronounciations niya. Pangtaga-bundok! Oops!
Nagsimula na silang maglakad habang hila-hila parin ako nitong si Dinalia. Napansin kong ang daang tinatahak namin ay papunta sa stock room na kung saan nasa pinakadulo ng building at malapit sa daan papunta sa likod ng school.
"Pwede ba! B-bitawan n-niyo na a-ako! P-please," pagpupumiglas ko at halos mangiyak-ngiyak kong tugon.
Ayokong pumunta roon. Takot ako sa dilim.
Di nila ako pinansin at patuloy akong pinaghahatak. Nakarating na kami sa harap ng stock room tsaka sila humarap sakin.
"Ohhh," sabi ni Dinceya na parang naaawa sakin pero nakangisi,"you're going to cry? Oh please. No one will hear you here kahit humagulgol ka pa diyan," sabi niya at ngumisi na parang demonyo.
"A-ayoko d-diyan p-p-please. Saktan n-niyo na a-ako! W-wag lang d-diyan please," sabi ko habang nagpupumiglas parin sa mahigpit na hawak ni Dinalia at nagsimula nang magtubig ang mga mata ko.
Kahit kailan talaga.. Ang hina ko. Napakahina.Di ko kayang lumaban pero ayoko ring masaktan.
Takot ako. Takot ako sa dilim at... sakanila.
"Tsk, tsk, tsk. Shush dear," sabi ni Dinceya at tinapik-tapik ang mga pisngi ko at nilapit niya ang bibig niya sa tenga ko,"don't worry. Masaya diyan sa loob. Balita ko.. Maraming multo diyan. Edi masaya diba? The more the merrier," bulong niya na siyang dahilan ng panglalamig ng katawan ko.
M-multo? Shit.
Nagtawanan sila habang ako'y walang magawa kundi kaawaan ang sarili ko. Ba't ba ang duwag ko? Ba't ang hina ko? Makasalanan ba ako?
Di nagtagal ay tinulak nila ako papasok sa madilim, nakakatakot, at maalikabok na silid. Nanghina ako bigla. Ayoko sa pakiramdam na ito. Pakiramdam na walang kasama at nag-iisa. No, please.
"T-TULONG P-PO! WAG NIYO AKONG I-LOCK! P-P-PLEASE! MAAWA NA PO K-KAYO!" Ayan. Umiiyak na talaga ako.
Narinig ko pa ang tawanan nila sa labas na papalayo sa kinaroroonan ko.
"NOO! PLEASE! HELP MEEE! T-TULUNGAN N-NIYO AKO!" Sigaw ko muli. Wag niyo akong iwan dito.
Natatakot ako.
Panay parin ang sigaw at kalabog ko sa pintong nakalock.
Di ko na kaya. Nawawalan na ako ng pag-asa.
Nakarinig ako ng kaluskos sa labas pero ramdam ko na ang dahan-dahang pagkapagod at pagkawala ng boses ko dahil hinang-hina na talaga ako."P-please. H-help me," huling katagang sinabi ko bago ako nawalan ng malay.
____
Nagpuyat pa talaga ako para matapos 'to. Haha! Hope you like it ;)❤️
VOTE.COMMENT.SHARE!
BINABASA MO ANG
Bipolar Bitch
JugendliteraturAlmost perfect. Almost perfect lamang ako dahil hindi maganda ang ugali ko. But aside these bad traits I have, I still have a heart that would care and could love. And yes, I'm a bitch. A bipolar one. [Don't judge my story by it's title]