C12: Scotophobia

539 14 2
                                    

Chapter Twelve




Ashea's POV




Tapos na ang first three periods ng classes sa umaga at di ako papasok sa huling period dahil madalang lang ako pumasok sa Math subject. Alam niyo na kung bakit (,--)



Napagpasyahan ko nalang na magtungo sa likuran ng school. Ako lang yata ang pumupunta doon dahil wala pa akong nakikitang tao na naroon tuwing andoon ako.



Habang naglalakad ako ay nakasalubong ko ang tatlong eskandalosang babae na nakasagutan ko nung magkasama kami ni Jonela noon sa canteen. Nakakapagtaka ang mga ekpresyon nila ngayon dahil ngumingisi sila sakin nung madaanan ko sila. Para silang mga asong ulol dahil sa ginagawa nila eh. Tss.



Tinignan ko nalang sila at binalewala. Wala namang magandang maidudulot kung tititigan ko nalang sila. Nagpatuloy nalang ako sa pagtahak ng daan papunta sa likod ng school.




Habang palapit nang palapit ako sa isang silid doon na may nakalagay na "STOCK ROOM" bilang isang palatandaan na doon nga ang silid kung saan tinatambak ang mga gamit na wala ng kwenta at di na ginagamit ay may naririnig ako na mga kalabog at sigaw kaso di ko masyado maintindihan dahil di pa ako ganoon kalapit sa silid na iyon.



Habang nakasentro sa aking isip kung ano ang nangyayari sa silid ay di ko napansin ang isang paso na may halaman kaya ako natumba kasabay ng pagkabasag nung paso.



"Anubayan! Nakasira pa ako," inis kong bulong tsaka tumayo at nagpapag ng damit at tinignan kung nagkagasgas ako mula sa pagkakatumba ko. Salamat naman at wala dahil mawawala na ang pagka-flawless ko kung nagkataon.



Di ko na inayos ang kalat na iyon dahil nagmadaling na akong lapitan ang pinto at pinihit ang doorknob kaso nakalock. Biglang nawala ang sigaw at kalabog sa loob kaya idinikit ko ang tenga ko sa pinto tsaka nakinig kung ano ang nangyayari sa loob.


"P-please. H-help me." Sabi nung nasa loob ng mahina. Nanglaki ang mata ko dahil kaboses ni Jonela.


Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan ang bodyguard ko sa labas na nakatambay sa parking lot at pinagbabantay ko ng kotse ko dahil wala naman rin siyang magawa dahil di ko siya kailangan rito.


"Pumunta ka kaagad rito sa stock room ng school kung ayaw mong masisante! Tangina! Magmadali ka dahil kung hindi ay baka maipapatay ko ang iyong buong pamilya!" Sigaw ko sa telepono ko nung masagot niya ito at agad ring pinatay ang tawag pagkatapos. Di naman totoo yung ipapatay ko ang buong pamilya niya. Panakot lang.



Habang hinihintay ko yung bodyguard ko ay nagpabalik-balik ako sa paglalakad sa labas ng silid. Di kasi ako mapakali. Ito na kasi ang ayaw ko eh! Yung naiiwang walang laban si Jonela tuwing di kami magkasama. Dapat kasi sakanya ay matutong ipagtanggol ang sarili dahil kung hindi... lagi nalang may pangyayaring ganito.



"Maam! What's the matter?" Hinihingal na sabi nung bodyguard ko na halatang galing sa takbo.



"My friend is in that fvckin' room and that fvckin' room is fvckin' locked! And I need you to open that! NOW!" Nanlalaki ang mata nung bodyguard ko sa bawat mura na lumalabas sa bibig ko tsaka nagmadaling sundin ang inutos ko. Darn! I won't tolerate this kind of treatment of students to her. I will make sure to find the students behind this. I will freakin' do that! For Jonela.



She's an angel. Why would students treat her like this? Dahil ba alam nilang di sila kayang saktan ni Jonela? Kung yun ang dahilan, sisiguraduhin kong ipaghihiganti ko siya sa bawat taong mananakit sa kanya. I promised myself that I won't let her get hurt again.



Madali namang nabuksan ng bodyguard ko ang pinto at pagpasok ko ay tumambad sakin ang walang malay na si Jonela.



"Damn! Jesse! Help me over here! Let's bring her to the clinic! Fast!" Nagpapanic kong sabi. Shit! Malamang natakot siya sa loob dahil napakadilim sa loob at napakaalikabok. Ang tanging ilaw lang na iyong masisinagan roon ay yung galing sa space na nasa ilalim ng pinto.



Pumasok agad kami sa loob ng clinic at hiniga ni Jesse-- ang bodyguard ko-- si Jonela sa kama na nandoon.


"What happened to her?" Pagtatanong nung nurse habang inaasikaso niya si Jonela.


"I don't know yet. I just found her unconscious inside the stock room," sabi ko habang busy ang nurse sa pagche-check kay Jonela pero nung pagkasabi ko ng "stock room" ay napalingon siya sakin habang nanglalaki ang mata.


"Kaya pala! Nahimatay siya dahil may scotophobia si Ms. de Ocampo. Naku! Napakadilim pa naman talaga doon sa stock room," pahayag niya habang umiling-iling.


May scotophobia pala si Jonela kaya ganun nalang ang hinatnan ko sa loob ng stock room. Scotophobia is also known as fear in darkness or dark places. Di na ako sumagot at umupo nalang sa tabi ni Jonela at nag-isip. Habang iniisip ko kung sino ang maaaring gumawa nito ay pumasok bigla sa isipan ko ang tatlong babae kanina na kung makangisi sakin ay parang may napagtagumpayan sila.


Napatayo nalang ako bigla atsaka nilapitan ang nurse dahil pinaalis ko na ulit si Jesse,"Miss, pakisabi nalang kay Jonela na ako ang nagdala sakanya rito at babalikan ko lang siya dahil may aasikasuhin lang ako," bilin ko sa nurse atsaka nagtungo sa lobby kung nasaan nakalagay ang touchscreen na kompyuter na maaari mong paghanapan ng seksyon ng taong hinahanap mo.



Andoon na ako tsaka ko naalala na hindi ko pala alam ang pangalan ng tatlong bruha. Damn! Nagmadali akong bumalik sa clinic at sakto namang nakita kong palabas na si Jonela mula roon. Nagkasalubong agad ang kilay ko.



"Ba't ka lumabas agad? Sinabihan ko--" agad kong satsat pagkalapit sakanya pero pinutol niya agad ang sinasabi ko.


"Okay na kasi ako ate Ashea. Wag kang mag-alala. Atsaka, salamat nga pala," sabi niya atsaka ngumiti ng matamlay. Nakaramdam naman ako ng awa sakanya at galit sa taong gumawa nito kay Jonela.


Kinuha ko ang braso niya at pinaharap ko siya sakin nang tumalikod siya at maglalakad na sana.


"What's the name?" Tanong ko na nagdulot sa kanya na magtaka bigla.


"The name of the person who did this to you," dugtong ko.


"Oh. You mean 'names of people'?" Sabi niya na siyang dahilan naman ng pagtataka ko.


"What? You mean.." Di ko makapaniwalang sabi na pinutol nanaman niya.


"Opo. Tatlo silang may gawa nito. Ang grupo ng DRB," sabi niya at naglakad na at iniwan ako roon.



Bumalik na ako sa lobby pagkatapos kong maisaulo ang sinabi ni Jonela. Shit lang ha! Pinagtulungan pa talaga nila si Jonela. Si Jonela na hindi kayang lumaban mag-isa. Si Jonela na binubully at inaapi.



Pumunta agad ako sa 'group section' at inilagay ang 'DRB'. Lumabas naman sa screen ang pangalan ng tatlong babae and fortunately, nasa iisang seksyon lang sila. Napangisi nalang ako.




This will be easier then.

________


Yay! Ang next chapter ay tungkol sa gagawing aksyon ni Ashea para sa kaibigan niya ;)) Feeling ko kasi mahaba na ito kaya next chappy nalang yun XD Alam niyo na! Feeler ako eh. Hahaha!


VOTE.COMMENT.SPREAD
❤️

Bipolar BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon