C9: Weird Friend?

572 12 2
                                    

Chapter Nine

Ashea's POV

Nakagising ako dahil sa tunog ng alarm clock ko. Ang ganda lang ng gising ko :D

Konting stretching lamang ang ginawa ko kasi tinatamad ako tsaka naglakad patungo sa banyo. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin habang nagsisipilyo...

Napangiti nalang ako bigla nang maalala ko ang paghihiganting ginawa ko.

Oo, alam kong may mali ako pero kahit bitchy ako nung unang pagkikita namin ni ZK ay wala siyang karapatang ipahiya ako sa ibang tao. Kaya para sakin, quits lang kami. Para naman sa mga schoolmates ko, dapat di sila nagpauto para di sila nadamay sa mga paghihiganti ko. Anyways, what is done is done.

Napagpasyahan ko lang na kumain ng konti bago pumunta ng school.

Nakarating naman ako agad sa school dahil may pagka-kaskasera ako. Ganun eh. Wala akong sinasanto.

***

DISCUSS

DISCUSS

DISCUSS

LUNCH BREAK~

Naglalakad na ako patungo sa canteen nang madaanan ko ang isang lumang locker room.

May sumisitsit kaya tinignan ko kung san nanggagaling. Nung paglingon ko, may nakita akong babaeng nakatali, may hawak na teddy bear, at nakasubo ng lollipop.

'Ang laki-laki na naglolollipop pa' -- Isip ko.

"Tinatawag mo ba ako?" Tanong ko dun sa babae habang nakaturo sa sarili ko.

Para naman siyang batang tinanong kung gusto niya ba ng kendi kung makatango 'tong taong to eh. Ang tagal niyang natapos kakatango.

Lumapit ako sakanya ng walang ekspresyon. Boring eh.

"Oh? Ang tanda-tanda mo na kumakain ka pa ng lollipop. Masisira ngipin mo nyan," sabi ko sakanya nang nakatingin diretso sa kanyang mga mata. Ang cute niya pala kaso mukhang isip-bata 'tong isang 'to.

Nagpout siya bigla >3<

Tumigil naman siya sa pagpout at ngumiti siya sakin ng malapad atsaka naglahad ng kamay. "Hellooooooo," mahaba niyang sabi atsaka kinuha ang kamay ko at shinake hands niya ako. "Ako nga pala si Jomarie Nelin Lara de Ocampo," sabi niya nang hindi binibitawan ang kamay ko at patuloy sa pagshake nito.

At ganito ang ekspresyon ko sa nangyayari habang siya ay walang pinagbago...

(O__o) (^Q^)

(o__O) (^Q^)

(-___-) (^Q^)

(,--) ~~~ (^Q^)

Nakakapagtaka naman tong babaeng to. Napaka-suspicious! Matapos ang mga bagay na ginawa ko kahapon, di ko inaasahang may kakausap pa saakin ng ganito.

"Nandito ka ba kahapon?" -ako

"Oo" -siya

Napansin kong hindi niya pa binibitawan ang kamay ko kaya...

"Pwede mo nang bitawan ang kamay ko kung alam mo lang." -sabi ko. Ang tagal bitawan eh! Ngayon lang ba siya nakahawak ng malambot at makinis na kamay? Tss

"Ah--hehe. Pasensya na po! Masaya lang po akong malapitan kayo."-Sabi niya na ngiting-ngiti. Tsk! Kita na ang gums mo te!

"Ba't ansaya mo pa? Kung narito ka kahapon, ibigsabihin ay nadamay ka sa pinanggagawa ko kahapon sa bawat estudyanteng narito." -Sabi ko na salubong ang kilay. May topak ba 'to?

"Kasi ang kewwwwwwl niyo po! Ang tapang tapang mo at nagawa mo yun kay Zeen! At sa lahat! Alam mo bang wala pang nakakagawa nun rito?" -Sabi niya na habang-haba sa pagsabi ng 'cool.' Sayang-saya siya kahit alam niya na ang mga pinanggagawa ko kahapon. She's crazy -____-

"Miss, wala akong pakialam. Ang problema kasi sa mga estudyante rito ay nagpapa-under sila sa mga feeling powered na tao." -Sabi ko.

"Takot ang halos lahat kay Zeen dahil kahit mabait siya, limitado lang naman," sabi niya nang nakatungo at nilalaro ang kamay niya, "P-pwede ba kitang maging k-k-kaibigan? Wala kasing may g-gusto sakin rito," sabi niya na halos pabulong.

Ang sarap niyang sabihan na 'Ang weird mo kasi. Yan tuloy!' Pero siyempre, di ko ginawa. Masama lang naman ako sa mga taong masasama. Dahil ang pinakaayoko ay may nakikitang naaapi dahil hindi ko yun gusto.

"Kilala mo ba ang tinatanong mo? Ako yung may kagagawan nung mga pangyayari kahapon! Di ka ba natatakot o kinakabahan sa maaaring mangyari sayo?" -Sabi ko. Tine-test ko lang naman kung gusto niya talaga akong kaibiganin dahil baka pinaplastik lang ako nito. Nagkalat pa naman ang mga recyclable sa school na to.

"S-Sa tingin ko n-naman ay m-mabait ka." -Ayon sakanya.

Ngumiti ako tsaka hinawakan siya sa balikat. "Oo, pwede mo akong maging kaibigan," sabi ko at napaangat ang tingin niya sakin at halata ang pagkagulat sa mukha niya, "Talaga?!" Sigaw niya habang bakas parin sa pagmumukha niya ang gulat.

"Siyempre. Di naman ako mapili at totoo naman ang sinabi mong mabait talaga ako kaso sa piling tao, sa tamang tao, at sa mga mababait na tao lang," Sabi ko at binigyan siya ng isang assuring smile,"Halika, sabayan mo na ako sa lunch?" Tanong ko.

"S-sabay tayong k-kakain?" Sabi niya at mas nadagdagan ang pagkagulat sa mukha niya.

"Oo naman. May problema ba?" Tanong ko. Ang weird niya talaga! Pero ankyut hahaha

"W-wala naman. K-kasi w-wala naman talagang m-may gusto sakin rito. At i-isa talaga ako s-sa mga binu-bully," napantig naman ang tenga ko sa sinabi niya. Napawi ang ngiti ko at sumeryoso.

"Alam mo.. Ang pinakaayoko ay yung may nakikita akong may inaapi dahil walang sinumang nakakaangat satin na may karapatang manakit dahil pare-pareho lang naman tayong lahat. Lahat tayo ay tao.. Alam mo ba ang tawag sa nangyari kahapon? Di ko inapi ang mga estudyante kahapon dahil sila ang nang-api sakin noong una kaya ang tawag dun sa ginawa ko ay.. paghihiganti," sabi ko at ngumit na ulit,"Kaya.. Wag kang mag-alala dahil kapag kasama mo ako, di kita pababayaang maapi ng sinuman. Halika na?" Pagpapahayag ko ng katotohanan sakanya at inayaya na siyang pumunta sa canteen.

Pumayag naman siya at naglakad na kami papunta sa canteen.

______

WOO! Napagod na ako kakatype rito sa cellphone kaya mukhang ito na muna for chapter nine ^__^

Anyways, may new character! HURRAY! *sabog confetti*

VOTE.COMMENT.SPREAD!❤️

Bipolar BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon