Chapter Sixteen
A/N: For the next few chapters pa po magkakaroon muli ng POV ni Zeen dahil.. ewan. Di ako magaling sa male POVs eh -3-
Ashea's POV
I've been very stressed this past few days. Sino bang hindi?
Your Mom's sick + Warfreaks + Attention-seeker Bitches = Deadly, stressful life.
See? I definitely don't have a peaceful, boring life. Laging may aksyon kasi may mga taong burara at hilig manira ng reputasyon.
Ngayon, nagmamaneho na ako papunta sa school. Andoon na ulit ako nakatira sa condo ko at minsan lang bumisita sa mansyon dahil madalas kaming nagbabangayan ni Mom tuwing andoon ako. Siyempre, papatalo ba ako? Bitch eh. But, my mom is bitchier than I am.
Yeah, I do have a strict, cool mom.
Alam kong haggard na haggard na ang mukha ko pero maganda parin kaso may eyebags na dahil sa mga problema. Si Mom kasi eh, matigas ang ulo lalo na pagdating sa medication. Yan tuloy, nahihirapan kami ni Dad kasi pareho rin kaming busy sa iba't ibang bagay pero si Mom rin nagtatrabaho parin siya kasi nga, hard-headed eh. Parang bata.
Wala talaga ako sa mood kaya masyadong malambot ang ekspresyon ko ngayon. Pagod kasi ako at kulang sa tulog dahil nga sa mga problema. Pasensya na kung paulit-ulit ha? Wala kasi talaga akong gana ngayong araw kasi nga.. maraming problema.
Hinayaan ko lang ang lahat ng bubuyog sa school na magchismisan tungkol sakin kahit rinig na rinig ko naman. Nung dumating ako sa classroom ay agad rin akong nilapitan ng isang warfreak at kanyang kaibigan.
"Oh? Nakabusangot ka ngayon ah. Pangit ka na nga. Mas lalo pang pumangit," sabi nung isa na hindi ko na papangalanan dahil di siya importante. Kumbaga, joiners lang yan sa storyang 'to.
"Ah. So kausap mo sarili mo?" Sabi ko ng malumanay pero halata sa boses ko ang pagka-sarkastiko.
"Hindi rin. Dine-describe ko lang ang isang bitch rito," naka-ismid niyang sabi.
Hayy. Kailan ba 'to titigil? Wala talaga ako sa mood. Pag ako napuno? Good luck nalang.
Kinuhit ko ang kasama niya, "Oy. Kausap ka raw. Wag kang bingi" sabi ko. (-___-)
Napuno ata yung isa na kanina pa dada nang dada kasi namula siya bigla. Yepp, 'di dahil sa kilig kundi dahil sa inis.
"Kanina ka pa ha!" Sigaw niya.
"'Di no. Kakarating ko lang," sabi ko habang bored na bored ang ekspresyon sa mukha na sanhi ng mas pamumula niya (-__-)
"Pigilan mo nga 'yang inis mo. Namumula ka na oh. Bilog pa naman mukha mo." Sabi ko ng malumanay.
"Ganon?!! So, ano nais mong iparating?! Ha?! Na mukha na akong kamatis?!" Sigaw niya.
"You got it right! At dahil honest ka, irerecommend kita sa tito kong director ng teleserye." sabi ko ng nang-iinis.
"At ano namang teleserye?!"
"Honesto. Pero dahil babae ka, gagawin nilang honesta. Tapos diba masama ang ugali mo? Edi, demonyitang honesta." sabi ko na halatang iniinis siya. Hahaha! Pikon, talo.
"Ughhh! Arjane! Magsalita ka nga! Nauubusan na ako ng laway rito habang napapanis na yung iyo! Salita-salita rin pag may time?!!" Inis niyang baling sa kasama niya.
"Eh ano ngayon?! Pwede ba, wala ako sa mood tsaka halatang pinipikon ka lang ni Ashea at nagpapadala ka rin naman!!" Sigaw niya pabalik. Wow, ang lakas ng boses niya. No wonder kasi madaldal 'yan sa klase. Kaya nga lagi 'yan siyang napapagalitan. Pero ang galing ha, pareho kaming wala sa mood. Ang sarap niya tuloy sabihan ng 'I feel you.'
![](https://img.wattpad.com/cover/8717303-288-k759233.jpg)
BINABASA MO ANG
Bipolar Bitch
Novela JuvenilAlmost perfect. Almost perfect lamang ako dahil hindi maganda ang ugali ko. But aside these bad traits I have, I still have a heart that would care and could love. And yes, I'm a bitch. A bipolar one. [Don't judge my story by it's title]