Chapter Seventeen
Jonela's POV
Simula nung may nangyari sa garden, di na ako pinapabayaan maging mag-isa ni ate Ashea. Nagiging mag-isa lamang ako tuwing may klase at pagkatapos nito at kung may klase pa si ate Ashea.
Simula nun.. ay natuto akong magchin-up at tignan ng diretso ang mga taong nakakasalubong ko. Di tulad noon na lagi akong nakayuko at natatabunan ang mukha ko ng mahaba kong buhok.
Simula nun.. ay natuto akong maging palaban at hindi magpa-api. Naiintindihan ko na kung bakit gusto akong tulungin ni Ate Ashea na magbago.
Yun pala ay dahil ayaw niya akong masaktan dahil importante ako. Di naman sa makapal ang mukha ko pero ramdam ko ang pagpapahalaga niya sa isang mukhang isip batang katulad ko na laging inaapi at nagpapaapi.
Atlast, natuto rin akong maging independent at maging confident. Sino nga ba ang dapat kong katakutan diba? Kung mayroon man, yun ay si Lord lang. Kung mayroon man akong dapat respetuhin, yun ay si Ate Ashea at ang natitira kong mga kapamilya. Ngayon, naiintindihan ko na ang lahat. At simula ngayon, mabait parin ako pero hindi ko gusto na naaabuso ako.
Andito lang ako sa upuan ko ngayon at nagsa-soundtrip. Wala kasi kaming teacher ngayon dahil may dinaluan siyang seminar. Atsaka, may nagbago na pala sa pisikal kong itsura. No nerdy glasses, no teddy bears, and no lollipop. Mukha na nga akong tao ehh.
Kinuha ko nalang ang libro ko sa Science at nagsimulang magbasa tungkol sa susunod naming topic. Hmm. Chemistry na pala kami ngayong grading. Nung last grading kasi ay Biology. Mas mahirap 'tong Chem ah :/ Pero dahil masipag ako, naga-advance reading ako. Former nerd nga diba?
Sinimulan ko na ang pagligpit ng mga gamit ko nang makita kong patapos na ang oras ng subject na ito na walang teacher na umattend. Kinuha ko lang rin ang cellphone ko at wallet dahil pupunta na ako ng canteen para mag-merienda. Tapos tinext ko muna si Ate Ashea,
To: Ate Ashea~
Off to canteen now. Sunod ka ate, ha? :)
Pinaalam ko lang naman sakanya ang pupuntahan ko para incase na magkagulo ay alam niya kung san ako matatagpuan. Yun ang isa sa mga habilin niya sakin.
Dire-diretso lang ako sa linya ng counter at naghintay ng konti para ako naman ang mago-order nang sumingit sakin ang grupo ng DRB. Ayos na nga pala si Dinceya-- ang binalian ni Ate Ashea. Pinatawag pa nga kami sa Principal's Office dahil sa aksidente pero di kami pinarusahan dahil may nagsabi na si Dinceya rin naman raw ang nauna.
Nagtatawanan sila ng malakas at parang binalewala ako na nakalinya. Hinayaan ko na lang sila at pinauna dahil ayoko muna ng gulo ngayon. Masyado ng naging maaksyon ang buhay namin. Nang matapos sila ay sinimulan ko nang banggitin ang mg gusto ko atsaka nagbayad. Bitbit ko ang tray ko hanggang sa nakaupo ako ng mag-isa. Mauuna na akong kumain kay Ate Ashea dahil baka may ginagawa pa 'yun. Sabi niya kasi ay babawi siya ngayong grading.
Napaupo naman agad ako ng maayos nang maramdaman ko ang paglalagkit ng damit ko sa likod. Tinignan ko naman agad yung nasa likod ko at nakita ang DRB.
"Ano na naman ba?" Walang gana kong sagot. Ang lagkit! Spaghetti ata ang binuhos sakin eh.
"Makareact to oh. Di naman namin sinadya." Painosenteng sagot ni Dinelia.
"Ha! Talaga lang ha. Dalawa lang naman ang pwedeng dahilan eh. It's either TANGA KAYO o NAGTATANGA-TANGAHAN." Matapang kong sagot. Magsisinungaling na nga lang, yung tipong obvious na obvious pa.
"We didn't really mean it." Pagsisinungaling pa ni Dinday.
"Tigilan niyo nga ang pagmamaang-maangan niyo. Di bagay. Mamamaga ang ilong niyo niyan." Nakangisi kong sagot at nakarinig kami ng mga hagikgikan. Akala ko mga baboy, yun pala ay mga chismosa't chismosi na nakatingin samin na parang nanonood ng pelikula.
"Bitch please. Pinanunuod mo pa ang Honesto?" Nandidiring tanong ni Dinalia.
"Bitch please," panggagaya ko sakanya,"ikaw ang may alam ng teleserye at hindi ako. It only shows na sa ating dalawa, ikaw ang nanunuod. Narinig ko lang ang about dun but you never fail to amuse me. I never thought you'd watch such teleserye." Pagsisinungaling ko rin. Actually, nanunuod ako :") ankyut eh! There's nothing wrong at lying kung liar rin ang kausap mo. Pre, quits lang kami.
"W-what?! Sino namang nagsabi na nanunuod ako nun?!" Galit niyang tanong.
"Ikaw. Sino bang bumanggit ng Honesto? Ako ba? Psh. Yan pala ang napapala ng pambu-bully. Nakakabobo." Sagot ko. Kitams? Nasasagot-sagot ko na ang DRB. Huli na talaga yung pagkulong nila sakin sa stockroom dahil pagod na akong masaktan at apihin.
Tumalikod na sila ng padabog lalo na yung si Dinalia na pabalang kong sinagot-sagot. Hurray! Napikon ko sila.
"Oh wait," pagpapatigil ko sakanila pero bago pa sila makaharap sakin ay nagawa ko ng ibuhos sakanila ang binili kong pagkain.
"Oops, sorry. I DIDN'T mean to do THAT." Ginawa ko lang kung ano ang ginawa nila.
Hinawi ko lang ang buhok ko sakanilang mga mukha na tulala pa sa bagay na ginawa ko. Ito ang unang beses na labanan ko sila ng todo. Dahil ngayon, natuto na akong depensahan ang sarili ko. Lumabas na ako ng cafeteria wearing a triumphant smile.
Payback's a bitch, bitches.
______
Boring na chappy </3
VOTE.COMMENT.SPREAD❤️
BINABASA MO ANG
Bipolar Bitch
Novela JuvenilAlmost perfect. Almost perfect lamang ako dahil hindi maganda ang ugali ko. But aside these bad traits I have, I still have a heart that would care and could love. And yes, I'm a bitch. A bipolar one. [Don't judge my story by it's title]