Day 36

49 0 0
                                    

“Hey France, get up. You should go home. Magagalit sa’yo ang lolo mo kapag nalaman niya ‘to.” I felt that someone was tapping my back.

“No, he won’t. I’m still sleepy.”

“Continue this at home, ihahatid ka namin, don’t worry.”

“But—“

“No buts. Tara na.” pamimilit nila sa akin.

Haaay, I have to face my fear again.

Fear of falling apart.

***

“France, we’re here.” I was taken aback. Malalim kasi yung mga iniisip ko kanina.

“Accompany me inside, please?” I pleaded.

“Ayaw namin. Baka masapak ko pa yung Ken na ‘yun.” Sabi ni Aisa.

“Please, Hania?”

“Ayoko rin. Kaya mo ‘yan!”

“I hate you both!” then I pouted.

“Bye France! See you again.” Tsk. How mean could they be?

Mga limang minuto pa akong nag-isip bago ko naisipang pumasok. Sa back door, yes. Sa back door.

I tiptoed. Baka kasi marinig niya ako at sigawan na naman.

Pagka-open ko ng backdoor, which leads to the kitchen, I saw him beaming at me na parang wala siyang nagawa kagabi. Na parang ayos lang lahat.

“Hi, kumain ka na. Nagpadeliver ako ng breakfast.” He told me.

I just raised my right eyebrow then continued walking. Nilampasan ko siya. Grabe, ang kapal niya lang na magbait-baitan sa akin. Akala niya ba papalampasin ko lang yung pagsigaw niya sa akin kagabi? Pwes, he’s definitely wrong.

Dumeretso ako sa kwarto ko at natulog ako ulit. Hoping that when I wake up, everything would be okay.

***

Nagising ako ng mga 6PM, masakit ang ulo ko. Ang haba ng tulog ko. 8 hours. Totoo nga yung sabi nila, when you wake up in the middle of the twilight, you’ll get a headache. Tsaka nagugutom ako. Nakaka-asar.

Bumaba ako. Dumeretso sa kitchen at naabutan ko na naman si Ken, maraming band-aids sa daliri tsaka lahat ng niluto niya na, well, nag-improve naman, mukha nang tunay na pagkain.

“Hi. Kain ka na, I prepared these foods for you.” Bati niya ulit sa akin.

Again, I ignored him and prepared my own food. I didn’t bother looking at him.

Kung hindi lang kami magka-away, malamang kilig na kilig ako sa mga pinaggagagawa niya. Pero ano? Magka-away kami ngayon. It’s not my fault, or maybe partly yes, but at least I know I wasn’t really wrong.

Bakit ka ba ganyan, Ken? Hindi kita maintindihan. Daig mo pa ang babaeng may period sa moodswings mo.

“Hey France, pansinin mo naman ako oh.” Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

I didn’t speak to him, I managed to ignore him.

“Look at me,” hinarap niya ako sa kanya. “I’m sorry for saying those things. Nabigla lang ako. I shouldn’t have said those words. I’m sorry.”

Tapos na naman yung niluto ko kaya huminga ako ng malalim bago ko siya sagutin. “Yes, you shouldn’t have, but still, you did.

Then I walked away. Lumayo ako agad kasi ayokong ipakita sa kanya na gustong-gusto ko na siyang patawarin, at ayokong ipakita sa kanya na nasasaktan ako lalo sa mga ginagawa niya. Bakit? Kasi lalo lang niya akong pinapaasa na mahalaga rin ako sa kanya.

Mahalaga nga kaya ako?

Tss. Ang drama naman ng scene na ‘to.

Pagkatapos kong kumain, kinuha ko yung phone ko at nag-enter ng isang entry sa memo ko.

Nakakabadtrip ka Ken! Ba’t ka ganyan? Masyado kang paasa. Dapat galit ka lang sa akin ngayon, mas tatanggapin ko pa yun, kesa ganito na sinusuyo mo ako, kesa ganito na ipinaparamdam mong may halaga ako sa’yo. Meron nga ba? Alam kong naging manhid yung puso ko for the more than two years, but now I’ve come to realize that I’ve fell in love with you, and I am still falling. I know it sounds stupid but I think it’s true. Hahaha. Whatever, kahit kailan naman hindi mo ibabalik yun so it’s much better not to tell you. Sorry ha? I’d have to avoid you as much as possible, because it would mean that I’d start to avoid my feelings for you, too.

Ken’s POV

She’s still avoiding me. She’s doing her best. She didn’t even pay attention to the food I prepared for her. Nagkandapaso-paso na ako, pero wala rin. Ano nga ba naman ang magagawa ko? Sinaktan ko eh.

Hindi ko nga alam kung anong pumasok sa isip ko kaya ko siya nasigawan kahapon. Siguro masyado lang akong nadala ng jealousy to the point na nabring-up ko pa yung topic about that Muluhn. Nakaka-asar actually, I told her she was stupid, when I was talking about myself. I said leave, but all I really wanted was her.

“*sigh* Mahal kita France, mahal na mahal. Sana mapatawad mo ako, kasi promise, babawi ako sa’yo.” Nasabi ko nalang ng mahina, nasa kwarto naman ako kaya walang makakarinig.

Isang milyong beses pa yata akong mas malala sa isang typical na torpe eh. Bakit ba kasi pagdating sa kanya, natatameme ako?

Pero, minsan, naiisip ko rin na siguro may gusto rin siya sa akin dahil sa mga kinikilos niya. Ewan ko! Ayokong umasa.

Pero sana, sana lang talaga, dumating na yung araw na maamin ko na rin yung nararamdaman ko.

100 Days with a MONSTER (Part 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon